SHARLENE'S POV
Binigyan ko pa ng isang malakas na sipa sa tiyan ang kalaban ko, dahilan para matumba sya sa sahig.
"And the winner is Sharlene!"-emcee-
Panalo ako! Yehey!
Ako nga pala si Sharlene San Pedro! Panalo na naman ako sa aking paboritong gawin, Karate. Bata pa lang ako, hilig ko na to. First year college na ako ngayon at management ang course ko.
Mayaman ako pero nagpasya ako na iwanan yun dahil mas gusto kong maranasan ang buhay, simple lang.
Dumeretso ako sa bench at nakita ang kaibigan ko.
"O bes! Magtubig ka muna! Bakit ba parang ang init ng ulo mo? Kawawa naman yung kalaban mo!"-Alexa-
"Kasi naman, naalala ko yung nangyari sa bar kahapon. Sana talaga binalian ko na ng buto yung tao na yun e!"-ako-
"Hahaha. Bakit ka kasi pumunta dun?"-Alexa-
"May kinausap lang ako."-ako-
Naglakad na kami papuntang Shower room. Nag shower ako at nagbihis ng damit.
Paglabas namin dun ay nakita ko ang instructor ko.
"Sharlene, may gustong kumausap sayo."-sir-
"Sino po?"-ako-
Nakarating kami sa office ni sir.
"Sharlene, meet Mr. Reyes. Sya ang may- ari ng Reyes Inc."-sir-
"Good afternoon po!"-ako-
Ngumiti naman sya.
"Nakwento sakin ng instructor mo na nagtatrabaho ka sa isang fast food chain para makapag-aral. Ever think of getting another job?"-Mr. R-
"Ano pong trabaho?"-ako-
"I want you to be my son's bodyguard."-Mr. R-
Nagulat ako! Ako?! Bakit ako? Sa dami ng magagaling?
Magtatanong pa sana ako ng magsalita sya ulit.
"I will offer 100, 000 pesos per month, kasama na ang titirhan mo at pagkain and ako na ang sasagot sa pag- aaral mo."-Mr. R-
Wow! 100k tas libre lahat? Seryoso?
"Talaga po?"-ako-
"Yes. Ano? Willing kaba?"-Mr. R-
Masyadong magandang offer to para tanggihan!
"Okay sir! Pero matanong lang po. Bakit po ako ang napili nyo? Pano po kayo nakakasigurado na kaya kong protektahan ang anak nyo?"-ako-
Ngumiti sya.
"I just think that you're perfect for that job."-Mr. R-
Okay.
Nagpirmahan na agad kami ng kontrata at bukas na ako magsisimula.
Umuwi agad ako pagkatapos ng pag- uusap namin.
Nakatira ako ngayon sa isang apartment. Sapat lang ang laki para sakin! Pero dahil sa bago kong trabaho, hindi ko na kailangan pa tumira dito.
Nag- ayos na agad ako ng gamit.
KINABUKASAN.
Nagdoor bell ako sa gate ng bahay ni Mr. R.
In fairness, malaki ang bahay nila. Mas malaki ng konti sa bahay namin bago ako lumayas.
Pinapasok ako ng isang maid at sinamahan ako.
"Hintayin mo na lang po dito si sir. Gusto mo ba ng juice, coffee?"-maid-
"A iced tea na lang po. Salamat!"-ako-
"Oh great. Buti naman nandito kana."-Mr. R-
Nagshake hands kami.
"Ayan na pala ang anak ko. Anak, meet Sharlene, your new bodyguard."-Mr. R-
"Good morning sir!"-ako-
Pagkalingon ko sa anak ni Mr. R ay nagulat ako.
"Ikaw?!?"-ako at sya-
--------------------
BINABASA MO ANG
She's My Bodyguard! (SharQuin)
Fiksi RemajaAnother SharQuin story! Napagtanto ko lang na mas maganda at mas bagay pala sila! Hahaha i love SharQuin! ❤️❤️❤️❤️