Chapter Eight

1.4K 24 12
                                    

Chapter Eight

__________

Kinaumagahan ay nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Pagkabangon ko ay naramdaman ko ang pagbaligtad ng sikmura ko kaya agad akong tumakbo papasok ng banyo.

Habang naghihilamos ay saka ko lang narealize na nakabukas ang shower at paglingon ko roon ay nakatayo si Lucius, hubo't hubad habang kinukusot ang katawan gamit ang isang kamay at ang isa naman ay nakatakip sa maselang parte ng katawan niya habang nakatalikod. Nakatingin na lang kami sa isa't isa ngayon, puno ng bula ang katawan niya. Kitang kita ko siya dahil glass ang buong shower cubicle.

"Oh, shit!"

Agad akong lumabas kasunod ng malakas niyang pagtawa. Punyetang lalaki 'yon, dito pa talaga naligo sa kwarto. Mabuti na lang at wala akong nakitang hindi dapat makita pero kahit ganoon ay nakita ko ang kakisigan niya… at ng pwet niya. WHAT?!

Sa bakanteng kuwarto ako nag-toothbrush bago ako bumaba, naroon na si Jace at Wayne sa kusina parehong nagkakape habang si Jace ay nagluluto. Gusto ko sana tumulong sa pagluluto pero pinigilan ako ni Jace at pinaupo na lang.

Umupo ako sa tabi ni Wayne at kumuha mug at kape. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina banyo. Iyong katawan niya ay nakatatak na sa utak ko.

"Tulog pa si Lucius?" tanong Wayne nang inabot sa akin ang maiinit na tubig sa gilid niya.

Nagtimpla ako ng kape ko at umiling. "N-naliligo." Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko nang muling lumitaw ang imahe niya sa utak ko.

Habang nagkakape ay nag-uusap sila Wayne at Jace hanggang sa narinig ko ang mga hakbang mula sa hagdan at maramdaman ang presensya mula sa likod ko.

"Good morning, Esther," malambing pero may halong pang-aasar niyang bulong bago umupo sa tabing upuan.

"Ano 'yon? Si Esther lang may good morning?" biro ni Wayne na tinawanan lang ni Lucius.

"Si Trace?"

"Tulog pa."

Tumango si Lucius at nagtimpla ng sariling kape. "Masakit ba ulo mo?" bulong ni Lucius habang hinahalo ang kape.

Marahan akong tumango, hindi makatingin sa mga mata niya. Nakatingin lang ako sa kamay niya pero kahit pagtingin doon ay nagpapaalala sa akin sa nakita ko. Binawi ko ang tingin at nalipat sa mga nilapag na pagkain ni Jace.

Tumayo si Lucius at may kinuha sa cupboard. May mga gamot roon at may kinuha bago bumalik sa tabi ko. Inabutan niya ako ng advil at sinalinan ng tubig ang baso ko kanina.

Ininom ko iyon at nagpatuloy kami sa pagkain, nang matapos kaming kumain ay saka bumaba si Trace na kagigising lang.

Pinaghandaan siya ni Jace bago sila naglinis sa cottage. Gusto ko sana tumulong pero pinaasikaso na lang ni Lucius ang mga gamit namin sa akin dahil uuwi na kami. Matapos maayos ang mga gamit ay naligo na ako.

***

Mabigat ang mga mata ko habang nagdadampot ng mga kalat sa cottage dahil kulang ako sa tulog kasama pa ng sakit ng ulo dahil sa dami ng alak na nainom ko.

"Late ka natapos sa presentation mo?" tanong ni Wayne.

Tumango ako.

"Kami na lang dito, magpahinga ka muna. Babyahe pa kayo ni Esther," sabi ni Jace.

Umupo ako dito sa cottage. Even in her sleep, she was crying. That kept me awake the whole night. I want to talk to her about that.

Buong gabi ay gising ako, tinapos ko na lang ang presentation ko para bukas dahil hindi makatulog. Nakabantay lang ako kay Esther kagabi, marasap na makita siyang tulog sa tabi ko pero masakit sa tuwing naririnig ko siyang humihikbi sa pagtulog.

FLS #2 : Lucius SilveronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon