Chandy's POV
Lahat kami ngayon ay naghahanda na para sa Adventure namin today. Magdala daw kami ng mga extra clothes at mag dala daw kami ng pang swimming attire. At ito ako ngayon nalilito kung anong sossoutin ko kaya pinili ko nalang yung mga simple damit ko.
"Guyyss ready na ba kayo??" tanong ni Jenn sa amin.
"Yes we're ready and we are excited." sabi naming lahat. Edi kami na ang choir hahaha.
Pumasok na kami sa Van iisang sasakyan lang ang gamit namin para mas masaya ang byahe pupunta daw kaming Hidden Paradise Mountain Resort. Feeling ko maganda dun sa panggalan pa lang noh. 3 Hours ang byahe papunta dun at mga 10:00 pa naman ngayon kaya mga 1:00 kami dadating dun. Kaya natulog na ako at Guess what katabi ko na naman si John.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa shoulders ni John kaya dali-dali akong naka tayo doon. Ang awkward lang.
"Okay ka lang mag lean sa shoulders ko." sabi niya sabay hila sa ulo kaya no choice ako.
Hindi pa rin ako nakatulog dahilsa posisyon namin ngayon ni John. Kasi parang hinug niya na ako ehh!! Kasi yung ulo ko nasa shoulders niya tapos yung braso niya ay gilid ko na para bang hinug ako pero kahit ganun ang sarap sa feelings dahil parang safe na safe ako sa kanya.
After 3 hours
"Hayyyy Salamat nandito na kami." sabi ko. Kaya tumayo na ako.
"Guys sabi sa manager dito dapat daw dalawa lang sa iisang room dahil hindi daw gaanong malaki ang iisang room." sabi ni Cass.
"Basta gusto ko kasama si Athena ha!" sabi ni Andrei sabay akbay kay Athena.
"Ako din gusto kong makasama si Cass!" sabi naman ni Selwyn.
"Ako gusto kong kasama si Jenn syempre. Wala naman akong balak kay Athena noh! May malaking respeto naman ako sakanya"
sabi ni Clent. Defensive much. At wag ninyong sabihin pati si Kars at Karlo magkasama din sa iisang kwarto tapos ako at si Jo--. No way."Ako din gustong kong mas makilala pa si Kars kaya gusto ko siya ang makasama ko sa room." sabi ni Karlo. Yun lang pala eh gusto mo siyang makasama ANO KASAMA KO SI JOHN sa iisang room. WTF.
"So no choice tayo Kyla tayo ang roomates ngayon." bulong ni John sa akin.
Pumunta na kaming lahat sa rooms namin. Kaya ako ngayon tulala paano ba naman makakasama mo yung taong sinaktan ka noon at nililigawan ka ngayon. Hayyy buhay. Pumasok na ako sa room namin ni John. Pupunta na sana ako sa CR para maligo kaso hinarangan ako ni John.
"Anong gagawin mo sa CR? Kung maliligo ka mamaya na kasi kakadating lang natin ngayon baka mapano ka. Umupo ka muna diyan o magrelax ka muna." sabi niya kaya umupo nalang ako. No choice ako eh!. Siya kasi ang boss. huhuhu. Nagulat nalang ako nang biglang tumabi si John sa tabi ko.
"Kyla kailan pa kaya mababalik yung dati?" sabi ni John.
"Huh??" sabi ko.
"I mean kailan ba tayo babalik sa dati yung masaya lang wala gaanung pinoproblema yung walang hiyaan sa atin yung closeness natin at higit sa lahat kung anong meron sa atin noon." sabi niya. Oo nga noh kailan kaya o hindi na mababalik kasi ibang John na at ibang Kyla na ngayon eh.
"Gusto ko nang maibalik yung noon dahil miss na miss ko na eh!" dagdag pa niya.
"Alam m---"
Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan na namin kaagad.
"Uhmm John at Chandy kain daw muna tayo." sabi ni Athena.
"Teka magbibihis muna ako. Tapos bababa na kami." sabi ko.
"Una na ako sunod nalang kayo." pahabol ni Athena.
"Sige" sabi ko. Nagbihis na kaagad ako pero sa CR ako nagbihis noh alangan naman sa harap ni John. Kaya pag katapos kung magbihis bumaba na kami kaagad ni John.
"Hi Guys." sabay naming sabi ni John.
"Kain na kayo para masimulan na na'tin ang mga adventures ngayon." sabi ni Andrei. Kaya kumain na kaming lahat.
"Uhmm Guys pagkatapos na pagkatapos nating kumain magbihis kayo ng pang swimming dahil ang unang gagawin na'tin ngayon ay mag-boboating." sabi naman ni Jenn.
"Okay." sabay naming sabi lahat. Kami na talaga ang choir.
(15 minutes after)
Tapos na kaming kumain kaya pumunta na kami sa mga rooms namin. Ano kayang magandang suotin yung sexy ba or yung simple lang. Kaya pinili ko nalang yung two piece na stripes na blue pero may suot akong shorts kaya parang naka bra lang ako.
"Bakit yan ang suot mo?" sabi ni John. Hayy nako lumalabas na naman ang pagka-possesive.
"Diba sabi ni Jenn mag-suot ng pang-swimming dahil mag-boboating tayo." sabi ko. Ano naman paki niya kung ganito sosuotin ko.
"Basta wag mong suotin yan. Maraming mga lalaki ngayon sa beach ayokong pagtitinginan ka nila." sabi ni John.
"Okay magbibihis na ako." sabi ko. Kasi basta ganito palagi akong talo. Kaya ni choice ako. Siya na naman panalo. Sinuot ko nalang yung white na dress pang beach at naka-slippers na lang ako at nag-shades.
"Yan ang suotin mo wag yung kanina." sabi niya.
"Halika na baka tayo nalang hinihintay sa baba." sabi niya. Kaya bumababa na kami. Tama siya kami nalang talaga ang hinihintay.
"So andyan na pala sila. So let's go" sabi ni Kars.
"Excited na ako." sabay-sabay sabi ng mga Bessie ko.
Naglakad na kaming papuntang bangka. Nag-lifejacket muna kaming lahat at hindi ako marunong lumangoy noh. At ngayon minamalas ka na nga naman noh katabi ko na naman si John dahil by two's yung upuan ng boat. Kaya no choice na naman ako.
"Guys, Hindi kayo tatalon???" tanong ni Andrei. Gusto ko sana tumalon sa dagat kaso hindi ako marunong lumangoy eh!
"Ikaw Kyla gusto mong tumalon??" tanong sa akin ni John.
"Hindi ako marunong lumangoy eh! Baka malunod ako." sabi ko kasi takot din talaga ako eh!
"Hindi ka naman malulunod noh! Andito naman ako eh! Wala ka ba'ng tiwala sa akin." sabi niya. Kinilig naman ako dun. hihi
Kaya lahat sila tumalon na kami nalang ni John ang natitira dito sa bangka. Ayoko talaga eh! Kahit na may life jacket ako takot pa rin ako eh! Kaya nagulat ako ng bigla akong hilahin ni John sa dagat kaya
"Helpppppp" pasigaw kong sabi. Pero mas nagulat ako ng may yumakap sa akin akala ko kung sino si John lang pala kaya na payakap na din ako kay John kasi takot na takot na kasi ako.
"Wag ka lang matakot nandito naman ako eh!" sabi niya.
"Salamat" sabi ko with matching smile pa.
"Basta ikaw" sabi niya. Bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko feeling ko anytime pwede na itong sasabog.
Nagulat nalang ako na hindi na pala kami nakayakap ni John pero lumulutang na ako sa tubig. Oh my gosh is this happening totoo pala talaga ang kasibahang
Face your fears dahil ang takot ang magiging susi sa pagtagumpay mo at baka ang takot rin ang magpapasaya sayo at bubuo sa pagkatao mo.