Chapter 8: Mellifluous

28 1 0
                                    

Max's POV

Should I forget her?

Yan ang tanong na gumugulo sa akin after that conversation with Vaughn. Nasa backstage ako preparing to perform. Kasama ko si Morris ngayon dito sa paband explosion ni Mayor at ng SK. Yung stage eh is located in the middle of the park sa harap ng municipal hall. Our band will play after our school dance club performance.

It's been 2 weeks nung magbati ang tropa at si Jane. Naging close na sya sa amin. The guys always ask for help from her kapag nahihirapan sila sa ibang assignments or magreview at ganun din naman kami sa kanya, we help her too. We found out that she was not really good in numbers so talagang nag-eeffort syang makinig mabuti sa Geometry class, buti na lang medyo okay ang tropa sa Math. She was very kind and down-to-earth. Hindi sya nagyayabang, lalo ng madulas at makwento ni Cee about sa kanyang past, top student pala sya mula nung bata pa sya. We looked at her in amazement and she was like "What? Ah yun ba, wala yon medyo maganda lang talaga memory ko noon, change topic please."

Hindi sya yung tipo na magagalit at mag iinarte everytime the boys play a prank or joke on her. Instead, she will also play a prank on us as revenge. Sa huli, magtatawanan na lang kami lahat sa mga kalokohan namin.

Sa paglipas ng mga araw, I think we accepted her as one of us. We really like her and everyone feels its fun for us to have her around. Alam naming ganun din sya, she look at us as kapatid, katropa. Pero bat ganon hindi ako kuntento? Cee formally introduced her to me, nung manghiram sila ng scissors sa Chem for the activity on that time.

"Jane this is Max, classmate natin. Max kilala mo naman 'to di'ba? si Jane nga pala. Shake hands kayo." sabi ni Cee on that time.

"Ikaw Cee puro ka kalokohan, malamang kilala ko na sya. Almost three months na tayong magkaklase. Hi Max, pwede pahiram kami ng gunting ni Cee, hirap kapartner nito eh, laging may kinakalimutan puro boys kasi inaatupag." pang aasar nya kay Cee.

"Hoy Jane ikaw mapanira ka talaga!" inis na sabi ni Cee

She just laughed playfully in response.

Nung time na yon parang huminto ang oras. I just watched her. Anong meron sa'yo at sobrang attracted ako?

"Huy Max, anuney, nasaan na yung gunting?" paggising sa akin ni Cee

Naurong ata ang dila ko at nagstammer na naman ako. I lose the chance again na magpakita na cool ako sa harap ni Jane.

"Ah..eh..ah yung gu-unting.. eto oh, here." as I handed the scissors to Cee

"See I told you mabait 'tong si Max eh, and most of all lagi pang nanlilibre next time magpalibre tayo, 'di ba Max?"

Thank you Cee, salamat sa pagpapabango ng name ko.

"Sure next time libre ko kayo, kahit ano or kung gusto nyo punta kayo sa bahay to hang out?" aya ko sa kanila.

"Ayown! punta tayo Jane ha?"

"Thank you Max, next time pag may time, sama natin tropa? It will be fun." sagot ni Jane.

No, no gusto kayo lang ni Cee. Pagsumama sila Jace di mo ko papansinin lalo. I want to know more about you, I want us to be closer.

"Okay." malungkot ko na lang na pag-agree.

So hanggang tropa lang talaga tingin mo sa akin? Hindi ka ba talaga interesado sa akin? I think you never see me as a man.

Max wala ka namang magagawa kung hindi ka type ni Jane. Max, please magfocus ka na lang sa performance mo ngayon.

Napagbuntong hininga na lang ako. Siguro time na para sumuko, I need to find a way para ma-divert yung attention ko sa ibang bagay.

Falling in Love with You in 16 WordsWhere stories live. Discover now