Chapter Ten
"Esther!" excited na sigaw ni Chloe mula sa pinto ng classroom, patakbo palapit sa akin.
We haven't talk that much, kahit madalas kami magkita ay madalang kaming mag-usap dahil sa kanya-kanyang mga gawain, kahit pareho ang kurso namin may iba siyang buhay. Madalas niyang nakakasama iyong mga kaibigan niyang kapareho niya ng hilig.
Chloe sat beside me and started telling what had happened in her life these past few weeks. Gusto ko man magkwento rin pero wala akong ibang maikkwento na hindi kasama si Lucius.
"Kasama mo iyong si Trace sa isang beach, hindi ba? Sinabi iyon sa akin ni Jules noong tawagan ka niya. We came to your house pero wala ka!" Tunog nagtatampo niyang sabi bago sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya. "Don't tell me you're Trace's mysterious girlfriend."
Mysterious what??
"Oh, no, we're just friend," natatawa kong sabi sa kanya.
"Really?"
Hindi na siya nangulit buong klase. Hindi na kami masyadong nagkausap matapos noon dahil sa sobrang daming ginagawa na gusto agad matapos. Lalo na siya dahil may lakad daw siya mamayang gabi, siguradong sa mga club na madalas niyang puntahan.
Nakasalubong ko si Jules na mukhang papunta rin sa car park. Sinulit niya ang ilang minuto na magkasama kami sa pangangamusta sa akin at syempre sa pagtanong tungkol sa pagsama ko kay Trace noong nakaraan.
"Are you sure? Mukhang manyak ang isang 'yon!"
Natatawa ko siyang inilingan. At sinamahan siya hanggang sa sasakyan nila.
"Libre ka ba this sunday?" tanong niya habang tinitignan ang schedule niya sa cellphone na hawak. "Lunch tayo and shopping na rin."
We don't have all the time to go out kaya pumayag ako kaagad. Sisiguraduhin ko na libre ako sa araw na iyon. Simula nang magkolehiyo kami bihira ko na silang makasama at namiss ko pa ang iyong noong nakaraan.
"Sure! We should invite Chloe too. Ako na ang tatawag sa kanya."
Humalik si Jules sa pisngi ko at malawak ang ngiti. "I'll see if we can go out alone after that."
Naguguluhan man ay tumango na lang ako kasabay ng pagpasok niya sa sasakyan nila.
Hindi pa nakakaalis iyon ay may yumakap na agad sa aking bewang. Ipinatong nito ang baba sa aking balikat kasabay ng pagyakap ng init ng katawan niya sa akin. "Let's go home," he whispered soothingly.
I rest my head on his shoulder. "Daan muna tayo sa bahay, may kukunin lang ako."
"Hmm, okay."
Pumasok na kami sa sasakyan niya at hindi pinansin ang ilang estudyante na nakakita sa amin. Ilang buwan na rin kaming nakikita ng ilan pero wala pang Chloe na sumusugod sa akin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pang nakakapagsabi sa kanya.
I put my seatbelt on and try to review for upcoming quizzes tomorrow. Tahimik lang ang buong byahe at nakatulong ang pananahimik muna ni Lucius dahil doon.
Nang makarating kami sa bahay ay gulat akong naroon si William ng ganito kaaga. Agad na nag-highfive sila ni Lucius nang madaanan namin sa sala.
"Woah! Grabe talaga ang kamandag mo at hindi ka pa tinataboy nitong si Esther, ah." Pang-aasar ni William.
Inambaan lang siya ni Lucius ng sapak at bumati kay Mommy na naroon at nagbabasa ng magazine.
Humalik ako sa pisngi ni Mommy. "Gusto niyong kumain muna?" tanong ni Mommy sa akin habang nakahawak sa braso ko, pinipigilan ang pag-alis.

BINABASA MO ANG
FLS #2 : Lucius Silveron
RomantiekFerocious Love Series #2 (a collaboration) ♡ Lucius only wants to have a taste of her, but after he tastes her, she turns out to be his greatest addiction. The drug's name? It's Esther. __________ date started: jan 7 2022 date finished: ©sydjinxx