Chapter 16

113 10 1
                                    

Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nanginig ng ganito. Tila hindi niya mahawakan ang ballpen para pumirma sa papel na nasa harapan niya.

Nilingon niya si Arkin, tila wala lang rito na pumirma roon sa marriage certificate. G*go talaga! Ano ba akala niya rito, joke lang? Parang t*nga, ni hindi man lang nag-aalala na totoo ang magiging kasal nila.

Mabining kurot sa tagiliran ang nagpaigtad sa kanya. Ang tiyahin niya na nasa tabi na pala niya at tila naiinip na dahil siya na lang ang hinihintay na pumirma. "Bilisan mo! Kanina mo pa tinititigan iyang papel, baka matunaw na iyan!"

Napabuga siya ng hangin. "Tiya, hindi n'yo ho kami kailangan ipakasal. Wala naman ho nangyari sa amin!" pabulong na sagot niya sa tiyahin. Umaasa siya na magpapabago pa ang isip nito sa huling pagkakataon.

"Huwag ninyo akong pinagloloko, Sienne. Sinasabi ko sa iyo tatamaan ka talaga kapag hindi ka umayos! Ano na lang ang sasabihin ng magulang mo sa akin? Na hindi kita napalaki ng maayos? Gusto mo bang multuhin ako ng mga iyon?"

Pumalatak siya. Minsan talaga ang OA nitong tiyahin niya. Palibhasa tumatanda na."Tiya naman! Hindi totoo ang multo at sigurado ho akong hindi ka mumultuhin ni Mama at Papa. Huwag na ho ninyo kami ipakasal!"

Napaatras siya ng hinampas siya nito ng dalang pamaypay. "Tigilan mo 'ko! Pirmahan mo na iyan at nakakahiya kay Mayor. May appointment pa iyan. Hala, pirma na bilis!" at iwinasiwas nito ang papel at bahagyang itinulak palapit sa lamesa.

"Ikaw lalaki, dalhin mo ang mga magulang mo rito sa lalong madaling panahon. Naiintindihan mo?" pabulong lang iyon pero nakakatakot talaga ang tiyahin niya kapag ganoon. Naalala tuloy niya ang kapitbahay nilang hinagad nito ng malaking balisong matapos siyang tuksuhin na ulila.

"Nasa ibang bansa ho sila ngayon ma'am, ang kasama ko lang ho rito sa Pilipinas ay ang nakababata kong kapatid at ang katiwala namin," magalang na sagot ni Arkin. Parang pati ito ay tiklop sa tiyahin niya.

Ibinuka ng tiyahin niya ang pamaypay at ipinaypay sa sarili."Tigilan mo kakatawag sa akin ng Ma'am hijo. Naaalibadbaran ako. Tiya ang itawag mo sa akin tutal ay asawa mo na ang pamangkin ko," pagdaka ay wika nito na nagpaarko ng kilay niya.

Hanu raw??? Hindi siya makapaniwala sa pinaggagawa ng tiyahin niya. At hindi rin niya maintindihan kung bakit kapwa rin sila nagpapatinaod ng talipandas na si Hitler.

"Alice, ako ay aalis na. Iyong papeles at rehistro ay ipapaasikaso ko na lang sa sekretarya ko. May meeting pa ako sa isang charity," wika ni Mayor sa tiyahin niya bago bumaling sa kanila ni Arkin.

"Bagay na bagay kayong dalawa. Magiging maganda ang lahi ng magiging anak ninyo mga inaanak," sambit ni Mayor sa kanila na todo ang ngiti habang tinatapik si Arkin. Ito rin kasi ang tumayo nilang ninong at ang tiyahin nila ang ninang.

Parang gusto niyang masamid sa tinuran nito. Kung hindi lang talaga kasalanan manakit ng mayor kanina niya pa ito in-upper cut. Daming sinasabi eh!

"Sige ho mayor. Maraming salamat sa pagpapaunlak na ikasal ang dalawang ito kahit biglaan. Hayaan ho ninyo sa binyag ng anak nila ay iimbitahan po namin kayo ulit," wika ng tiyahin niya. Sumasakit ang sintido niya sa nangyayari. Parang gusto niya rin manakit ng tiyahin na paladesisyon!

Hinatak na niya ang braso ng tiyahin palayo matapos na magalang na magpasalamat sa Mayor baka kung ano pa ang maipangako nito, mahirap na.

Habang lulan ng sasakyan ay nilingon niya si Arkin na siyang nagmamaneho. Habang ang tiya niya ay nasa backseat at nakasandal habang nakapikit.

"Hitler," mahinang pukaw niya sa atensyon nito.

"Hmmm?" saglit siyang nilingon nito bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Kailan tayo magpa-file ng annulment?"

