Chapter 12

181 9 2
                                    

Napakurap siya habang nakatunghay sa nakangising si Arkin habang nakakubabaw sa kanya. Ang puso niya ay halos magwala sa loob ng dibdib niya at tila nakakaramdam siya ng kiliti mula sa kung saan.

"Why are you so grumpy this early, Milashka?" wika ni Arkin na nakaguhit pa rin ang kakaibang ngiti sa labi. Ang mga kamay nito ay nakapigil sa kamay niya sa magkabilang gilid at ang mga mata nito ay naglalakbay sa mukha niya.

Bigla siyang na-conscious. Bukod kasi sa kakaibang tawag nito sa kaniya na hindi niya maintindihan ay naalala niya na hindi pa pala siya nakakapaghilamos! P*nyeta!

"Lumayas ka riyan sa ibabaw kong talipandas ka! Kung ayaw mong basagin ko 'yang pagmumukha mo!" banta niya rito.

Mabilis siyang nagpumiglas para makaalis sa pagkakadagan nito pero mukhang ayaw magpatalo ni Arkin at mas lalong hinigpitan ang pagkakadiin sa kanya.

Napasinghap siya ng may maramdaman na kung ano na dumiin din sa puson niya. Idagdag pa na wala itong pang-itaas na suot dahil hinubad nito kaya ang init ng singaw ng katawan nito ay parang gustong silaban siya.

"Mas maganda ka pala sa ganitong malapitan, Mangku. Lalo na at wala pang hilamos at oily ka pa." Nakangisi ito ng mapang-asar habang tumigil ang mga mata sa labi niya na napalunok.

Hindi naman malaman ng puso niya kung ano ba ang mararamdaman. Pinuri siya nitong maganda pero binawi rin naman ng hinayupak. Bigla tuloy nag-init ang pisngi niya.

Lord! Matibay ako 'di ba? Opo, matibay ako! Kaya please, pakilayo po ako sa talipandas na 'to! Piping dasal niya.

Inipon niya ang lakas niya. Hindi na talaga niya kaya ang posisyon nila. Iniangat niya ang ulo at inumpog sa noo nito. Nang nabitawan ang isang kamay niya ay itinaas niya ito at siniko ang mukha nito. Sapat para masaktan lang ang lalaki at bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.

"Awww!" sigaw nito sabay tinignan siya ng may hindi makapaniwalang tingin habang palipat-lipat ang paghawak sa noo at panga na tinamaan.

"Tigas ng ulo mo eh! Gusto mo pang nasasaktan ka!" angil niya rito para pagtakpan ang guilt na naramdaman niya dahil parang napalakas ang tama niya rito. Agad kasing namula ang parte na iyon ng panga at noo nito.

Gumalaw siya at inilagay ang mga tuhod niya sa tiyan nito at ang mga kamay sa magkabilang balikat nito sabay mabilis na itinulak para maialis sa pagkakadagan sa kaniya pero parang napalakas din dahil imbes na matumba lang ito sa kama ay lumagapak ito sa sahig.

"F*ck! Mangku!" hiyaw nito kasabay ng paglagabog nito.

Agad siyang bumangon at sinilip ito sa ibaba ng kama habang nakakagat sa labi para pigilan ang mapatawa.

"Ang hina mo pala eh! Dapat lagi kang alerto, kung hindi maaga ka paglalamayan lalo na sa misyon," pairap na sambit niya rito at umupo sa gilid ng kama habang nakahalukipkip na nakatunghay sa hindi maipintang mukha nito. Nakasapo ito sa likod habang bumabangon. Naaawa siya na natatawa sa itsura nito.

"Eh wala naman tayo sa misyon! Kakagaling ko lang sa sakit tapos bubugbugin mo pa 'ko!" maktol nito. Tila nakikita niya ang pag-iinarte ng babaeng kuting sa itsura ni Hitler ngayon.

"Ang arte mo! Tara na sa baba at ng makakain na. Marami pa tayong trabaho baka nakakalimutan mo?" Tumayo na siya akmang tatalikuran ito ng muling mapalingon ng umigik si Arkin.

"Ouch! Nabalian yata ako, Mangku. Tulungan mo naman ako itayo." Sinipat niya ang mukha nito na nakangiwi. Agad siyang tinablan ng awa rito kaya mabilis siyang lumuhod at lumapit dito.

"Asan ba?" sinipat niya ang tagiliran nito.

"Dito oh masakit sobra," sambit nito sabay turo sa may parte ng tiyan nito at iginiya ang kamay niya.

Napalunok siya dahil ramdam ng kamay niya ang tigas ng tiyan nito lalo at wala itong damit at nakahantad ang mabato nitong dibdib at abs. Ang mga mata niya ay halos ayaw lubayan ang napakasarap na tanawin. Yawaness!

Inangat niya ang mukha niya para tignan si Arkin pero napasinghap siya ng sumalubong ang mukha nito. Sa gulat ay hindi siya agad nakaiwas at lumapat ang labi nito sa gilid ng labi niya.

Hinampas niya ang tiyan nito. "Talipandas ka talagang Hitler ka! Ang manyak mo! Bakit ka nanghahalik?" inilayo niya ang katawan dito sabay abot sa tainga nito at piningot habang matalim na tinitigan.

Humahalakhak ito habang umaaray. "Dapat lagi kang alerto, Mangku. Kung hindi baka hindi ka magkadalaw ng siyam na buwan," pilyo nitong sagot na tila ginagaya pa ang sinabi niya kanina pero bahagya lang iniba ang salita.

Gigil na isinalya niya ito at napahiga muli sa sahig habang mapang-asar na tumatawa.

Nagngingitngit siyang tumayo sabay sipa sa binti nito ngunit tila hindi naman nito ininda dahil mas lumakas pa ang tawa nito.

"Gusto mo ng mamatay, Arkin Cordoviz?"

Umupo ito habang nakapaskil pa rin sa labi ang ngiti pero direkta ng nakatitig sa mga mata niya na tila gusto siyang tunawin.

"Bakit ba galit na galit ka? First time mo ba mahalikan, Mangku?"

"Hah! Syempre hindi no!" kaila niya.

Sumingkit ang mga mata nito. Tila iniintriga siya. "Eh bakit ganiyan reaksiyon mo?"

Naalala niya na sinabi niya kila Teo na hindi na siya virgin kaya paninindigan niya iyon kahit mamatay pa ang kapitbahay niya!

Bumuntong-hininga si Arkin at tumayo na sabay abot sa kamay niya. "Sorry kung nagulat kita, Sienne. Gusto ko lang magpasalamat sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. Isipin mo na lang na bayad ko iyon sa pag-aalaga mo sa akin." Tukoy nito sa paghalik sa kanya. Seryoso na ang tono nito at wala na ang bakas ng pang- aasar o pagbibiro.

Sinamaan niya ito ng mukha. "Ano feeling mo sa halik mo? Gold? Pwede pambayad? Ewan ko sa 'yo, Hitler!"

Umirap siya at tinalikuran na ito para mauna ng bumaba papunta sa kusina habang pinipigilan na salatin ang gilid ng labi niya. Pakiramdam niya ay nakadikit pa rin ang labi nito roon.

Dinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya pero hindi na niya ito pinansin at dire-diretso na ng lakad.

Napagtanto niya rin na napapangiti siya pero agad din na binawi at sinaway ang sarili.

Tengene! Bakit ba 'ko kinikilig? Gagi.

V Queens Series: #3 LARKSPUR (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon