JOAQUIN'S POV
Na sent ko na kay Shar yung text na kunwari para kay Nash pero para kay Shar naman talaga para lang isipin ni Shar na para kay Nash yun kahit para sa kanya naman yun.
Natawa ako sa sarili ko. Ngayon lang ako nagkaganto.
Biglang nag ring ang cp ko!
OMG! Si Shar! Tumatawag! Anong gagawin ko?
"Hello? Hello! Hello Shar? Ehem, ehem. Hello? Hello, bakit? Ehem."-ako-
Nagpractice pa ako kung pano ko sya babatiin.
Pano ba dapat? Pa sweet? Pa astig? Caring? Ano bang tono?!
Biglang tumigil ang pagriring!
Ano ba naman yan! Sayang naman! Sana tumawag sya ulit!
Lord ito na lang iregalo nyo sa birthday ko, na sana tumawag ulit si Shar. Na sana, magkausap kami ngayong gabi. Please.
Nagdasal pa ako!
Napangiti ako ng tumawag ulit sya. Gumana! Yehey!
Ito na nga! Baka mawala na naman!
Ako: hello? Ano? Bat ka tumawag?
Shar: sorry ha? Naka istorbo ba ako?
Ayan tuloy! Parang galit pala ang pagsasalita ko.
Ako: hindi! Hindi! Hindi!
Ang weird mo Joaquin! Kumalma ka nga!
Ako: hindi naman. Bakit ka tumawag?
Narinig kong tumawa si Shar.
Shar: A na wrong sent ka kasi e. Masakit ulo mo?
Buti na lang gumana! Hahaha
Ako: hindi! Ay oo pala!
Shar: ang gulo mo. Para kang lasing. Hahaha masakit ulo mo? Bakit? Hindi kaba kumain?
Ako: hindi. Ay oo pala. Ay hindu pala. Hindi ako makatulog.
Shar: hahaha. Ang gulo mo naman! uminom ka ng gamot!
Ako: wag na.
Shar: ang kulit mo. Bakit di ka makatulog?
Ako: ewan ko.
Shar: baka may iniisip ka.
Oo! Ikaw!
Ako: wala naman.
Shar: matulog kana kung wala ka namang iniisip.
Ako: hindi nga ako makatulog e.
Shar: hmmm. Uminom ka ng gatas. Sayang wala ako dyan. Pagtitimpla sana kita.
Sayang nga!
Narinig kong humikab sya.
Ako: inaantok kana ata e.
Shar: di naman masyado.
Ako: matulog ka na nga lang.
Shar: e pano ka?
Ako: makakatulog din ako.
Shar: sabay na lang tayo matulog.
Ako: okay. Good night Shar.
Shar: Good night Joaquin.
Binaba nya na ang tawag. Nakatulog ako ng nakangiti.
Pagkagising ko ay nakita ko si Shar na nakatayo sa may gilid ng kama ko.
Nananaginip ba ako?
"Good morning Joaquin."-Shar-
Pumikit pa ako ulit pero nandun pa rin si Shar! Hindi nga to panaginip!
Napangiti ako.
"Akala ko ba hindi ka pa papasok ngayon?"-ako-
"Okay. Aalis muna ako."-Shar-
"Joke lang! Joke lang naman. Good morning din!"-ako-
"Maligo kana. Para makakain kana."-Shar-
Lumabas na sya ng kwarto ko. Masaya ako na nandito na sya!
Pagkababa ko ay nakita ko sya sa may mesa.
Masaya akong kumain kasi magkasabay kami. Pancake lang ang kinakain namin pero feeling ko Litson yun! Hahaha
Isang bagay ang sigurado ko! Masaya ako pag nandito si Shar!
Dahil sa kanya, nakakagawa ako ng mga bagay na di ko nagagawa dati. Nakakatawa ako. Nakakaramdam ako ng mga weird na pakiramdam.
Buti na lang, dumating sya sa buhay ko.
Masigla akong pumasok kasama si Shar.
"Wow! Kahapon lang ang lamya lamya mo, tapos, bumalik lang si Shar, ganyan ka naman! Iba na yan!"-Nash-
"Anong sinasabi nyo?"-ako-
"Wala!"-Brace-
BELA'S POV
(Dahil sa request, hahaha :D)
Nakakatuwa talagang asarin si Joaquin kay Shar! Halatang- halata naman kasi e. Hahaha.
Una ko pa lang silang nakitang magkasama, parang may spark talaga sila.
"Ang cute ni Joaquin! Halata naman sya."-ako-
Biglang sumimangot si Babe.
"Ha? Cute si Joaquin? Pano naman ako?"-Brace-
"Syempre! Cute si Joaquin at ikaw naman, gwapo, mabait at gentleman."-ako-
Ngumiti naman sya.
"Oo nga e. Ang hirao dyan kay Joaquin, ayaw pa kasi umanin! Kahit satin lang."-Brace-
"Dapat talaga tulungan na natin sila e para magkaaminan."-ako-
"Oo nga! Wag kang mag- alala babe! Kakausapin ko sina Grae, John at Nash para makapagplano kami!"-Brace-
"Maganda yan!"-ako-
"Ang galing talaga ng babe ko! Maganda na, matalino pa!"-Brace-
"Sus!"-ako-
"O ayan na pala sina Joaquin."-Nash-
"San kayo galing?"-ako-
"A kumain lang kami."-Joaquin-
"Nay! Hindi nagyayaya!"-Nash-
"Pabayaan nyo na sila guys! Alam nyo naman na gustong masolo bi Joaquin si Shar."-Brace-
Natawa naman kami. Tama!
"Tigilan nyo na nga yang pang- aasar!"-Joaquin-
"O sige! Mauuna na kami umuwi."-Shar-
"Ha? Bakit naman?"-ako-
"Siguro, mag dedate sila!"-Brace-
"Hindi! May nagtext kasi sakin. Masama ang kutob ko."-Shar-
"Anong text?"-Joaquin-
Nagsilapitan kami para tingnan yun.
"Ano dyan?"-kami-
"WALA! Joke lang!"-Shar-
Para kaming mga ewan. Matagak bago namin na realize na niloloko lang kami ni Shar.
At nang marealize nga namin, nagtawanan na lang kami.
"Kinabahan ako dun! Puro ka din kalokohan Shar!"-Joaquin-
Ginulo nya pa ang buhok ni Shar.
"Ayieeeee."-kami-
"Hay nako! Alis na tayo Shar."-Joaquin-
Hinawakan nya ang kamay ni Shar at hinila na paalis.
"Ayie. HHWW!"-kami-
"Hays!"-Joaquin-
At umalis na sila.
Wala lang! Masaya kayang mang- asar! Hahaha
--------------------
Matutulog na ako haha
Salamat readers lalo na sa nagvo vote at nagco comment! ;)
BINABASA MO ANG
She's My Bodyguard! (SharQuin)
أدب المراهقينAnother SharQuin story! Napagtanto ko lang na mas maganda at mas bagay pala sila! Hahaha i love SharQuin! ❤️❤️❤️❤️