Chapter 7: Truce

35 2 4
                                    

Cee's POV

Ang lamiiiig!  May bagyo ba? Bakit ang lakas ng ulan? Yan ang tanong na tumatakbo sa utak ko simula nang magising ako kaninang umaga. Nasa TLE class kami, nakatingin ako sa labas. Yung room namin eh tapat ng oval (running tracks) na napapalibutan na ngayon ng mga matataas na damo. Kailan kaya nila balak tabasin yan? mamaya gapangin na kami ng ahas dito sa classroom. Lumabas saglit si Mr. Legazpi, maaga namin natapos ung activity na pinapagawa nya kaya eto kami ngayon nakatambay. Napatingin ako sa direksyon where the rest of the boys having their daily meeting while playing chess.

As usual si Jane na naman topic nila. Hay, hanggang kailan ba nila gagawin to? Nagmumuka na silang katawatawa sa ginagawa nila. And you know what's more funny? Tinotolerate lang sila ni Jane, imbes na magalit eh lalo nya pang trinitrigger 'tong mga Kapre na lalaki na 'to. Hindi ba nila alam ung word na "ceasefire" jusko.

"So anong next move natin boss?" sabi ni Jules habang nilipat nya ng pwesto ng kanyang knight.

"Next move, for what?" sagot ni Jace habang sya naman ang tumira.

"I mean kay Jane, alam kong titigil na tayong makipagkumpitensya sa kanya pero diba we'll play tricks on her na?" pagklaro ni Jules

An*k talaga ng tipaklong 'tong Jules na 'to, napakagaling manggatong. Dapat ata ako na ang gumawa ng paraan para matigil na 'tong kabaliwan ng tropa at ni Jane. Sawang-sawa na ko manood ng Discovery Channel everyday na ang topic eh Wolves vs Tiger.

"Hmm, wala ako maisip, baka kayo meron." sagot ni Jace

Cee think, my beautiful mind, mag isip ka ng magandang way para matapos na 'tong feud na to. They look so pathetic na. Eureka! this will work, ibahin natin topic, hahaha.

Lumapit ako at pilit na pinagsisiksikan ang sarili ko sa pagitan nila.

"Guys, so bago kayo mag-isip ng ibang way para makaganti kay Jane, bakit di natin pag usapan kung sino ang crush nyo sa classmates natin?" 

Auto-silent sila hahaha. Sabi na nga ba, boys are boys, pagdating sa crush tameme agad.

"Ano? snobbers? Sino nga kasi?" pilit kong tanong sa kanila.

"May dapat ba kaming crush sa kanila?" sarcastic na sagot ni Jace.

As usual sa pinuno ng mga kapre. Nako po! 

"Oo nga Cee, may lelevel ba sa kagwapuhan namin?" dagdag ni Jules

Liars. Nek-nek nyo kilala ko kayong lahat, wala kayong maloloko. Ano pala yung pagtahimik nyo kanina?

"Ano so talagang gwapong-gwapo kayo sa sarili nyo?" inis kong sabi sabay irap sa kanila.

Sabay-sabay silang nagtawanan.

"Sino nga kasi? nahiya pa kayo, jusko. Okay ibahin ko na lang ang tanong, kanino kayo nagagandahan or sino na lang sa tingin nyo ang okay sa standards nyo? di ko sinasabing crush nyo agad ha. So sino?" kukulitin ko kayo hanggang sa magsawa kayo sa topic kung paano pagtritripan si Jane.

"Kung sa looks okay si Christine at Courtney?" sagot ni Jake.

"Siguro? pero di naman dapat na puro looks lang, di'ba?" may puntong sagot ni Jace

"Oo nga, masyadong high-maintenance pag sobrang ganda." dagdag ni Vance.

Yan minsan naman maiba kayo ng topic. This is for you Jane, my friend.

"What about Jillian? Yung isa mo pang laging kasama Cee." sabi ni Phillip

"Oo nga, Cee yung nakasalamin, she's cute." dagdag ni Jake

Falling in Love with You in 16 WordsWhere stories live. Discover now