Marahas siya nitong nilingon. "What the h*ll are you saying, Mangku?" nagtangis ang mga bagang nito at tila humigpit ang hawak sa manibela dahil biglang naglabasan ang ugat sa mga kamay nito.

"Mag-usap tayo mamaya. Baka marinig tayo ng tiyahin kong paladesisyon lalo pa tayo mapasubo," mahinang wika niya na sapat lang na marinig nito. Pero tila na-bad mood na ito dahil hindi na umimik hanggang nakarating sila sa bahay.

Naabutan nila sa bahay si Andeng na nakaupo sa sala. Pero napakunot ang noo niya ng tila ito tulala at ni hindi napansin ang pagdating nila. Karaniwan kasi rito ay magtatakbo at yayakap sa kanila ng tiyahin niya. Napakamasayahin nito at makulit kung kaya't hindi niya maiwasan ang mag-alala.

"Andeng?" pukaw niya rito. Lumapit siya at pumunta sa harap nito sabay wasiwas ng kamay sa tapat ng mukha nito. Tila doon lang ito natauhan.

"Ate Siening! Kanina pa kayo?" biglang nagpalit ang emosyon nito at pinasigla ang boses. Pero ramdam niya may kakaiba rito.

"Masama pakiramdam mo, Andengot? Magpahinga ka na muna kaya sa kuwarto," suhestiyon niya. Pero umiling ito at niyakap siya.

"Okay lang ako, Ate! Napagod lang ako sa team building namin. Parang nanakit katawan ko," dagdag reklamo nito habang nakalabi at nakalambitin ang mga kamay sa leeg niya.

Natigilan ito ng mapadako ang tingin kay Arkin pero kumalas ng yakap sa kanya para magmano sa ina nito.

"Sino siya?" tanong nito.

"Siya ang asawa ng Ate Sienne mo. Kaya hindi ka na puwede tumabi sa pagtulog ngayon diyan sa ate mo. Doon ka sa sarili mong kuwarto o sa kuwarto ko," mahabang litanya ni Tiya Alice.

Bumaling sa kanya si Andeng na tila nagtatampo ang mukha. "Asawa? For real, Ate? Eh bakit wala kang kinukwento sa 'kin!" nagpapadyak pa ito habang nagmamarakulyo. "Gusto kita katabi! Kuya, puwede ba ako muna katabi ng Ate Sienne ko?" lingon nito kay Arkin.

Si Arkin naman ay tila nalito ang mukha pero ngumiti naman at tumango. "Walang problema. Pwede naman ako matulog dito sa sofa. Bukas ay kailangan ko rin na lumuwas muna pabalik ng maynila at may mga naiwan akong trabaho," paliwanag nito pero agad nanaman sumingit ang tiyahin niya.

Lumapit ito kay Andeng at marahan na hinila ang patilya ng buhok ng buhok ng anak. "Aray naman, Ma!" reklamo ni Andeng sabay hawak sa patilya.

"Tumigil ka. Mahiya ka naman at bisita natin ang asawa ng Ate mo. Ikaw kaya patulugin ko roon sa labas? Halika na at ng makapagpahinga na ang dalawa na iyan," sambit pa nito bago hinatak si Andeng na parang ayaw pa rin magpaawat kung hindi pa ito hinampas sa braso ng nanay nito.

Naiwan silang dalawa sa sala. "Halika na sa loob." Pagyaya niya rito papunta sa silid niya para makapagpalit ng damit at makapahinga. Alam niyang pagod ito sa malayong biyahe idagdag pa na kinaladkad sila agad ng tiyahin niya sa munisipyo para magpakasal.

T*ngina! Parang ayaw pa mag-sink in sa utak niya ang bagay na iyon. Leche!

Napakunot ang noo niya ng makita niya ang ngisi ni Hitler. "Ano'ng nginingisi-ngisi mo?"

"Hmm, anong gagawin natin sa loob ng kuwarto, Mangku?" biglang naningkit ang mga mata niya ng maintindihan ang kalokohan nito.

"Ang halay talaga ng utak mong talipandas ka!"

Mabilis niya itong sinipa sa binti pero agad itong nakaiwas at hinuli ang beywang niya na mabilis nitong hinapit.

"Huwag mo ko niyayaya ng ganyan, honeymoon pa naman natin ngayon, Mrs. Cordoviz," pabulong na anas nito sa may tainga niya habang yakap siya patalikod. Tila parang may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanya at may paru-parung lumipad sa sikmura niya.

P*nyeta! Bakit nag-eenjoy ako sa kalandian ng talipandas na 'to?!

Pumiksi siya. "Bibitiwan mo ko o babangasan ko mukha mo?!"

V Queens Series: #3 LARKSPUR (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon