Chapter 19

4.7K 165 73
                                    


~

Late na akong nagising dahil sa pills at nabasa ko na din ang text na binilin nila sa'kin na sa canteen nalang daw dumeretso.

Nang makapasok ako ng canteen ay nakita ko kaagad si Cole at mga kaibigan ko. Pagkaupo ko hinilig ko ang ulo sa upuan at pumikit.

"You okay?" Rinig kong tanong ni Cole.

"I'm hungry." I pouted, kaya agad na naglabas ng sandwich sina Dos, Fred at Sam.

Natawa ako pati na ang mga kasama namin, btw complete sila dito ngayon. Si ma'am Javier lang ang wala, oo pati sina Zai nandito rin.

"Grabe wala ba may gustong umalok sa'kin d'yan?" Natatawang saad ni Zai kaya agad naman binaling ni Sam si Zai at inabot ang sandwich, namula ang mukha ni Zai. Ows

"Pangit ang sandwich nila, babe. Ito nalang ang kainin mo." Alok sa'kin ni Peach ng carbonara na kakabili n'ya lang.

Iyon ang tinanggap ko, pero bago ko pa man iyon kainin ay naunang kumuha si Sam at sinubo iyon.

"Hoy, Henmi, kay Franz binigay 'yan hindi sa'yo. Kaloka ka!" Inis na sigaw ni Peach, pero hindi ito pinansin ni Sam,

Tumango si Sam sa'kin at inabot ang bagong tinidor, saka ko nilantak ang pagkain. Nagutom ako, hindi pa kasi ako kumain kanina dahil nagmamadali ako.

"Oh. I heard you like milktea." Abot sa'kin ni Cole kaya tumango at nagpasalamat.

Kinuha ko ang straw at tinusok iyon. Sumipsip naman ako ng milktea. Napangiti ako, alagang alaga ako today ah?

"Ano nga pala ginawa n'yo kahapon sa ano.. Sa ano nga 'yon?" Tanong ni Jenna,

"Sa Fantasy room."

"Nagdate." Sagot, ngumisi naman sila at nanunudyo may pa tili pa,

"Magkwento ka dali!"

"Okay naman s'ya kasama. Sabi n'ya maganda daw ako." Wika ko kaya humagalpak naman sila ng tawa,

"Sira ata mata n'ya babe." Sabi ni Peach, umirap ako.

"Lalo na sa malapitan." Dugtong ko, gulat ako sa ginawa ni Harmony! Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko at nilapit sa mukha n'ya,

Hindi agad ako nakagalaw sa gulat.

"Confirmed. Sira ang mata ng kadate mo kahapon. Ang pangit mo." Nang aasar na sabi ni Harmony saka ito lumayo sa akin.

Pumantig ang tenga ko. Nilapit ko ang mukha kay Harmony hanggang sa dumikit ang ilong namin.  I smirked dahil sa panlalaki ng kanyang mata.

"Ngayon mong sabihin na pangit ako." Panghahamon ko sa kanya pero ang bakla ay napalunok lang,

Napalayo ako nang may tumikhim sa likod namin. Napaayos ako ng upo dahil naramdaman ko ang matalim na tingin ni ma'am Javier.

"Uuuuyyy namumula si Harmony. Baliko ka ba?"

"Hoy! Aba nag dedaydream pa!"

Binatukan s'ya ni Peach kaya bumalik ito sa reyalidad at umirap habang namumula pa din ang pisngi.

"Pangit mo!" Sigaw nito at lumayo sa'kin ng ilang dipa kaya napangisi ako pero agad din iyon napalitan ng seryosong mukha dahil kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagbubulungan ng dalawa.

Let Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon