Chapter 3: First Met (Part 2)

188 25 24
                                    

Violet's POV

Sinunod ko naman 'yung sinabi nung babae sa'kin kanina kaya umalis na 'ko sa pagkakaupo ko doon sa gitna ng daan at lumipat ng lugar sa isa sa mga benches.

Oo nga naman, sa daanan pa 'ko lumugar. Para naman akong bata no'n. Ayt >____<


*Grrrr... Grrrr...*

Tiyan ko 'yon, okay? Ganun talaga siya kapag sinusumpong na.

Gumagaralgal na 'yung tiyan ko sa gutom. Hayy, mabuti pa kumain na 'ko. Sino ba namang 'di magugutom, eh kung halos sinakyan mo lahat ng rides 'di ba?

Pagbukas sa sling bag ko, wala 'yung wallet ko. "Sa'n na 'yun? Sa'n na 'yung wallet ko?" tanong ko sa sarili habang nagkakalkal sa bag ko. Binaliktad ko na't lahat 'yung loob ng bag ko pero wala. Kinapa ko rin 'yung bulsa ng pants ko kasi baka nando'n lang pero wala talaga.

Nasaan na?!



*Grrr...Grrr...*

Huhu. Wait lang tiyan ah. Gagawa ako ng paraan para malamnan ka na.

*Grrr... Grrr...*

"Waaaaa. Okay ka ba tiyan? Huhu."

"Waaaaaa. Nasa'n na 'yung wallet ko? Waaaaaa." ngawa ko. Siguro nalaglag ko 'yun ng hindi ko namamalayan nung nagbayad ako sa counter. O kaya nung bumili ako ng cotton candy nahulog 'yung pitaka ko nung hawak ko. Huhu. Pa'no na 'ko niyan ngayon? Paano 'ko lalamnan si tiyan, at paano na din ako makakauwi saamin niyan?

"Waaaaaaa. Huhu. Ano nang gagawin 'ko? Waaaa---" naputol 'yung pagngawa 'ko nang may biglang humatak sa'kin kaya napasama tuloy ako sakanya.



"Hoy! Sino ka ha?! Sa'n mo 'ko dadalhin?!" pero di niya ko sinagot at patuloy lang siya sa paghatak sa'kin.

Sino ba 'tong lalaking 'to ha?!

"Hoy sagutin mo ko! Huwag mo 'kong ginagalit, gutom pa man din ako!" aba! 'Di pa rin ako pinapansin!

Tapos bigla na lang akong naglaway nung mag-stop kami sa isang food stall at lalo na nang malanghap 'ko ang masarap na amoy ng mga pagkain.

*______*



Pagkain. Gusto 'ko ng pagkain.

Tapos hinila na naman ako nung lalaking estranghero at pinaupo ako sa isa sa mga upuan.

Teka--? Parang namumukhaan 'ko 'to ah?

"I-ikaw?" tanong ko habang nakaturo pa sa kanya. Siya 'yung lalaking naasar sa'kin kanina dahil nagmamagandang-loob ako.

"Yeah"

"B-bakit mo 'ko dinala dito?" Takhang tanong ko.

"Because we're going to eat. So, what do you want?"

"Ah.. W-wala akong pera pambayad. Aalis na 'ko," Huhu. Kung may pambayad lang ako mags-stay ako eh, pero nawala 'yung pera ko kaya titiisin ko na lang ang gutom. Saka try kong hanapin muna 'yung wallet 'ko dito sa kabuuan ng EK baka mahanap ko pa. Baka lang naman.

Pero bago pa 'ko maka-alis ay hinatak niya ulit ako sa kamay. "I'll treat you"

"Ha? Weh? Seryoso?"

"Yeah"

"Talagang-talaga?"

"Yeah"

A Fangirl's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon