Chapter 10: Solace

8 0 0
                                    

Max's POV

Ano bang maganda na isuot? This one? Eto? Sh*t! ano bang isusuot ko! Chill lang Max, hindi mo kailangang magpanic. I took a deep breath para kumalma

Kakatapos lang nang 2nd grading periodical exams. Sa AP magstastart na kami ng group reporting. 

"So class since 3rd grading na mag-umpisa na tayo ng Group reporting. Three person each group. Kayo nang bahala kung sino ang gusto nyong kagrupo. Kapag nakapagdecide na kayo, lumapit kayo sa akin para maibigay ko ung topic na irereport nyo." sabi ni Mam Natolla. kahapon.

I suggested kina Jane at Cee na sa bahay namin na gumawa nang report. It is Saturday, nagsabi ako kay Mommy na magluto ng meryenda. Nagpaluto ako ng Spaghetti, sabi ni Cee favorite ni Jane 'yon. Syempre kailangan kong magpaimpress kay Jane.

Siguro etong favorite Batman shirt na lang ang isuot ko. 

Natapos na kong magbihis when I heard na may nagdoorbell. Baka sila na yon. I look around my room, doon ko lang narealize na hindi pala ako nakapaglinis. Ano ka ba naman Max? Nakakahiya. Sa studio na lang kami maggawa nang report.

Pumasok si Mommy sa kwarto. 

"Max nandyan na yung classmate mong babae, papasukin ko na ba?" sabi nya.

Bigla akong ninerbyos, bakit si Jane lang? Kalma Max, kalma ka lang kaya mo yan.

"Mommy sa studio na lang kami maggagawa nang report. Hindi ako nakapaglinis ng room eh." paalam ko sabay kamot sa ulo.

"Kahit kailan ka talaga Max, sige na papasukin mo na yung classmate mo kanina pa naghihintay yon sa may gate. Tingnan ko muna yung niluluto ko." 

"Thank you, Mommy".

Dali-dali akong pumunta sa may gate. Huminga ako ng malalim at pinagbuksan si Jane.

"Hi Max." bati nya sa akin

She was wearing a sunny yellow shirt and a blue jeans. 

Oh God, please help me. Ang cute pa din nya sa paningin ko kahit sobrang simple ng suot nya.

"Max?" sabi nya

Sh*t, umayos ka nga Maxfield. "Ah sorry pasok ka na Jane, nasaan na nga pala si Cee?" 

"Ah sabi nya mauna na daw ako kasi tinatapos lang nya pinapagawa nang nanay nya." sagot ni Jane

Pumunta na kami sa studio. Binaba ni Jane yung mga bag nya sa sofa, naglabas sya ng isang notebook at typewritings.

"Ano yan Jane?" tanong ko

"Ah nag-research na ako kagabi para hindi na tayo masyadong mahirapan. Isummarize na lang natin bago natin isulat sa Manila paper. Pinabili ko na si Cee ng Manila paper." paliwanag nya

"Talagang well-prepared ka palagi, isa yan sa mga reason why I like you." sabi ko.

"Ha?" she look stunned from what I said.

Maxfield nako po! Talagang ngayon ka pa nadulas!

"Ah... I.. mean na sobrang admirable yung ugali mong yan." palusot ko.

"Ah okay."  

Muntik na ko. Bakit kasi ang torpe torpe ko. Ano ka ba naman Maxfield.

*******

Meg's POV

"Margaise saan ka na naman pupunta? Napapansin ko na napapadalas ang pag alis mo ng weekends o kaya late ka na umuwi tuwing may pasok ka. " Lola said

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling in Love with You in 16 WordsWhere stories live. Discover now