Chapter Seven
__________
I was preparing some sandwiches in the kitchen when one of Tito Arturo's sons, Claude, went inside the kitchen. Akala ko ay may kukunin lang siya o iinom ng tubig nang biglang sumandal siya sa island counter, sa gilid ko kung saan ako naghahanda.
"May date kayo ni Lucius?" tanong nito habang kumakagat sa mansanas.
Claude is the eldest among the three of them, William is the middle child and Pierre is the youngest. Claude is the one who doesn't stick his nose to anything in this house. Lagi siyang wala sa bahay dahil sa business nila, si William ay tatlong taon ang tanda sa akin, siya ang pinaka sakit sa ulo ni Tito Arturo at si Pierre na laging nakakulong sa kwarto dahil sa kakalaro ng online games.
I got to know them a little in the past few months. Sa kanilang lahat mas madalas kong nakakausap si Claude, mas gugustuhin ko siyang kausap kaysa sa dalawa. William is nonsense to talk and annoying as fuck while Pierre doesn't like me, well, it's not like I like him.
"It's not a date, Claude."
Tumango lang si Claude. "May gagawin ka ba the day after tomorrow?"
Sumagot ako nang hindi siya nililingon, abala sa ginagawa. "Wala naman, bakit?"
"Kung ayos lang papasundo ko sana sa airport 'yong kaibigan ko," sabi niya. "Aalis ako ngayon for a business thing,' di naman maasahan si William, lalo na si Pierre."
"Magpadala ka na lang ng driver," suhestiyon ko.
"The thing is, our drivers will not be free. Since lagi mo namang kasama si Lucius, can you two pick him up? Please? Dadalhan na lang kita ng pasalubong, pag-uwi ko."
I tilted my head and sighed. "Wala si Lucius ng araw na iyon kasi may pasok siya pero sige, dadalhin ko na lang 'yong isang sasakyan mo. Hindi mo naman siguro dadalhin lahat ng sasakyan mo hindi ba?"
Claude smiled and messed up my hair. "Alright, use the white one. Thanks, Esther."
Tinanggal ko ang kamay niya na nasa ulo ko na ginugulo ang buhok ko. "Stop it, Claude!"
He just chuckles. "I'll just text you his name and number," sabi niya bago umalis sa kusina.
Nang matapos ay agad akong bumalik ng kwarto at makatanggap ng text mula kay Lucius ay agad kong kinuha ang gamit bago tumuloy sa labas pero bago pa ako makalabas ng bahay ay pumasok na si Lucius na feeling welcome.
He's wearing his sweet smile and glinting eyes. Black shirt at khaki cargo shorts lang ang suot niya at sneakers. He immediately walked toward me to get my bags.
"Nag-lunch ka na?" tanong niya sa masuyong paraan habang inaalis ang mga hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.
"Yeah, ikaw?"
"Tapos na. Sila Tita?"
"Wala si Mommy, si Claude lang ang nandito."
Tumango si Lucius kasabay ng maingay na tunog ng mga hakbang ni Claude mula sa hagdan.
"Aalis na kayo?" tanong nito at lumapit sa amin.
Tumango si Lucius. "Bukas ko na iuuwi si Esther, Kuya," sabi niya at ngumisi.
Tumawa lang si Claude dahil sa pagtawag ni Lucius sa kanya ng Kuya. Tinapik niya sa balikat si Lucius at ginulo ang buhok ko.
"Ingat kayo," bilin ni Claude.
Lucius' hand places on my back as we head towards his car. Nang makapasok kami sa sasakyan ay mataman niya akong tinitigan at biglang ngumiti nang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa paninitig niya.

BINABASA MO ANG
FLS #2 : Lucius Silveron
RomanceFerocious Love Series #2 (a collaboration) ♡ Lucius only wants to have a taste of her, but after he tastes her, she turns out to be his greatest addiction. The drug's name? It's Esther. __________ date started: jan 7 2022 date finished: ©sydjinxx