Parang gusto ko nalang maging hotdog, nakakapagod mag practice. Nakailang ulit ako, there are some parts na pinalitan nila to make it more sexy daw.Wala akong inspiration and motivation, wala si ma'am Javier, hays ang landi ko na talaga.
"Water?" Alok ni Peach, umiling ako. Kahit na gusto kong uminom ayoko. From her tumbler ba naman. I'm laway conscious.
"Mauna na ako, thanks Peach." Tinapik ko ng mahina ang kanyang balikat bago ako tumayo at naunang lumabas
"See you tomorrow babes!" Malanding sabi nito, umirap lang ako na ikinatawa nya.
Si Peach ang tumutulong sa'kin makapag adjust sa DT and take note, sobrang landi ng babaeng yun
Palagi sa'kin nakalingkis at sumiksik kung break time, syempre pinagtutulakan ko yun ang lagkit kaya.
"Hey." Si Athena,
"Hi." Nakangiting sumabay ito sa'kin palabas ng studio,
"Kanina ka pa?" I asked,
"Hindi, sakto lang talagang lumabas ka. Destiny na ata tayong magkita." She chuckle and looked away as her cheeks redden.
I hissed playfully, bakit ba puro babae ang lumalapit sa'kin at lumalandi? Baka para sa babae ako? Chariz
Mas lamang lang ang babaeng nagkakaroon ng lakas na loob kumausap sa'kin.
"This is your car?" I asked, kaya tumango naman ito. "Right then, see you tomorrow." Ginulo ko ang buhok nito bago sya pinagbuksan ng pinto.
Sumandal muna ako sa kotse ko habang tinataw ang kotse nyang papalayo, bumusina muna ito bago tuluyang malakabas ng school.
Napaigtad ako sa malakas na pagbagsak ng pinto ng sasakyan only to see ma'am Javier checking her tires aggressively.
My lips automatically formed into a smirk, "Need a hand?"
"No."
"Looks like you need it tho." I crossed my arms and checked her out, I mean her tires.
Bakit kaya wala si ma'am nung nag practice kami? Hindi ba't isa roon si ma'am sa nagtuturo?
I faked a cough para makuha ang attention ni ma'am which I succeed, ngumiti ako ng matamis when she glared at me, "I'll let someone fix your car ma'am, hatid nalang po kita."
"No." Ouch, rejection!
"Why?" Sumimangot ako,
"Tara na ma'am.." Pangungumbinsi ko, "Hindi naman po masama ang tumanggap ng tulong."
"Ayoko." She said in a monotone and there's finality in it
I sighed, hindi na ako magpupumilit pa at baka pumayag. I snicker at the thought of it. Tinignan nya ako ng masama, but I just winked at her.
"Franz." Sabay kaming napalingon kay Clyde napapalapit sa'min.
Tumango lang ako sa kanya at binalik ang walang emosyon kong mukha.
"I was just wondering if pwede kang.. ano.." Napakamot ito sa batok nya, tumaas ang dalawa kong kilay,
"Are you free tonight? Dinner tayo?" He chuckled awkwardly,
"Hmm," Napaisip ako, wala naman sigurong masama if papayag ako no? Yeah, right.
"O—
"Unfortunately she's not." Gulat akong napalingon kay ma'am at mas nagulat ako nung pumasok ito sa kotse ko ng walang pasabi.
BINABASA MO ANG
Let Me
RomanceMikylla Franz Garcié is untouchable and hard to reach. She's not allowed to be touched not unless she gave you permission. You will face wrath when you dare to. But she's exceptional. Her professor. ~ -Taglish- This is gxg story, if you're uncomfo...