She is back

46.7K 1K 5
                                    

Liam's POV

Naalimpungatan ako ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.Wala namang bintana sa tabi ng kama ko ah?

Minulat ko ang aking mata.Maliit na kuwarto?Saan ako?

Napangiwi ako ng maramdamang masakit ang aking ulo.Hang over na naman.

Ibinaba ko ang aking braso ngunit nagulat ng may makapang malambot na katawan.Paglingon ko sa aking gilid ay nakita ko ang isang babaeng nakatalikod ng higa.Parang si-

"Ano ba ang bigat ng braso mo.Tanggalin mo nga at inaatok pa ako." wika niya.

Ikinurap kurap ko ang aking mata para masiguradong hindi ako nananaginip.

"Sweety?" tanong ko.

"Oh?" sagoy niya pero hindi humarap.

Sinilip ko.Siya nga.Nakadama ako ng kasiyahan.She's back!

Hinawakan ko ang balikat niya.Gusto ko siyang yakapin.Sobra ko kasi siyang namiss.

Nagulat ako ng tabigin niya ako."Sinabing inaantok pa ako eh!" sabi niya.

Dahil maliit lang ang kama ay nahulog ako.

Napabangon tuloy ito."Bakit kasi ang likot mo." sabi niya na ang mata ay napipikit.Halatang inaantok pa.

"Im sorry sweety.Sige lang matulog ka na lang ulit."

Pagkasabi ko nun ay humiga ito ulit.Di ako makapaniwalang andito siya sa tabi ko.

"Anong nangyari?Nakarinig kami ng lagabog?" sabi ng nanay nito.

"Sorry po.Nahulog po kasi ako sa kama." hingi ko ng paumanhin.

"Ganun ba.Maliit kasi ang kama.Naku halika na dito ag magkape ka na.Pagod kasi yan.Hayaan mo munang makapagpahinga." sabi ng nanay nito.

Agad naman akong sumunod dito.

Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso ako sa kusina nila.Naroon ang tatlo niyang kapatid at ang nanay nito.

"Pasensiya na po kagabi." Hingi ko ng paumanhin sa paglalasing ko.

"Siguro naman ay di ka na uulit dahil nandito naman na ang anak ko?" tanong ng nanay niya sabay abot sa akin ng isang tasa na may kape.

"Opo.Di na po mauulit." sagot ko.

Pinaupo nila ako sa tapat nila.

"Anong balak mo sa ate namin?"

"Gusto ko po sanang panagutan si Sophia.Iyon po ay kung papayag kayo at si Sophia." mahinahon kong sagot.

Ngumiti ang nanay niya."Buti naman."

"Mahal ko po si Sophia at ang magiging anak namin.Kung papayag po siya ay papakasalan ko po siya agad." sinsero kong sabi.

"Ayaw ko ngang magpakasal ng malaki ang aking tiyan!" supladang sagot ni Sophia na nasa likod na pala namin.Bumangon na rin pala siya.

"Tama ate." sabi ni Sonny.

Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko.

"Dapat patunayan niya muna na mahal ka niya ate.Dadaan muna siya sa aming dalawa." sabi naman ni Stallon.

"Hay baka naman mabigyan lang kayo ng pangload ay bumigay na kayo!" sabi naman ni Shana sa dalawang kuya niya.

Umupo si Sophia sa katabi ko na upuan.

"Pagkatapos nating mag almusal punta tayo kay Aria.Hinihintay na niya ako sa cafe." sabi ni Sophia.

Di man lang ako tinignan.

Tumango lang ako.

"Anak gusto ko sana ay magpakasal kayo kahit sa huwes lang bago ka manganak para sa magiging apo ko." sabi ng nanay niya.

"Pag-iisipan ko po nanay." simpleng sagot ni Sophia.

Hay may pag asa akong maging asawa siya.

Pagkarating namin sa cafe ay nagulat ako ng kumpleto ang barkada.

Magkatabi si Gab at Claire na buhat sina Raniel at Daniel. Si Apollo ay nasa gilid nagkakape.Si Mike na may katabing babae na may hawak na sanggol at si Aria na agad yumakap kay Sophia.

"I miss you bestie!" sabi ni Aria.

"Me too bestie.Naku gusto kong kumain ng cake mo!" sagot naman ni Sophia.

Sinundan ko ng tingin ang dalawa na tumuloy sa counter.Panay ang turo ni Sophia ng cakes.

"Naku di mo pa nga napapakasalan eh baka matunaw na sa titig mo!" asar ni Gab sa akin.

"Wag kang mag alala dude di yan bastabasta makakaalis dito.!" biro naman ni Mike.

"Mga sira!" sagot ko sa kanila.

"Huy bayaran mo ito!" malakas na sabi ni Sophia sa akin.

"Oo sweety" sagot ko.

"Naku di pa nga nakakapagpropose under na!" asar ulit ni Gab sa akin na ikinatawa ng lahat.

Napakamot ako ng ulo.

"He should make ligaw first before proposing." wika naman ni Apollo.

"Oo nga ano.Di pa yan sinasagot!" sabi naman ni Claire

"Sophia sasagutin mo ba siya kung sakali.?" tanong ni Mike na nakakaloko.

Sinipa ito ng katabi niyang babae kaya biglang sumimangot.

"Depende kung magtitino siya!" sagot naman ni Sophia na nakisakay sa usapan

"Naku kuya mukhang mahihirapan ka ah!" asar naman ni Aria

"Matino kaya ako!" sagot ko sa kanila ng alanganin

"Talaga lang ha?" sabay sabay na wika nila Mike,Gab at Apollo na dahilan na naman upang matawa ang lahat.

"Mukhang matatagalan ang pamamanhikan niyan kung di ka magtitino kuya!" asar ulit ni Aria.

"Sweety promise magtitino talaga ako!" sabi ko kay Sophia

"Wag kang mangako,gawin mo!" sagot naman ni Sophia.

"Ano ba yan dude,bara ka agad!" biro ulolit n Mike.

Binato ko ito ng tissue.

TEASING LIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon