Chapter 7: Kidnap

149 24 19
                                    

Violet's POV


-Cafeteria-

"Ang swerte-swerte mo naman Violet. Sana ako na lang ikaw,"


"Oo nga. Kainggit ka"


"Mas gwapo ba si Calvix Chandler sa malapitan?"


"May pimples ba siya?"


"Blackheads meron ba?"


"Whiteheads meron siya?"


"Alam mo kung ako ikaw Violet, sinunggaban ko na agad 'yon. Dapat sinakmal mo na agad eh. Sigurado ako yummy siya. Hihihi" malanding sabi nung isa sa mga ka-batchmates ko.


Ang harot ni ate! Anong akala niya sakin crocodile? -____-


"Siguro ang bango-bango niya no?"


"Ano na Violet? Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong namin"


"Ah-eh" sunod-sunod ang mga tanong nila sa akin kaya 'yon na lang ang tanging nasabi ko.


Nalaman kasi nila 'yung tungkol sa nasalo ako ni Calvix Chandler dahil muntikang nahulog nga ako sa hagdan nung Sabado ng gabing nagpunta kami sa concert, kaya ayan sandamakmak na tanong ang sumalubong agad sakin pagkapasok ko pa lang ng school.


Kahit nga mga professors, janitors, tindera sa cafeteria, at kung sino-sino pang eklabu ay kinulit ako ng kinulit.


At kung paanong kumalat?


Eh kasi itong Keila na 'to sukat ba namang ipamalita sa buong University. Kesyo nakaka-proud daw kasi kaya kailangang i-broadcast. -____-


Well, sa pagkakatanda ko, Medicine ang course niya at hindi broadcasting.


Siguro dapat masabi ko sa kanyang mag-shift na siya sa Mass Communication dahil hindi siya pang-doctor.


Ay siya nga pala! Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo kung anong course ko 'no?


Well, hulaan niyo. Haha.


"Pero buti na lang din at muntik ka ng mahulog no? Dahil kung hindi, hindi mangyayaring masasalo ka ni Calvix Chandler. Yiiiiieee! Siguro kilig na kilig ka no?" tukso sa akin ni Elsa, classmate ko sa ilang subjects.


"Palabas lang kasi ni Violet ang lahat ng 'yon dahil isa nga siyang pathetic bitch! Gagawin niya ang lahat para mapansin lang siya ng TBND. What a desperate move, right girls?" malakas na sabi ni Dinah kaya napalingon kaming lahat sa kinaroroonan niya kasama ng mga kaibigan niya na nakisang-ayon naman sa sinabi ng Dinosaur.

A Fangirl's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon