Chapter 8: The Band Next Door

154 23 31
                                    


Violet's POV


"Buhay pa kaya siya?"


"Ano ka ba, nawalan lang siya ng malay pero hindi siya pinatay"


"Ang ingay niyo. Manahimik nga kayo"


Sino ba 'yung mga maiingay na 'yon? Kita ng may natutulog—


T-teka—Oh no!


Bigla-bigla akong napabangon mula sa pagkakahimbing ko sa pagtulog nung maalala kong na-kidnap nga pala ako. Shocks!


"Gising na siya"

Napalingon ako sa nagsalita at bumungad sa akin ang mukha ng tatlong lalaki na kilalang-kilala ko.


Oh golly!


Huwag niyong sabihing sila ang nagpa-kidnap sa akin?!


"Hello! Welcome sa condo namin." nakangiting bati sa akin ni Railey Henderson.


"Yo! Mabuti at gising ka na" sabi naman ni Keegan Miller pagkatapos ay kinindatan ako. Si Ross Henderson naman ay nakangiting nakatingin sa akin.


Nasaan si Calvix?


"K-kayo ang nagpa-kidnap sa akin?" hindi-makapaniwalang tanong ko.


"Oo. Pasensiya ka na ah. Inutusan kasi namin 'yung dalawa naming bodyguards na dalhin ka sa amin, pero hindi naman namin sinabing sapilitan kang isama kaya lang 'yung dalawang loko eh kinareer ang pangingidnap sa'yo." pagpapaliwanag saakin ni Railey habang kakamot-kamot ang ulo.


"K-kilala niyo ba 'ko? Bakit niyo ko pinadala dito sa inyo?" naguguluhan kong tanong.


Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil kung tutuusin ako pa bang maarte eh mga iniidolo ko na ang nagpa-kidnap sa akin. Eh dati-rati ini-imagine ko lang na sana mangyaring ma-kidnap ko sila o kaya mapapadpad sila sa bahay namin tapos kukupkupin ko sila. Tapos eto ngayon, ang sikat na TBND pa talaga ang kumidnap sa isang hamak na fan nila? Aba'y ang bongga ko naman!


Pero kasi, anong kailangan nila sa akin? Kilala ba nila ako? Kung oo, paano ako nakilala ng isang sikat na sikat na TBND?


Hala! Baka akala nila ako na talaga ang susunod na Presidente ng Pilipinas at balak nilang makipag-close sa akin o kaya magpa-autograph. O kaya baka manghihingi na sila agad ng ransom?! Aisssh! Eh kung tutuusin, mayaman pa sila sa akin ngayon eh.


"Ah... eh... Ano kasi—" hindi maituloy-tuloy ni Keegan ang sinasabi niya kaya sumingit na si Ross.


"Nagkita na tayo nung last concert naming apat sa Arena 'di ba? Tapos muntikan ka pa ngang mahulog no'n sa hagdan buti na lang at nasalo ka ni Calvix. Naalala kasi namin na baka na-sprain ka or what kaya ipinadala ka namin dito para sana ma-check kung okay ka lang."

A Fangirl's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon