02

0 0 0
                                    

"Ma, alis na po ako." hinintay ko lang si mommy makababa ng living room para magpaalam na papasok na ko. Tinignan nya lang ako habang nag-aayos ng hikaw.




"Alright? Alliasar! Let's go!" anya nang hindi ako tinitignan. Huminga na lang ako ng malalim. Tama nga yung sinabi ni Vincent, baka double lang stress nila kaya di nila ako napapansin.




"Here's your allowance." bigay sakin ni Dad. Kinuha ko lang yon at nilagay sa bag sabay alis na.




Nang makarating ako ng school, nakasalubong ko sila Miles at Hailey. Sinalubong din naman nila ako kaagad sabay bungad ng bagong chismis. Lagi silang may pinag-uusapan na kahit ano, nakiki-oo lang ako dahil wala rin naman akong masabi.




"Hi Alice! You know what, may bagong chismis. Danna and Ford broke up."




"O-okay? What do you want me to do? Put them back together?" pabiro kong sabi sa kanila. Natawa naman si Miles samantalang si Hailey tumingin sakin sabay iwas.



"You know Alice? Pasalamat ka kaibigan kita, kundi kalbo kana ngayon."


Tumawa ako and hug her both shoulders, ipinatong ko rin yung ulo ko sa balikat nya. "Joke lang. Ito naman."


"You know, tama na rin yon. Kasi feeling nila eh ang daming kinikilig sa kanila. Ang cringe kaya, yuck?" Umirap si Miles. Itong dalawang 'to ang lakas makasagap ng balita.




"That's right, kaya ayokong magkalovelife. Kaya ikaw, Alice. Layo-layuan mo na yang si Vincent. Pusta ko, may gusto yan sayo." turo ni Hailey ng isang pirasong fries sakin. Kumakain na naman kasi sya, lagi syang may dalang pagkain.




"Why? Best friend ko yon over a year na. Tsaka, sabi nya, kung nagsettle sa friends hanggang dun lang daw, ganon rin naman ako. Tsaka ayokong sirain ang friendship at piliin ang pagiging lovers no." tumango ako. Kukuha rin sana ako ng pagkain ni Hailey nang paluin nya yung kamay ko.



"Damot."




"Anak ng CEO, nanghihingi ng fries. Haynako. Pero sige, yan na. Baka di ka na naman nagalmusal." bigay nya sa pagkain nya sakin. Hindi pa naman nag-uumpisa yung klase kaya nagkukwentuhan muna kami dito.




"Nag-breakfast ka ba?" paglilinaw nila. Umiling kaagad ako habang sinisimot yung paper bag na lalagyan ng fries.




"What? Sabi nga nila breakfast is the important meal of the day? Bakit ka nagskip?" tanong ni Hailey habang nilalakihan pa ko ng mata.



"Alam nyo naman yung sitwasyon ko eh. Wala akong kasabay. Tsaka hayaan nyo na, mabubuhay naman ako ng hindi nag-aalmusal—"



Sabay sabay kaming nagtinginan sa nagpatong ng isang malaking paperbag sa mesa ko. Agad kong nilingon kung sino.



"Eat. Don't skip meals. Sabihin mo kung kulang, I'll buy you more." sabi ni Vincent habang nakapamulsa, nginitian nya muna sila Hailey at Miles bago maglakad paalis.




"What is that." binuksan kaagad ni Hailey yung paper bag. Ano pa bang aasahan mo sa food is life?




"Nako, Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Wag mo na pala layuan si Vincent. Ikaw na lumapit." sabi nya sabay kagat ng burger.




"Girl, pagkain ni Alice yan." Natatawang pigil ni Miles kay Hailey. Pero pinigilan ko rin sya.



"No it's fine. N-ngayon may kasabay akong kumain. Kuha ka Miles." ngumiti ako ng pilit. Hindi ako nakapag-pasalamat dun kay tukmol.







ALICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon