Chapter 6: Who's Violet?

159 24 14
                                    

Violet's POV

Naglalakad na ako palabas ngayon kasama si ate Scarlet at ang magkapatid palabas ng arena dahil natapos na ang concert ng The Band Next Door. Nung ngang nagpapa-alam na ang TBND sa stage ay bakas na bakas sa bawat mukha ng mga fans ang lungkot. Maging ako man ay nalulungkot. Feeling ko bitin na bitin eh. Pero nakakuha naman ako ng mga videos at pictures ng TBND habang nagpe-perform sila kaya masaya na din naman ako dahil do'n.


"Kyaaaaah! Tingnan mo bakla, ang TBND!"


"Waaaaaaah! Lapitan natin daliiii!"


Mabilis naman kaming napalingon at napatigil sa paglalakad ng makita namin ang The Band Next Door na pinagkakaguluhan ng mga tao sa may stairway. Mukhang papasakay na sila sa kanilang van pero hindi nila magawa dahil pinagkakaguluhan nga sila ng mga tao.


"Magpapa-picture din ako," paalam ko kina ate Scarlet kaya sumunod naman sila sa akin tapos ay nakisiksik na rin kami sa may stairway.


"Pa-picture Ross!"


"Ang gwapo-gwapo mo naman Railey! Gosh!"


"Oo nga eh. Ganun talaga, in born na 'yan eh" dinig kong sagot naman ni Railey dun sa fan sabay kindat kaya naman kilig na kilig 'yung fan.


"Ehem. Sa pagkaka-alam ko miss, mas gwapo ako" singit naman ni Keegan.


"Ay oo nga pala! Siyempre gwapo ka rin Keegan. Hihi."


"Naman! Naimbento nga ang salitang gwapo simula ng pinanganak ako eh," proud na sabi ni Keegan.


Binaling ko naman ang atensyon ko kay Calvix Chandler na nakikipag-picture din sa mga fans. Medyo malayo ang pwesto ko sa TBND kaya naman mas nakisiksik pa ko para makalapit ako sa kanila. And... and...


Kyaaaaaaa!


Gosh! Sobrang lapit ko na sakanila! Although, malapit din naman ako sa kanila nung nanonood kami ng concert nila kanina pero hindi sobrang lapit na katulad ngayon. Bale ang place ko ay may dalawang babaeng hindi magkandaugaga sa harap ko, tapos sa harap naman ng dalawang babaeng yun ay si Calvix Chandler na katabi sa kanan si Keegan Miller, tapos sa kaliwa ni Calvix ay si Ross, at Railey na katabi naman ni Keegan. Ang ibang babae ay hindi magkamayaw sa sobrang tuwa, yung iba niyayakap sila, nagpapa-picture and autograph, at yung iba naman umiiyak dala na rin sigurado ng sobrang tuwa.


Pero ako? Ibahin niyo ako dahil unique ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang amazement na nararamdaman ko ngayon. Eh ganun talaga, unique nga kasi ako.


"Hi Calvix! I'm really really a fan of yours." umiiyak na sabi nung isang babaeng nasa harapan ko.


"Pa-picture naman! My Gosh ang gwapo niyooooo! Kyaaaaaaaaa" excited na sabi ng isa pang babaeng nagtatalon.

A Fangirl's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon