Chapter 18. Totoo ba to?

4.8K 146 7
                                    

JOAQUIN'S POV

"Lord, sana naman po pagalingin nyo si Shar. Alam nyo naman po kung gano sya kahalaga sakin. Sana po, sana po magising na sya."-ako-

Wala akong magawa kundi ipagdasal na sana, gumaling na si Shar. Kahapon pa kasi sya di nagigising.

Tumayo na ako at napagpasyahan kong puntahan na si Shar.

Nagulat ako ng maabutan ko ang mga kaibigan ko sa loob.

Anong meron? Bakit sila nandito?

Napatingin sakin si Nash. May luha sa mga mata nya.

"Im sorry Joaquin."-Nash-

Napatingin ako kay Shar. Bakit ganun? Nakatalukbong sya ng puting kumot.

Anong nangyayari?

"Bakit? Bakit nakaganyan si Shar?"-ako-

Nakayuko lang sina Brace, John at Grae-

"Magsalita kayo!"-ako-

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Nilapitan ko si Shar.

"Shaaar?"-ako-

Niyakap ko sya ng sobrang higpit!

Hindi to totoo! Imposible!

"Shar!!!"-ako-

SHARLENE'S POV

Nagising ako at pagkadilat ko ay hindi pamilyar ang lugar na to.

Nasan ba ako? Lumingon ako. Nasa ospital pala ako. Teka?

"Nasan si Joaquin?"-ako-

"O wag ka munang tumayo."

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Mr. R!

"Madami kang tinamo na injury kaya wag ka munang tumayo. Lumabas lang si Joaquin kaya wag ka nang mag- alala."-Mr. R-

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Masakit ang paa ko, kaliwang braso ko lalo na ang ulo ko.

"Okay lang po ba sya? Wala po bang nangyari masama sa kanya?"-ako-

Nagulat ako kasi natawa si Mr. R.

"Bakit po?"-ako-

"Im just happy na concerned ka talaga sa anak ko. Kahit ganyan na ang tinamo mo, ang anak ko pa rin ang iniisip mo."-Mr. R-

Ngumiti ako.

"Trabaho ko po yun e tsaka mahalaga na din po sakin si Joaquin."-ako-

"Salamat talaga. I really owe you my son's life."-Mr. R-

Nagpaalam na si Mr. R at lumabas na sya. Pagkalabas nya ay may pumasok agad!

Si Nash, Brace, John at Grae!

"Shar! Anong nangyari?"-Nash-

"Medyo napalaban lang."-ako-

"Okay kanaba?"-Brace-

"Oo naman! Okay na."-ako-

"Ito o! May dala kaming prutas. Para sayo. Kailangan lumakas kana ulit!"-Grae-

"Okay na ako. Medyo mahapdi lang ang mga pasa ko pero kaya naman! Nasan si Joaquin?"-ako-

"A hindi namin alam. Kakadating lang namin."-John-

"O sige Shar. Matulog kana muna para makapag pahinga ka."-Nash-

"Para din magawa na namin plano namin."-Brace-

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon