Finale

63.4K 1.3K 58
                                    

Sophia's POV

Lumipas ang tatlong taon.

Ngayon ay maglilimang buwan na ang panganay namin na isinunod namin sa pangalan ni Liam.

Yes,its a boy at kamukhang kamukha ng papa niya.

Dahil hindi muna ako pinayagan ni Liam na magtrabaho ay naging full time housewife at mother ako.Noong una ayaw ko pero unti unti ko ng nakasanayan at ngayon ay masaya na ako.

Si Liam ay ganoon pa rin sa dati.Malambing at maasikasong asawa.

Siya na rin ang nagpoprovide sa amin.

Sa amin nakatira sila nanay at ang mga kapatid ko.Masaya sila ngayon sa buhay na meron kami.

Ngayon ay alam na ni Aria ang tungkol sa usapan nila Liam at Apollo at mukhang nagkakamabutihan na sila.

Si Mike naman ay hinahanap sila Chloe.Umalis kasi ito kasama ang pamangkin.

Sina Gab at Claire naman ay masayang nagbabakasyon sa China.Enjoy doon ang kambal na sina Raniel at Daniel.

"Oh God!" napatakbo ako sa may banyo at nagsuka.

Agad na sumunod si Liam sa akin buhat si Baby Albie.

Hinihimas  niya ang likod ko."Sweety what happen?" nag aalalang tanong niya.

Umiling ako

Naghilamos ako.Habang nagpupunas ako ng mukha ay nagtanong ulit ito.Nakasunod kasi ito sa akin.

"Are you sure?Gusto mo ba na magpatingin na tayo sa doctor?Namumutla ka na rin oh!"

"Hindi na.Okay lang ako."

"Anong okay eh nag-" pinutol ko ang sasabihin nito.

"Buntis ako kaya normal lang ito!" nakangiti kong sagot.

"Buntis ka?"nabigla niyang tanong.

"Oo.Galing kami ni nanay sa doctor kahapon.Three weeks pregnant ako!"

Bigla niya akong hinalikan sa labi saka lumabas ng kwarto habang buhat si baby Albie.Sumigaw ng "Yes magiging papa na naman ako!Yuhoo!"

Mayamaya ay isa isa na nitong tinawagan ang mga kaibigan at ibinalita dito na buntis ako.

Naiiling na pinanood ko na lamang ito sa ginagawa.Di alintana ang bigat ng baby namin.

TEASING LIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon