Chapter 7

138 11 3
                                    

"Mangku," tawag sa kaniya na kahit hindi mag-angat ng tingin ay alam niya kung sino.

"Oh?" sagot niya habang nanatiling nakayuko ang ulo sa lamesa at pinag-aaralan kung paano papasukin ang site at makokorner ang suspek.

Bumuntong-hininga ito kung kaya't umangat ang mga mata niya rito. "Lalim ah? Nakakalunod. Problema mo, Hitler?"

Ngumiti ito ng alanganin at nilaro ng daliri nito ang hawak na susi. "I need to go. Tumawag kasi ang kasambahay ng kapatid ko. Tinakasan nanaman siya," tila problemado talaga ang tono nito.

"Ilang taon na ba ang kapatid mo? Report mo na kung may 24 hours ng nawawala," payo niya rito.

Muli itong humugot ng malalim na hinga. "She's 22 but acts like a 5-year old kid. Kapag ganitong tumatakas iyon, palagi na lang napapa-trouble.

Napailing siya. Kabataan talaga. "Nasa tamang edad naman na siya. Let her enjoy her life, Hitler. Huwag masyadong over protective at baka lalo lang magwala ang kapatid mo," may kasamang irap dito na turan niya.

"That's my role as her brother, Mangku. Hindi ko pwedeng pabayaan ang batang iyon." tumayo ito mula sa pagkakasandal sa lamesa ng conference at tumabi sa kaniya.

Nilingon niya ito. "See? You treat her like a kid, try mo kaya pagkatiwalaan siya. Feeling ko nasasakal na iyon sa paghihigpit mo."

Bumuntong-hininga ito. "Nag-iisa kong kapatid iyon. Tsaka mahigpit na bilin ng parents namin na alagaan at bantayan ko siya. Lalo na sa panahon natin ngayon na laganap ang mga halang ang kaluluwa."

Pumalatak siya. "Oh ang bilin naman pala sa iyo ay alagaan at bantayan, hindi sakalin at paghigpitan. Magkaiba iyon, Hitler!" dinuro niya pa ang mukha nito ng likod ng ballpen na hawak niya.

Napatawa ito at umangat ang kamay para pisilin nanaman ang pisngi niya. "Teka lang, bakit hindi ako ang kampihan mo? Hindi mo pa kilala ang kapatid ko, baka pati ikaw mawindang sa katigasan ng ulo no'n!"

Tinabig niya ang kamay nito sa pisngi niya at pinitik ang noo nito. "Hindi laro ang pinaguusapan natin, bakit kailangan may kampihan? At kung may kailangan kampihan, ikaw ang kahuli-hulihang kakampihan ko!" angil niya sa mukha nito.

Napamaang naman siya ng sumandal ito sa headrest ng upuan at pumikit habang nakangiti. Kita niya pa ang pagtaas-baba ng adam's apple nito.

'Sh*t! Ang sexy ng hayup na lalaking 'to! Nagkakasala ang mga mata ko!' piping usal ng isip niya.

Napakurap siya ng dagli itong magmulat at nahuli ang paninitig niya. Pakiramdam niya namula ang mukha niya sa pagkapahiya. Buti na lang at tila okupado ng isipin sa kapatid nito ang isip at hindi na nagkomento sa pagtitig niya rito.

"Tara na, isabay na kita. Ihatid muna kita bago ko halughugin ang buong maynila para hanapin ang pasaway kong kapatid," sambit nito na umahon na mula sa upuan.

"Hindi na, Hitler. Kaya ko na umuwi at unahin mo na ang paghahanap sa kapatid mo," nginitian niya ito habang iwinasiwas ang kamay na tila itinataboy na ito. Pero sa pagtataka niya ay tila napako ito sa kinatatayuan nito habang nakatitig lang sa mukha niya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit ganiyan tingin mo sa akin, Hitler?" naconcious siya bigla sa itsura niya kaya napapahid ang kamay sa mukha niya.

Ngumiti ito at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "Wala naman. Mas maganda ka pala kapag nakangiti," sambit nito sabay talikod. "Una na 'ko, Mangku. Mag-ingat sila sa iyo pauwi!" pahabol na asar pa nito. Hindi na siya nabigyan ng tsansa makasagot dahil nakalabas na ito ng pinto ng conference.

Tulala siyang napatitig sa hangin. Kinilig ba siya?

Sinapo niya ang dibdib ng tila bumilis ang pagtibok nito. Sh*t!

V Queens Series: #3 LARKSPUR (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon