Chapter 19

90 6 0
                                    

Kasalukuyan silang nasa presinto ng Sta. Elena. Katabing barangay ito ng barangay nila. Napasugod sila sa lugar ng mabalitaan na may babaeng natagpuang walang buhay sa may talahiban. Kaparehas ng pattern at palatandaan ng sa serial killer na hina-hunting nila.

"Commander Cordoviz, ikinagagalak ko kayong makilala. Chief Robert Mallari, ang hepe ng presinto na ito," pagpapakilala nito kay Arkin. Kapwa inilahad ng mga ito ang mga palad at nagkamay.

"It's an honor to meet you, Sir. And by the way, this is Sienne," baling nito sa kanya na nahuling pumasok sa presinto dahil nagmasid-masid pa siya sa paligid.

Umawang ang labi niya kasabay ng panlalaki ng mga mata ng bumaling sa ipinakilala ni Arkin.

"Hoyyy! Mister Abs!" halos mapatili siya habang itinuturo ang lalaki.

"Miss Jebs!" ganting sambit naman ng hepe na kagaya niya ay tila aliw na aliw na nakita siya.

Hinampas niya ang balikat ni Chief Mallari ng makalapit dito. "Gagi, naging hepe ka?"

Nameywang naman ito at tila nagmamalaki ang mukha habang nakapaskil ang ngiti sa labi. "At bakit? Ako kaya ang pambato ng school natin dati!"

Tumawa siya ng mapang-asar. "Pambato? O baka pang-bato!" sabay silang nagtawanan.

Nang makabawi ay muling nagsalita ang hepe.

"Nice to see you again, Sienne. Akalain mong dito pa tayo magkikita?"

Ngumiti siya. "Oo nga. Ikaw na pala ang chief dito? Akalain mo 'yon? Samantalang dati puro ka cutting class!" pambubuking niya rito. Dati niya itong school mate noong high school, nagkakilala sila nang maglaban ang section nila sa damath noon na ito ang representative at siya naman ang representative ng section nila.

"Eh ikaw naman palaging laman ng cr, nagsasabog ng lagim! Sa akin ka pa magpapa-igib ng tubig!" ganti nito. Naging tropa niya ito kahit bulakbol at basagulero matalino ito at mabait naman kahit papaano.

Sabay silang nagtawanan ng hepe. Pero kapwa sila napatigil ng tumikhim si Arkin na tila na-out of place sa kanilang dalawa. Nakasalubong ang kilay nito at hindi maipinta ang mukha. Mukhang gusto ng ilampaso si Chief Mallari.

"Nandito ako oh? Baka gusto n'yo ko isali?" maktol na sambit ni Arkin.

Nagkatinginan si Chief at Sienne.

"Ay! Nandyan ka pala. Hindi ka naman kasi nagparamdam."

"Sorry, Mr. Cordoviz. Nakakatuwa lang na makakita ng dating kaibigan," sagot ni Chief Mallari na tinapik pa si Arkin.

Iginiya sila ng hepe sa loob ng opisina at doon na itinuloy ang usapan tungkol sa totoong pakay nila.

"So bakit kayo napadpad dito sa presinto ko?" panimula ng hepe ng makaupo sa silya nito.

Dagli rin naman naging seryoso ang mga mukha ng tatlo.

"Iyong babaeng natagpuan na walang buhay sa may palayan kanina, na-identify na ba?" bungad ni Sienne.

Kumunot ang noo ni Chief Mallari. "Pulis ka rin ba, Sienne?"

Ngumisi siya. "Huwag ka na magtanong, Mister Abs. Sagot ka na lang!"

Umiling ito bago tumikhim. "Alam mong highly confidential ang mga kaso natin. Hindi ko basta-basta ilalabas ang report hanggat hindi klaro sa akin ano ang dahilan ninyo."

Umangat sa upuan si Sienne at dumukwang sa lamesa ng hepe. "Kahit magtropa tayo? - - - Ayy!" dagli rin siyang napabalik sa kinauupuan ng hatakin ni Arkin ang suot niyang jacket. Kita niya ang makulimlim pa sa langit na may low pressure area ang mukha nito. Ang mga mata nito ay tila pinagbabantaan siyang manahimik kung hindi ay malilintikan siya kaya padabog na sumandal siya sa upuan at humalukipkip.

V Queens Series: #3 LARKSPUR (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon