Violet's POV
Pasado alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok ko. Paano ba naman kasi hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yung nakaburdang pangalan sa hanky ni Carlo.
Bakit naman Calvix ang nakalagay do'n eh Carlo ang pangalan niya?
Pero pwede rin namang second name niya 'yung Calvix 'di ba? Baka ang buo niyang pangalan ay Carlo Calvix?
Eh? Ang pangit pakinggan!
Ah baka naman Calvix Carlo. Tama... tama... Sound's better!
Or pwede ring hindi sakanya 'yung hanky kaya hindi siya nanghinayang na ibinigay niya sa akin. Pwede 'di ba?
Hmm. Ano nga kayang totoo?
O baka naman paniwalaan ko na talaga 'yung kanina ko pa gustong-gustong paniwalaan pero parang imposible?
Na 'yung taong kasama ko ng mahigit ilang oras kanina sa EK ay talagang si Calvix Chandler?! Kyaaaaaaa!
Iniisip ko pa lang na baka nga, nikikilig ne ke. Enebe!
Pero...
Ano ba naman Violet?!
Porket kapangalan lang ni Calvix 'yung nakaburdang pangalan dun sa hanky ni Carlo eh siya na agad-agad?! Marami namang may pangalan na Calvix sa mundo.
Saka isa pa, ang sikat na si Calvix Chandler pupuntang EK?! Hindi naman yata ang mga tipo niyang tao ang pupunta sa mga ganung klaseng lugar. Sa ilang taong pags-stalk ko sa TBND lalo na kay Calvix, napag-alaman kong seryoso siyang tao. Hindi no'n iisiping puntahan ang EK dahil baka para sa kanya ang childish na lugar no'n.
Pero ulit, parang tingin ko may hawig si Carlo kay Calvix eh. Kapag pinagmasdang mabuti, hawig talaga sila. Naka-eyeglasses at tan lang ang skin tone ni Carlo kumpara kay Calvix.
Saka uso naman sa mga sikat ang disguise 'di ba? Oo nga! Paano kung--?!
Waaaaaaaa!
Kinuha ko 'yung hanky na nasa leeg ni teddy na katabi ko lang sa kama tapos ay pinagmasdan ko ulit 'yung nakaburdang pangalan. Ang ganda ng pagkaka-burda. 'Yung panyo halatang original na Armando Caruso. Hindi tulad nung iba kong panyo na immitation. 'Yung Armando Caruso ang tatak pero sa tiangge ko nabili tapos bente pesos XD Hehe.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Chase
JugendliteraturViolet Hernandez is just an ordinary college student who is proudly a certified fangirl of the band named The Band Next Door consisting of Calvix Chandler, Keegan Miller, Railey Henderson, and Ross Henderson. Being an avid fan, her dream goal is to...