JOAQUIN'S POV
"Please Mika! Talk to me!"-ako-
Hanggang ngayon ay para akong aso na naghahabol kay Mika para kausapin nya ako pero ayaw nya pa rin.
"Pwede ba Joaquin, tigilan mo na ako!"-Mika-
"Mahal kita! Just give me another chance! Please!"-ako-
Mahal ko sya kaya wala akong pakealam kahit magmukha pa akong tanga kakahabol sa kanya.
"Joaquin! May boyfriend na ako!"-Mika-
Napahinto ako.
Umalis na sya at naiwan akong nakatulala dun.
Ang sakit! First time ko nakaramdam ng ganitong sakit!
Pag ganitong pagkakataon ay isa lang ang alam kong gawin. Kailangan kong uminom!
SHARLENE'S POV
Nasan na kaya si Joaquin? Nag cr lang ako tas nawala na sya. Malamang! Tinakasan na naman ako panigurado!
Buti na lang ini- active ko ang GPS sa cp ni Joaquin.
Nasa Makati sya! Hays! Sa iaang bar!
Nag commute lang ako papunta dun.Pagpasok konay nakita ko dun sina Nash, Brace at Joaquin.
Lumapit na ako sa kanya.
"Sir! Tara na po! Gabi na! Mapapagalitan tayo pareho ng papa nyo."-ako-
"Wag mo akong pakealaman! Umuwi kana!"-Joaquin
Hindi naman pwede yun! Bodyguard nya ako e.
"Hindi sir! Sabay na tayo umuwi! Gabi na po at may pasok pa bukas."-ako-
Hindi pa rin sya tumayo.
Hinawakan ko na ang kamay nya at marahan ko syang hinila.
"Tara na sir!"-ako-
Hindi pa rin sya tumayo.
"Sir! Alam mo? Naaawa ako sa papa mo kasi para sayo, nagtatrabaho sya! Tapos ganito lang ginagawa mo? Nagbubulakbol ka lang?!"-ako-
Nagulat ako ng tumayo sya at marahas na inalis ang kamay ko.
"BINGI KA BA O TANGA LANG TALAGA? SABI KO TIGILAN MO NA AKO UMUWI KA MAG ISA MO! WALA AKONG PAKEALAM SAYO! KASALANAN MO LAHAT TO E ! MULA NG DUMATING KA NASIRA NA ANG BUHAY KO KAYA UMALIS KANA!! AYAW NA KITANG MAKITA ULIT! HINDI KITA NANAY AT LALONG HINDI KITA GIRLFRIEND KAYA WAG KANG MANGEALAM SA BUHAY KO!-Joaquin-
Nagulat ako. Sobrang lakas ng sigaw nya.
Natakot talaga ako at naramdaman ko na tumulo na ang luha ko.
"Sharlene pasensya na. Lasing lang si..."-Nash-
Hindi ko na sya pinatapos. Tumakbo na ako palabas ng bar. Masyadong masakit ang mga salitang binitiwan nya.
Ngayon lang ako napaiyak ng ganito.
Paglabas ko ng bar ay sobrang lakas ng ulan pero hindi ako tumigil sa pagtakbo.Ano bang ginawa ko kay Joaquin? Bakit ba ganyan sya sakin?
Ayaw ko na! Galit ako sa kanya! Kinamumuhian ko sya!
Tumakbo ako at nakarating ako sa may park.
Dun lang ako umiyak ng umiyak.
Kung hindi kaya ako umalis sa bahay, mararanasan ko ba to?
Kung sinunod ko na lang ba sina mama ay okay ako ngayon? At hindi ako nasasaktan?
Pero isa lang ang alam ko sa ngayon!
I HATE YOU JOAQUIN!------------------
Thanks readers! :)
Baka po Sunday pa next update. Salamat! :D
BINABASA MO ANG
She's My Bodyguard! (SharQuin)
Teen FictionAnother SharQuin story! Napagtanto ko lang na mas maganda at mas bagay pala sila! Hahaha i love SharQuin! ❤️❤️❤️❤️