Chapter 1

222 14 11
                                    

Click!

Malakas na tunog iyon ng keyboard ng computer niya matapos pindutin ang enter. Kung ano-ano na lang ang kinakalikot niya sa computer sa tindi ng boredom niya.

Inabot niya ang bote ng milktea sa tabi niya at mabilis na sumipsip mula roon habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa monitor.

May mga sites siya na sinusubukan i-configure ang firewall. Nacha-challenge siya kapag nahihirapan siyang pasukin ang site ng mga ito. Ngayon naman ay pinapasok niya ang database ng isang sikat na condominium sa Pilipinas. Mga elite lang kasi ang nakaka-afford ng bayad sa bawat isang unit dito.

Napangiti siya ng ma-access ito. "Alright! So what do we have here?" pagkausap niya sa sarili. Besides, wala naman talaga siyang choice kung hindi kausapin ang sarili dahil wala naman siyang kasama sa unit niya. Kung hindi niya pa gagawin iyon ay mapapanis talaga ang laway niya!

Nagpatuloy ang pagpindot niya sa keyboard habang nilalaro ang mga letra at numero sa keyboard niya.

Siya si Sienne Prieto, isang Vigilante. Miyembro ng V Queens na may codename na Larkspur na hinango sa isang poisonous flower. Search n'yo na lang, may google naman. Char! Isa siyang professional hacker at computer wizard. Kahit ang pinakamatinding firewall yata ay kaya niyang pasukin.

Napaangat ang tingin ni Larkspur sa wall clock ng computer station niya. Alas dos ng madaling araw. Madalas umaga na siya natutulog at sa gabi gising.

Abala siya sa pag-scroll ng database ng condominium hanggang makita niya ang mga cctv record ng bawat unit. Naintriga siya. Para pala itong bahay ni big brother na may cctv sa loob ng bahay.

"Paano na lang kapag may nagchuchukchak dito? Edi nakakapanood ng live show palagi ang controller ng cctv? Bongga!" sambit niya habang isa-isang tinitignan ang mga video links.

May mga reel time recording videos din at doon siya tumuon.

Sakto pagpindot niya sa link ng isang unit ay agad napukaw ang atensyon niya. Nakatutok ang camera sa isang pinto na biglang bumukas at may lumabas na isang bulto.

Hindi niya pa maaninag agad ang mukha nito pero sigurado siya na matangkad ito dahil halos maabot na nito ang taas ng pinto.

Napalunok siya at nahablot ng wala sa oras ang milktea sa gilid niya at napasipsip doon ng mapagtanto na nakatapis lang ito ng tuwalya at mukhang banyo ang pinanggalingan nito na pinto. Halatang basa pa ang katawan nito dahil tila nangingintab ang katawan lalo na ang malapad na dibdib nito at abs. Bumaba pa ang mga mata niya  sa tuwalya na nakatapis dito at napako ang tingin sa nakaumbok mula roon.

Bigla siyang nasamid dahil napalakas yata ang paghigop niya sa milktea at bumara sa lalamunan niya ang black pearl.

"Pusang gala naman!" sambit niya habang maluha-luha mula sa pagkasamid.

"Infairness! Ang laki!" natatawa na naiiling na lang siya sa kahalayan niya at muling tinuon ang pansin sa lalaking mas masarap pa higupin kaysa milktea.

Pinag-aralan niya ang mukha nito. Kahit medyo madilim at hindi ganoon kalinaw ang cctv ay maaninag ang magandang mukha nito. Pero tila suplado ito at seryoso.

"Sabagay, alangan naman na ngumiti-ngiti iyan mag-isa ano po? Mas nakakatakot iyon," bulong niya bilang depensa sa naunang impresyon niya rito.

Ang mga kilay nito ay bumagay sa prominenteng ilong at hugis pusong labi. Napakurap siya ng mapadako ang tingin niya sa mga mata nito. Hindi niya makita ang totoong kulay nito pero tila ang mga mata nito at paraan ng pagtingin ang nagbibigay  ng supladong impresyon dito.

Napakurap siya ng biglang tumingin ito ng direkta sa cctv. Napaatras pa siya mula sa pagkakaupo sa gaming chair at napahugot ng hinga. Pakiramdam niya ay direktang nakatitig ito sa kaniya, at tila tumatagos ang titig nito hanggang kaluluwa niya.

Lalo siyang nataranta ng makita ang paglapit nito sa gawi ng cctv habang nakatitig pa rin ito dito. Nakakunot na ang noo nito pero doon na niya mas malinaw na nakita ang mukha nito.

"Sh*t! Ang guwapo!" nabulalas niya sabay muling lumapit sa monitor at ipinatong sa table ang mga kamay para makita ito ng malapitan.

Pero naapawang ang labi niya ng hawakan nito ang tila kinaroroonan ng cctv dahil gumalaw ito sabay yumuko at diretsang pumindot sa computer.

"Pusang gala! Sh*t! Sh*t!" sunod-sunod na mura niya at nagkukumahog na nag-exit. Mabilis siyang tumipa sa keyboard para makalabas sa site at hinihingal na napasandal sa upuan habang sapo ang dibdib.

"Whew! Kinabahan ako roon ah?! But that was fun!" wika niya sabay hampas ng mga kamay sa armchair. Umahon na siya mula sa upuan ng may ngiti sa labi at nagligpit ng mga pinagkainan niya na nakakalat doon bago lumabas.

Tila tumatak sa isip niya ang imahe ng lalaking iyon na nakatapis ng tuwalya. Kung pwede nga lang na ipaprint niya iyon mula sa utak niya baka ginawa na niya. Iyong kasing laki ng life-size pa!

Umiiling siya na natatawa. Pinagpapantasyahan niya ang lalaking mukhang anghel pero parang si Kamatayan kung makatingin.

Mabilis siyang nagpalit ng cotton oversized shirt at nagsuot ng boyleg underwear. Mas kumportable kasi at presko ang ganito para sa kaniya kapag matutulog.

Agad niyang ibinagsak ang katawan sa kama niya at sinilip ang cellphone. Doon niya lang nakita ang mensahe ng Tiya Alice niya at panandaliang nawala sa isip ang lalaking nakatapis ng tuwalya.

Ulila na siya sa magulang at wala rin siyang kapatid. Ang Tiya niya ang nagpalaki sa kaniya kasama ang anak nito na si Andrea. Mahal na mahal niya ang mga ito dahil sila na lang ang mayroon siya. Ang tanging pamilya niya. Binasa niya ang mensahe nito.

Tiya Alice:
"Sien anak, mag-iingat ka palagi. Delikado na ang panahon ngayon at may gumagalang serial killer. Ugaliin mo ang mag-lock ng pinto. Dumalaw ka minsan at nami-miss ka na namin ni Andeng."

Napangiti siya habang binabasa ang mensahe nito. Kahit kailan ay hindi siya itinuring na iba ng tiyahin niya gayundin ang anak nito na sobrang nakasaundo niya at itinuring na rin na parang kapatid at naging best friend niya pa. Naging madalang na nga lang ang pagkikita nila ng maging miyembro siya ng V Queens dahil kailangan niyang humiwalay ng tirahan para na rin sa kaligtasan at proteksiyon ng mga ito. Hindi alam ng mga ito na naging Vigilante siya, ang pagkakaalam lamang nila ay nagtatarabaho siya bilang isang ordinaryong empleyado sa kumpanya sa maynila.

Ibinaba niya ang cellphone. Mamaya na niya ito rereplayan dahil alanganing oras na. Nagpasya siyang dalawin ang mga ito sa batangas one of these days.

Iginupo na siya ng antok at tuluyan ng nakatulog.

NASA kalagitnaan siya ng pagkahimbing sa tulog ng makarinig ng sunod-sunod na doorbell.

"Urghhh!" ungol niya at itinakip ang unan sa tainga niya. Wala siyang balak bumangon at wala naman siyang ine-expect na bisita.

Muli siyang pumikit para bumalik sa tulog ngunit tila ayaw sumuko ng kung sinomang poncio pilato na nasa labas.

"Grrrrrr!" pupungas-pungas siyang umupo sa kama habang ang mga mata ay kalahating nakapikit.

Muli ay sunod-sunod na doorbell nanaman ang tumunog. "Pusang gala naman oh! Kapag ito talaga hindi importante, babarilin ko 'to eh!" angil niya sabay nagdadabog na bumaba ng kama. Tinignan niya ang orasan at alas onse pa lang ng umaga. Dapat mga alas dos pa siya ng hapon gigising. Badtrip!
Kinusot niya ang mga mata para palisin ang panlalabo nito sabay hikab.

Sumilip siya sa monitor para tignan kung sino ang nasa labas pero bulto ng isang matangkad na lalaki na nakajacket ng itim at nakabaseball cap ang nakita niya. "Sino ito?" mahinang bulong niya.

Nakita niya na muling pumindot sa doorbell ang lalaki. Bumuntong-hininga siya bago inis na binuksan ang pinto. "Ano ba? Maka-doorbell ka akala mo 50/50 na ang buhay mo ah?! Sino ka ba?" angil niya agad pagbukas ng pinto niya.

Naiwan na nakaawang ang labi niya ng tanggalin nito ang sumbrero at makita ng buo ang mukha nito. Inangat ng lalaki ang kamay para ipakita ang chapa nito.

"Arkin Cordoviz, from Intelligence Division." Pagpapakilala nito.

Napalunok siya. 'Anak ng pusang gala! Ito iyong lalaking nakatapis ng tuwalya!'

V Queens Series: #3 LARKSPUR (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon