Chapter 10

168 13 4
                                    

Bigo ang misyon nila na mahuli ang serial killer.

Pero isang scammer pala ang lalaki at natangay ang laman ng online banking ni Jelly. Walang inatupag ang jelly fish kung hindi ang umatungal at magpayakap kay Arkin na ikinakainit lalo ng ulo niya.

Sa sobrang gigil niya ay sa lalaking scammer na lang niya naibunton at halos panawan na ng ulirat sa pagsuntok niya ang lalaki at duguan na ang mukha.

Gawain pala talaga nito ang gamitin ang dating apps para makakuha ng mabibiktima at makakuha ng pera sa mga online banking ng mga ito.

"Sienne, tama na," mahinahon na awat sa kaniya ni Arkin. Kumalas na pala ito sa pagkakalingkis ng jelly fish at hinatak siya palayo sa lalaking wala ng kalaban-laban.

Hinawakan pa nito ang kamao niya na nakakuyom pa rin. "Calm down."

Humagod ang kamay nito sa likod niya na tila ba nag-aalala ito sa galit na nakikita sa kaniya.

Napalunok siya ng maramdaman ang init ng palad nito. Inalalayan pa siya nito na maupo. "Bakit ba ganiyan kalala ang galit mo, Mangku?"

Umangat ang tingin niya rito na nakatayo sa harap niya. Masama niya itong tinignan bago umirap. "Huwag mo na tanungin at baka ikaw pa ang mabugbog ko!"

"Commander, dinala na sa presinto ang suspek. Mukhang marami rin ang susunod na magsasampa rin ng reklamo na mga naloko nito at na-hack na online banking," pukaw ni Teo sa kanila. Nakaalis na ang mobile sakay ang suspek habang ang jelly fish ay tila hindi pa natatapos sa pag-atungal na parang baka. Sarap salaksakan ng busal sa bunganga. Kakarindi!

" Sige Teo, mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang kaso. Ihahatid ko na muna si Prieto sa bahay nila." tinapik nito ang balikat ni Teo matapos tumango.

"Eh paano si Agent Jelly, Commander?"

"Pakihatid na lang din. Baka mabugbog pa nitong si Mangku iyan. Mainit pa naman ang ulo," nakangisi na tumingin pa sa kaniya ang hinayupak na Hitler na sinuklian niya ng irap.

"Buti alam mo!" gigil na bulong niya. Baka manghiram talaga ng mukha  sa jelly fish ang babaeng iyon kapag nagkataon.

"Copy, Commander." Sumaludo pa ito bago umalis at nilapitan ang jelly fish at inakay papasok sa mobile.

Nang nasa daan na sila para ihatid ni Arkin ay inabot sila ng malakas na ulan kung kaya't kapwa sila basang-basa ng makarating sa apartment niya.

"Eto oh, magpalit ka muna ng damit baka sipunin ka," wika niya sabay abot ng pinakamalaking t-shirt na mayroon siya. Madalas ay pinapantulog niya iyon.

"Salamat," tanging sagot nito sabay abot ng damit. Medyo nangangatal ang labi nito at halatang nilalamig na. Ito ang mas nabasa dahil pinangtabing nito sa kaniya ang suot na jacket.

"Hoyyy! Teka lang naman, Hitler!" napatili siya ng walang babala itong naghubad ng suot na damit sa harap niya. Napapikit pa ang mga mata niya habang nakataas ang mga kamay.

"Why?" kaswal naman na ipinagpatuloy nito ang paghuhubad.

"Bakit naman dito ka naghuhubad? Kaya nga naimbento ang banyo hindi ba?" nameywang siya pero nakalihis ng tingin ang mga mata niya. Kahit natutukso na siya na titigan ang katawan nito kanina pa.

"Kung makareact ka naman akala mo hindi mo pa nakita ang katawan ko? Eh pinagsamantalahan mo na nga ako no'ng binosohan mo 'ko," nakangisi nitong sagot habang isinusuot na nito ang t-shirt niya na halos naging body fit dito.

Susugurin niya dapat ito ng hampas pero napatigil siya ng sunod-sunod itong bumahing.

"Halika sa kusina at humigop ka ng sabaw. Baka matuluyan kang trangkasuhin niyan," hinatak  na lang niya ito na nagpatinaod naman habang sumisinghot.

Mabuti at may mga pangsahog siya sa sopas at mabilis niyang inilabas sa ref at sinimulang ihanda.

"I'll help," napalingon siya ng marinig ang boses nito. Napasinghap pa siya ng nasa likuran na niya ito. Medyo paos na ang boses.

"Hindi na, maupo ka na lang doon. Kaya ko na 'to!" pigil niya rito habang winawasiwas ang kamay  na may hawak na sandok habang tinuturo ang upuan sa lamesa.

"No, I'll help you. Alam ko pagod ka rin sa misyon natin." inagaw nito ang sandok sa kaniya at naghilahan sila. Tinalon-talon niya pa ito para maagaw ang sandok.

"Akin na!" sigaw niya sabay muling talon. "Ayyyy!" tili niya.

Bigla siyang binuhat nito paharap. Nakapulupot ang mga binti niya sa beywang nito at napayakap ang mga braso sa batok nito.

"Ano ba?" angil niya. Pakiramdam niya ay namumula na ang pisngi niya sa hiya.

"Ayaw mo tumigil eh," nakangiti nitong sambit at iniupo siya sa may lamesa habang nasa pagitan pa rin ng hita niya ang katawan nito.

Itinulak niya ito pero hindi natinag. "Umalis ka na riyan at magluluto na ko! Talipandas ka talaga!" hinampas niya pa ang braso nito.

Napalunok siya ng makita ang pagtitig nito sa mukha niya habang nakangiti. Pero ang ilong nito ay namumula na at namumungay ang mga mata. "Ang ganda mo pa lang mangkukulam ano?"

Ang landi! Sapakin ko kaya 'to? Marupok pa naman ako!

Inipon niya ang lakas niya at itinulak ito na napagtagumpayan naman niya at mabilis na bumaba sa lamesa.

Tinotoo talaga nito ang pagtulong sa kaniya sa pagluluto. Dahil maliit lang ang kusina niya ay hindi maiwasan na magkabanggaan sila na ikinailang niya pero sa hinayupak na Hitler ay tila balewala lang.

Magana rin itong kumain kahit na panay na talaga ang bahing nito at namumula ang ilong at maya't maya sumisinghot.

"Inumin mo itong gamot para maagapan iyan. Bukas ka na umuwi at malakas pa ang ulan sa labas baka lalo ka magkasakit." Inabot nito ang tableta na ibinigay niya pero inilapag lang sa lamesa at isinandal ang ulo sa sofa.

"Oh ano? Kalaki-laki mo takot ka sa gamot?" sermon niya sabay dampot ng tableta at lumuhod sa gilid nito at ibinuka ang bibig nito ng sapilitan ipinasok niya ang gamot sabay abot ng tubig dito. "Inom!"

Napangiti siya ng malunok nito ang gamot. Ramdam na rin niya na nilalagnat na ito. Nakapikit ito habang nakasandal, mukhang hindi maaatim ng konsensiya niya na sa sofa ito patulugin.

"Hoy Hitler, halika at doon ka matulog sa itaas. Malamig dito." umungol lang ito kaya kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa balikat niya at hinatak na tumayo.

"Y*awa ka, huwag ka magpabigat! Nyemas!" lahat na yata ng mura nasambit niya habang paakyat sila ng kuwarto.

Nang maihiga niya ito sa kama niya ay inayos niya ito at sinalat muli ang noo. "Jusko Hitler, ganiyan ka kasakitin? Ang weak mo naman pala!" patuloy na pagkuda niya sabay palatak. Binuksan niya ang closet niya at kumuha ng bimpo bago pumasok sa cr at kumuha ng tubig pangbanyos.

Umungol ito ng punasan niya ng bimpo. "Uhhmmm, Sienne."

Napakurap siya ng banggitin nito ang pangalan niya. Nananaginip ba ito?

"Bakit? Nandito ako," sagot niya at tinapik pa ng marahan ang pisngi nito.

"Maginaw," bulong nito habang kita niya ang panginginig ng katawan nito.

"Hindi kita pwede kumutan, kailangan makalabas ng init ng katawan mo," paliwanag niya rito. Ang mga kamay nito ay niyayakap na ang sarili.

"Come here, please," inangat nito ang isang kamay at iniaabot sa kaniya habang namumungay ang mga mata.

"Ha?"

"Come here, yakapin mo 'ko," umangat ito ng bahagya at inabot ang kamay niya sabay hatak. Napahiga siya sa tabi nito.

Halos mapugto ang hininga niya ng maramdaman ang mainit na katawan nito na dumaiti sa balat niya. Ang puso naman niya ay mabilis na kumakalampag dahil ibinaon nito ang mukha sa leeg niya at ramdam niya ang init ng hininga nito na nagbibigay kilabot sa pakiramdam niya at tila may paru-parung nagliliparan sa sikmura niya.

Maygad! Tuksooo, layuan mo ako! Mariin siya napapikit dahil ramdam niya ang paglapat ng labi ng lalaki sa leeg niya.

"Sienne," mahinang anas nito sa pangalan niya habang ang kamay nito ay humapit sa beywang niya palapit.

V Queens Series: #3 LARKSPUR (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon