Crying shoulder

43.6K 981 7
                                    

Mike's POV

I am about to go to Liam's condo.May usapan kasi kami na dun na lang magkita para sa ikuconsult ko sa kanya na pagbili ng isang property sa Davao.Napahinto ako sa gilid ng marinig ang pagsasalita ni Sophia.

Anong ginagawa ng bestfriend ni Aria dito? At bakit galit ito kay Liam?

And then sa dulo ay nakita ko si Liza, ang ex ni Liam.

Wala akong nagawa kundi makinig na lang.Mukhang di naman nila alam ang presensiya ko.

Nagulat ako ng papasok dito sa elevator si Sophia na umiiyak.

Naaawang inalo ko ang likod niya ng umandar na pababa ang elevator.

"Please ilayo mo ako dito." umiiyak na sabi niya sa akin.Nakayuko ito.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Kahit saan basta malayo sa manlolokong iyon!" umiiyak pa rin nitong sagot.

Dinala ko siya sa isang park.

Liam's POV

Una akong nagtungo sa bahay nila.Sabi kasi nung guard sa lobby ng condo ay umalis na ito.

"Tao po.Tao po." tawag ko.Nasa may gate pa lamang ako.

Lumabas ang isang binatilyo na kamukha ni Sophia.Kapatid niya marahil.

"Magandang hapon.Nariyan ba si Sophia.?" pagbabakasakaling tanong ko dito.

Tinignan muna niya ako bago sumagot."Wala po.Umalis po kanina ang sabi pupunta kay ate ganda!"

"Ate ganda?"

"Ay opo si ate Aria po." magalang na sagot nito."Sino po sila?"

"Liam.Aria's brother." di ko naman pwedeng sabihin na boyfriend ako ni Sophia dahil mukhang wala namang sinasabi si Sophia.

Kasunod na pinuntahan ko ay ang shop ni Aria.

"Princess andito ba si Sophia?" mahinahon kong tanong.Pero nababahala na ako.Di ko kasi siya makita sa paligid.

"Wala.Bakit?" sagot nito na may matalim na titig.Kapag ganito ito tumitig ay alam kong di ako makakapagsinungaling o makakapag alibi.

"Kasi- God! Where she is?!" frustrated kong wika.

Bigla ay isang sampal ang dumapo sa aking pisngi.

Ilang beses ba akong nasampal ngayong araw na ito?

"So ikaw pala Albie? My God , kuya naman eh! Bestfriend ko yun eh. When she cry kanina ng malaman niya yung result ay alam ko na may di siya sinasabi sa akin.Kaya naman pala di niya masabi sa akin kasi kuya ko ang nakabuntis sa kanya!" galit na sabi ni Aria habang palakad lakad.Nasa opisina niya kami kaya walang ibang makakarinig.

"Teka sabi niya kanina may pupuntahan siya .Ang pagkakaalam ko pupuntahan niya yung ama ng ipinagbubuntis niya which is ikaw!" wika ni Aria.

Napabuntong hininga ako.

"What happen?" madiin na tanong niya.

No choice but to tell the truth.

"Liza went to my condo. Actually sa hallway lang kami nag usap .She kissed and hug me. Yun yung tagpong nadatnan ni Sophia. I swear di ako humalik at yumakap kay Liza.My Sophia is really mad kanina.Nung inabot ni Liza itong nahulog ni Sophia saka ko lang nalaman na buntis siya." paliwanag ko.

Napapasabunot pa ako sa sarili kong buhok.

"Galing ka na ba sa bahay nila?"

"Yes.Doon muna ako dumiretso.Tinatry ko siyang tawagan pero unattended na."

"Kapag galit pa naman yung si Bestie kung saan saan pumupunta."
Lalo akong nakaramdam ng kaba.
"Baka kung ano ang mangyari sa kanya."

Lumabas ako ng opisina ni Aria.Naglakad patungo sa aking sasakyan na nakapark.

"Albie sasama ako."

Magkasama kaming naghanap kay Sophia.Nagpunta kami sa mga kaopisina nito at maging kag Howard ngunit wala ito.

"Shit! May usapan din kami ni Mike ngayon.Di ako nakapagpaalam." naalala ko.

"Tatawagan ko si Chael." sabi ni Aria.

Chael,may usapan daw kayo ni Albie.Teka,sino yang kasama mong umiiyak?

Princess si Sophia.Kanina pa ito umiiyak.Wait!

Kausapin ko .Please.

Sophia si Aria kausapin ka daw.

Nakaloud speaker kaya naririnig ko.Parang nadurog ang puso ko ng marinig ang iyak nito.

No please dont.sagot ni Sophia.

Ayaw makipag usap eh.sabi ni Mike

Okay. Saan kayo? Pupunta kami diyan.

Park dito sa makati.Tapat ng fountain.

Sige.Malapit lang kami diyan.
sagot ni Aria kay Chael bago sinara ang phone.

Agad kong pinaandar ang sasakyan patungo doon.

And then i saw her with Mike.Nakaupo sa bench.Magang maga ang mata.

Lumapit ako.

"Dont ever go near with me now!" malakas na sabi agad ni Sophia.

Huminto ako sa kinatatayuan ko na tumitig sa kanya.

Mabilis na tumayo si Mike at kinuwelyuhan ako."Liam she's a friend!"

"I know." mahinang sagot ko.

Mayamaya bumulong ito."Nakialam ka kina Apollo at Aria kasi ang rason mo ay kaibigan sila at walang talunan.But look at what you did?"

"Yeah.And i am sorry." sagot ko.

Pinanood ko si Aria na yumakap kay Sophia.

"Bestie tama na ang pag iyak.Makakasama yan kay baby." alo ni Aria.

Mayamaya ay humina na ang pag iyak ni Sophia."I want to go home na."

"Ihahatid na kita." sabi ko.

"No way!" malakas na sabi nito."Magtataxi na lang ako."

Agad na sumingit si Mike."Ako na lang ang maghahatid sa iyo sa inyo."

"Sasama ako." sabi naman ni Aria

"Wag niyong pasusunurin ang lalaking yan." madiing sabi niya.

"But Sophia, let me explain-" singit ko.

"I dont want to talk to you right now." madiin pa ring sabi nito na di man lang tumingin sa akin.

"Dude buti pa ay sundin na muna natin siya.Kapag lumamig na ang sitwasyon saka mo siya kausapin." wika naman ni Mike. Inakay na nila si Sophia patungo sa sasakyan ni Mike.

Sinundan ko na lamang sila ng tanaw.

TEASING LIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon