Bar Hopping

44.2K 1K 5
                                    

Sophia's POV


Friday night at nagkaayaan kaming magkakaibigan, mga magkakabatch nung high school.

Sumama kami ni Aria dahil ngayon lang kami makaka-attend sa get together ng mga magkakabatch.


Aria is only drinking a soda. Allergic kasi ito sa alcoholic drinks.


Sina Rita at Julius ay nakarating din, newscaster na ang mga ito ngayon at may isa ng anak.


Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Yung iba naming kasama ay nagsisipagsayawan na sa gitna ng bar. Ang iba naman ay may kanya kanyang kwentuhan.


Then i spotted a group na nakaseparate in a private lounge.The bachelor's group.Nakita ko si Liam na nakikipagkwentuhan kina Mike, Apollo, Gabriel at Claire.


"Im glad you came Sophia." bigla ay wika ni Howard.Mukhang kararating lang nito. Umupo ito sa tabi ko.


Ngumiti ako dito."Pwede ba namang hindi.''


Tumawa ito ng malakas."I didnt expect kasi na pupunta kayo ni Aria. Never kasi kayong nagawi dito."


"Matagal na kasi namin kayong di nakikita." sagot ko. Ang mata ko ay nakatingin sa gawi ng magkakaibigan.


Mayamaya ay napalingon ito sa gawi ko. Nagtama ang aming paningin.Bumilis ang tibok ng aking puso.


Ngunit nag iba ang mood ko ng may lumapit dito na isang babae at agad na humalik sa pisngi nito.


Nakaramdam ako ng inis kay Liam. Di man lang ito umiwas.


"You want." tanong ni howard sa akin na kaya inalis ko ang tingin ko kay Liam.

May inabot sa akin si Howard na drinks.


Agad ko iyong tinanggap at ininum."One more please."sabi ko sa bartender.


Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang order ko."One glass of tequilla Miss."


Nginitian ko ito saka ininum. Medyo nalukot ang mukha ko sa pait. Pero nagdulot ng init sa aking lalamunan. Sinundan ko iyon ng isa pa hanggang sa dumami.


Lumapit sa akin si Aria. "Sophie, need to go."


"Ha? Its too early."hinayang na sabi ko.


Di ko namalayan na nakalapit na pala si Apollo. May gulat na nakatingin sa amin ang mga kabatch namin na nakakakilala kay Apollo.Sino ba naman ang hindi?


"Sophia want to join us?" tanong sa akin ni Apollo.


"No, i'll stay here pa for a while.Go Aria.See you tomorrow."sabi ko sa kanila.Ngayon nga lang magkikita ang dalawa tapos sasama pa ako.Eh di hindi na naman mag-uusap ang mga yun!


Yumakap sa akin si Aria ."Okay, text me if nakauwi ka na ha. Ibibilin na rin kita kina Kuya Brie at Albie.Chael is nowhere to find na eh."


Tumango ako at hinayaan na silang makaalis.


"Whoa! Iba talaga kayong magbestfriend. Last week nakadouble date natin yung kuya ni Aria na sikat na lawyer tapos ngayon nilapitan tayo ng world top businessman na si Apollo." medyo napalakas na sabi ni Howard na dahilan para marinig ng iba naming kabatch.


Marami ang nakisingit sa usapan at panay tango lang ako.Ayaw ko na kasing magsalita. Tuwing napapagawi ang tingin ko sa gawi nila Liam ay nagngingitngit ako sa inis. Panay kasi ang lingkis nung babae kay Liam.


Naparami tuloy ang inom ko at tingin ko ay medyo tipsy na ako.


"Guys, punta muna ako ng comfort room."paalam ko.Ihahatid sana ako ni Howard pero tumanggi ako.


Kinuha ko ang pouch ko at nagsimula ng maglakad.Nakakailang hakbang na ako ng makaramdam ng hilo. Instead na sa CR ako tumuloy ay ipinasya kong lumabas na para makalanghap ng sariwang hangin.


Medyo pasuray suray na ako kung maglakad.Naparami yata ako ng inom!


Akma akong matutumba ng may humawak sa aking braso kaya di ako natumba.


"Hey easy."


Napalingon ako sa nagsalita."Li- Liam!"


"Yup.You are tipsy already.Ihahatid na kita." sabi nito. Dahil medyo magkalapit ay naamoy ko siya. Mukhang naparami din ang inom nito.


"Wag na.Doon ka na lang sa babae mo dun sa bar! Ayaw kitang makasama. " di ko napigilang sabi dito.


"At sino ang gusto mong makasama ha? Yung Howard na ex mo!" malakas na wika naman nito.


"Hmm." sasagot na ulit sana ako ng makaramdam ng kakaiba sa sikmura. Di ko napigilang masuka sa harap niya . Buti na lang at di ko siya nasukahan at sa mismong sahig iyon tumama.


"Gosh! Iinum inom tapos di naman pala kaya." narinig kong sabi niya saka inalalayan akong maglakad patungo sa sasakyan nito.


"Ikaw kasi eh pa- panay ang Flirt mo dun sha babaeng hi-pon."nauutal kong sabi sa kanya ng maisakay niya ako.


"You're jealous?I dont like that girl.Siya ang lapit ng lapit sa akin kanina.Ikaw nga masayang nakikipagkwentuhan dun sa ex mong ewan!" wika nito pero nakatingin sa daan. "Saan kita ihahatid?"


"Ishama mho na lang akoh shayo. Magagalit shi muder pag nakita niya akong ganito." sagot ko sa kanya.Nakakaramdam ako ng hilo epekto ng alcohol pero alam ko pa ang nangyayari sa paligid.


"Okay. We will go to my condo." sagot lang nito.

TEASING LIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon