Chapter 3: ELOQUENCE

56 2 2
                                    


Max's POV

Sa buong first week of class wala kaming ginawa kundi mag "Introduce Myself", mag adjust ng schedules, maglista ng requirements for each subjects or hanapin kung saang Classroom dapat kami magklase. It was tiring but it is fun. I can say that this time nagkaroon din ako ng mga classmates na makakavibes ko sa trip. At last nag fit in kami ni Morris. Sobrang bait ng guys, and I never imagined na pati si Cee na gay naming classmate makakavibes ko.

Yes. He's that guy na laging kasama nung girl na galing sa mataas na section.

Kapag dumating kasi yung TLE subject magkaiba ang room at teacher ng guys sa girls.
Electronics yung sa amin, sa kanila baking.

Cee is like a chatting machine, di sya nawawalan ng kwento and this time si Ms. Ibañez naman ang topic nya (since di pa kami close sa mga girl classmates namin bukod kay Cee, the guys called the girls by their last names).

TLE subject namin ngayon, our new teacher provides us a free time since nasa getting to know each other stage pa kami.

"You know what? si Jane sobrang tahimik, kahit mga class discussion di sya nagtataas ng kamay or di man lang magtanong kina Mam or Sir. Talagang nakikinig lang sya. Ang nakakatawa, mapapansin mo na lang na biglang nagtataas ng kilay kapag may nasagot ng mali."

Kwento ni Cee sa amin.

"Baka naman kasi alam nya yung sagot, baka talagang mahiyain lang". Sagot ni Jules.
Isa sya sa una kong naging close since pinakilala sya sa akin ni Cee.

"Hindi din, minsan naiisip ko na nagfefake smile or laugh lang sya sa mga kwento ko eh because she don't want to hurt my feelings or ioffend ako", said Cee.

"Sino bang matutuwa sayo Cee kung walang preno yung bibig mo kakakwento". pangangantyaw ni Jace sabay tawa naming lahat.

Gustong gusto talaga naming pinagtritripan si Cee, he was like the mascot of our class. Hindi naman sya agad nagagalit.

"Pero dudes ingat tayo dyan kay Ibañez, wag tayo papatalo di tayo papayag na matalo nya tayo sa grades", seryosong sabi ni Jace.

"Baka naman magaling lang sya mag English talaga, di naman basehan ang pagiging fluent sa English na matalino ang isang tao, diba?", sabat ni Vance.

Vance Joshua Ilustre, pinakamaliit sa pack, pero sya ang pinakamatapang.

"Sus, Ako na nagsasabe sa inyo, marami na kong nasagap na chika from her old classmates, iba daw ang utak nyan ni Jane, feeling ko kinocontrol nya lang yung sarili nya". Diin ni Cee

"Okay so alam nyo na boys, ha? Iwas muna tayo sa computer shop ngayon, we can't let our guard down malakas ang kalaban", said Jace.

Jackson Keith Rodriguez, or Jace for short. Parang sya ang Alpha sa group ng boys sa class namin. Everyone respects him.

"Ano ba yan, manlilibre pa naman si Phillip mamaya, magDodota kami eh", reklamo ni Jules.

"Naku mukha ka talagang libre Jules, magtigil ka kakastart lang ng school year nag uumpisa ka na naman", sermon ni Cee

"Okay, sabi mo eh, malakas ka sa amin", sagot ni Jules sabay paakmang yayakapin si Cee.

"Eeeew! Layuan mo nga ko! Peste ka! Trip na trip nyo talagang pagtripan ako noh." sabay tulak ni Cee kay Jules

Napuno na naman ng tawanan ang classroom namin.

"Ikaw naman di ka mabiro." Ngiting sabi ni Jules.

Jules Ethan Molina, isa sa mga Joker ng klase.

Falling in Love with You in 16 WordsWhere stories live. Discover now