Because of Hormones

47.6K 1K 5
                                    

Liam's POV

Simula ng dumating si Sophia ay palagi na akong nasa bahay nila.Halos doon na nga ako nakatira.

Pabago bago din ang mood niya na marahil ay dahil sa pagbubuntis niya.

Isang araw magkatabi kami sa sala ng bahay nila Sophia ng tumawag si Aria.

Whats up bestie?tanong ni Sophia

Huh!Hatching!....hi bestie,kuya!sagot naman ni Aria.
mlMukha itong maysakit.

Anong nangyari sayo bestie?Saan ka ngayon?Pupuntahan kita.nag aalalang sabi ni Sophia.

Got a flu and colds.Im at our house.

Nag-aalalang nakinig ako sa usapan nila."Ask if manang is there?"

Liam is asking if nandiyan daw si manang?

Naka-off si manang ngayon.

Ganun.Pupunta kami diyan ngayon.sabi ni Sophia saka pinatay ang telepono.

Palabas na kami ng gate ng marinig namin ang nanay ni Sophia na may kausap.

Ang may ari ng bahay na inuupahan nila at mga kapitbahay.

"Pasensiya na talaga mare.Darating na kasi yung pamilya ng anak ko at kailangan nila ng matutuluyan." mahinahong sabi ng may ari ng bahay.

"Naku naman Magda,wala pa kasi kaming nahahanap na malilipatan at saka kararating lang ng panganay ko." pakiusap ni nanay.

"Mare isang buwan na rin nung sinabi ko ito sa inyo.Teka ayan na pala ang panganay mo .!" sabi muli nung Magda.

"Aling Magda bigyan niyo po muna kami ng isang lingo.Gagawan po namin ng paraan." sabi ni Sophia.

"Oh sige hija tutal wala naman kayong palya kung magbayad.Pasensiya na kayo ha." wika ni Aling Magda bago magpaalam.

Nahihiyang napatingin ang nanay kay Sophia.

"Kailan pa iyo nanay?" tanong ni Sophia.

"Noong wala ka dito anak.Pinakiusapan ko lang si Magda."

Matagal na nag usap ang magnanay at nanatili lang akong nakikinig.

"May nahanap na po ba kayo nanay?" tanong ni Sophia.

"Meron.Sa malapit sa school ng mga bata kaya lang mas maliit dito.Pero di pwede sa kalagayan mo.Pero sabi ni Liam ay balak na daw niyang ibahay ka at pumayag naman ako." sabi ni nanay na tumingin pa sa akin.

Pinanlakihan ako ng mata ni Sophia.

"Maige nga nay kung pati kayo ay sumama na sa amin sa bahay para magkakasama pa rin tayo at saka para po may kasama na rin si Aria." kinakabahang wika ko.Di ko kasi alam kung papayag si Sophia.

"Liam!!" malakas na sabi ni Sophia.Halatang galit.

"Sweety yun ay kung gusto mo lang naman!" mabilis na paliwanag ko.

"Sabagay maganda nga iyon anak!" tanggol ni nanay sa akin.

"Nay naman hindi pa nga kami kasal ng lalakeng yan eh.Tapos pagsasama na agad ang pag uusapan natin!" asar na sabi ni Sophia.

"Pakasalan mo na kasi ako sweety!" nakangiting sagot ko sa kanya.

Natatawang nagsalita si nanay."Ikaw lang anak ang babaeng naanakan na na ayaw magpapanagot.!"

"Nay naman! Saka na natin pag usapan to! Liam halika na puntahan na natin si Aria." wika nito sabay lakad papunta sa sasakyan ko.

Wala kaming nagawa ni nanay.

Medyo malaki na ang tiyan niyo kaya medyo mabagal na maglakad.
Malapit na kasing mag anim na buwan.

Habang nasa sasakyan ay tahimik ito.

Kinakausap ko ngunit di ako pinapansin.

Hanggang sa makarating sa bahay ay tahimik ito na mukhang nag iisip.

"Kuya, bestie dapat di na kayo pumunta.Baka mahawaan ko pa kayo." sabi ni Aria.Nakloose shirt ito at nakajogging pants.

"Okay lang bestie.Magluluto ako ng pagkain natin.Magpahinga ka na ulit.Tatawagin kita pag nakahain na!" sabi naman ni Sophia.

Agad namang sumunod si Sophia at umakyat na sa kwarto niya.

Sinundan ko si Sophia sa kusina.

"Pwede ba Liam wag ka munang sumunod sa akin! Umalis ka muna sa tabi ko!" inis na wika ni Sophia sa akin.Wala akong nagawa kundi pumunta na muna sa library.

Hanggang sa maghapunan na ay nag uusap ang magbestfriend na para bang wala ako roon.Hinayaan ko na muna sila.

Kinagabihan ay ipinasya na namin na dito na muna matulog.

Hating gabi na ng maramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko.Paglingon ko ay si Sophia nakaharap sa akin.

"Liam!"

"....sweety bakit?"inaantok kong tanong.

Yumakap ito sa akin.Hay!Sana ganito ito lagi,naglalambing.

"Liam baba tayo nagugutom kami ni baby!" sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Inaantok na bumangon ako.

Sinamahan ko siyang kumain sa kusina.Nang matapos siyang kumain ay akala ko aakyat na ulit kami para matulog.

"Liam nood muna tayo." lambing nito.

"Sweety madaling araw pa lang.Di ka pa ba inaantok?" tanong ko.

"Di pa eh.Nood tayo ng movie!" masayang sabi nito.

Sinamahan ko siya sa theatre room para manood pero wala pa sa kalahati ng movie ay nakatulog na ako.

Paggising ko sa umaga ay nasa sofa pa rin ako nakahiga pero isa ko na lang.Umakyat ako sa kwarto namin at naabutan ko si Sophia na natutulog.Nagpasya na akong maligo.Pagkatapos ay nagluto na ako ng makakain.Mabuti at naroon na si Manang na inaasikaso si Aria.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Sophia.Binati nito sina Aria at Manang at nilagpasan lamang ako.

"Good morning sweety!" bati ko.

Inirapan lamang ako.

Hay Galit na naman ang sweety ko.!

Hanggang matapos kumain ay di pa rin ako nito pinapansin.

"Sweety galit ka ba sa akin?Tell me anong nagawa ko na naman?" tanong ko sa kanya ng malapitan ko siya.

"Tinulugan mo ako kagabi!Sabi ko manood tayo hindi matulog!" inis na sabi nito saka umalis.

Nagtawanan sila Aria at manang.Narinig pala ang usapan namin.

"Sweety naman antok na talaga ako kanina!" pahabol na sabi ko sa kanya.

Grabe ang mood swings ng sweety ko!nasaisip isip ko.

TEASING LIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon