Chapter 26

4.8K 192 16
                                    

Para kaming mga zombie na naglalakad patungo sa classroom. Parang tanga kasi 'tong si Alex! Hindi nagpapatalo at gustong mag bar para daw icelebrate ang pagkakapanalo namin ng champion.

Yup. Nanalo kami at tagumpay na naiuwi 'yong trophy. Excited na rin ako dahil nangako sila ng three days two nights vacation for us dancers dahil nanalo kami.

I'm looking forward to spend time with ma'am Javier lalo na't wala si Athena sa mga araw na yon.

My eyebrows raised as soon as we entered the room. Athena is back, nakaupo na ito sa tabi ng upuan ko just like before parente lang ito nakaupo while reading her book. I didn't mind it nalang since wala naman akong hinanakit sakanya.

Diretso akong umupo at inangat ang tingin dahil may wall clock sa taas ng board, may 15 minutes pa ako.

Nang makaupo si Dos ay agad kong hinilig ang ulo ko sa balikat nito, he rested his head on top of mine.

I felt a budge on my arm pero hindi ko 'yon pinansin

My headache.. Lalong sasakit kung mapuputol ang tulog ko!

"Franz," Rinig kong bulong ni Dos.

Napaupo ako ng maayos dahil biglang may bumagsak na kung ano sa harap. Bumilis ang tibok ng puso ko bang magtama ang mga mata namin ng professor ko, her eyes were shooting daggers.

"Sorry po." Yumuko ako dahil sa kahihiyan at takot. Kasalanan 'to ni Alex humanda talaga s'ya sa'kin!

Damn, kala ko sa sakit ng ulo ako mamatay sa kaba lang pala,

"Take off your sunglasses and listen to my class Garcié." Malamig na saad nito,

Napalunok ako ng maraming beses. I am battling myself wether to take it off or not. I was drunk last night tapos umiyak, mukhang nag nagdrama talaga ako non dahil namamaga ang mata ko talaga. I don't know kung ano yung reason dahil nakalimutan ko at hindi naman ako nalalasing sadyang naparami lang talaga ang nainom ko kagabi may demonyo kasi eh.

Kakainom ko lang tapos ako na ulit. Dinaya ata ako nila ah?

Dahan dahan kong inalis ang salamin ngunit nanatili akong nakatingin sa sahig. Grabe ang kintab pala ng sahig, alagang alaga.

Ramdam ko ang titig ni ma'am sa'kin na para bang sinusuri ang mukha ko, takte. Crush n'ya na ba ako kaya nya ako hinalikan?

Naalala ko nanaman yung huling pag uusap namin sa condo ko

Maya maya pa nag umpisa na ito sa pagdidiscuss at para akong timang na hindi makaintindi sa sinasabi n'ya at tila bang nabingi dahil nakabuka at sumasarado ang bibig nito pero wala akong marinig.

The way her lips moves, God. Naalala ko ang kung paano kalambot ang labi nya. Damn.. I want to feel her lips against mine again.

"Garcié"

Para akong lumulutang, grabe.. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi nito sa akin.

Nakakarupok masyado. That was the most genuine smile, the smile that can melt all my insides and turn my world upside down. Her touch that can make my knees tremble.. Her scent that can lose my sanity. Her voice that can ease all my worries. Her existence.. My source of happiness, my strength and weakness. My Solace.

"Garcié!"

Yes, I love her. I won't deny it anymore. I am willing to go against all the odds, kahit kapalit pa ang lahat ng meron ako sa isang walang kasiguraduhan. Kahit isang motibo lang, panghahawakan ko iyon.

But I don't care anymore. It's her fault! Yes kasalanan n'ya! O di kaya kasalanan ng parents n'ya at gumawa sila ng isang napakagandang nilalang na tulad n'ya,

Let Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon