Simple surprise wedding

48.5K 992 6
                                    

Sophia's POV

Ilang araw na madalas umuwi ng late si Liam at madalas na umaalis ng bahay ng maaga.Nakatira na kami nila nanay sa bahay nila kasama ang bestie.

Hindi na rin ako pumapasok ng opisina dahil pinagbakasyon na ako ni Apollo.Pitong buwan na kasi ang ipinagbubuntis ko.Excited na rin ako na makita ang baby namin.

Napapadalas din ang bonding namin nila Claire,Aria at ni Chloe,bago naming friend.Madalas kasi nitong dala yung baby ng kapatid niya na anak daw ni Mike.

One time.Nagpaalam sila nanay na may lalakarin lang at ang ipinagtataka ko ay sinama nito ang mga kapatid ko.

Ang magkakaibigan naman ay may pinuntahan.

Kami lang ni Aria ang natira at inaya pa ako na dumalaw sa bahay ng namatay nilang magulang sa Bulacan.Kesa namang maiwang mag isa ay sumama na ako.

"Teka bakit naman kailangan ko pang magdress eh dadalawin lang naman natin sila mama mo!At puting dress pa talaga.Ang laki laki na nga ng tiyan ko eh!"reklamo ko kay Aria.Naroon rin sila Chloe at Claire na humabol sa amin.Nasa may stroller sina Daniel at Raniel habang si Kaifer ay mahimbing na natutulog.

"Huwag ng maarte.Kami din naman ay mag aayos din." saway ni Claire sa akin .

"May salo salo mamaya diba.Saka ngayon lang ulit namin isecelebrate ang wedding anniversary nila mama at papa." sabi naman ni Aria.

"Oo nga naman.Ngayon pa nga lang ako makasama sa inyo ng may handaan eh!" sabi naman ni Chloe.

Napilitan tuloy akong isuot ang puting dress.

"Teka bakit lahat kayo naka pink?" nagtataka kong tanong.

Nagkatinginan ang tatlo.

"Di ko alam na pink din ang pinili nitong dalawa.Gayagaya kayo ha!" wika ni Claire saka umiwas na matanong.

Matapos mag ayos ay nag aya na sila na bumaba.

Pagkababa namin ay napansin ko na maraming tao Mga trabahador ng palayan nila Aria.Lahat ay nakangiti sa amin.

Isa isang umalis sa tabi ko sila Claire.Kanya kanyang alibi.

Nakaramdam ako ng kakaiba.

Nagulat ako ng makita ko si Nanay at Stallon na nakabihis.

Lumapit sila sa akin.

"Tara na anak at kanina pa naghihintay ang manugang ko!" sabi ni nanay sa akin.

"Oo nga ate.Namumutla na nga yun kanina pa.Baka daw umatras ka!" sabi naman ni Stallon.

"Anong umatras?At saka naman saan tayo pupunta?At nakaayos kayong lahat?" tanong ko habang naglalakad ngunit napahinto ako ng mapansin na nakatingin sa amin lahat.At sa may dulo ay naroon si Liam na nakatuxedo.Guwapong
guwapo ito ngayon.

Biglang naglakad at pumuwesto sila Sonny at Shana.Sina Claire at Gab.Sina Chloe at Mike.At gayon din sina Apollo at Aria.

Bumulong si nanay."Smile anak,kasal mo ito."

Kasal ko?Napalingon ako kay Liam.Hindi ito makatingin ng derecho sa akin.

Naman ang taba ko sa wedding ko!

"Bakit di niyo sinabi.Ang pangit ko yata ngayon!Paano na ang magiging wedding picture namin ang taba taba ko!" reklamo ko pero deep inside ay kinikilig ako.

Nagsimula ng maglakad ang bawat pares ng kantahin ng isang singer ang "Thinking out loud".

Masaya ako na bagamat mga busy at may mga di pa pagkakaunawaan ang mga  kaibigan namin ay narito sila at sumusuporta sa amin.

TEASING LIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon