04

1 0 0
                                    

"Ma, papasok na po ako." sambit ko sa pinto ng kwarto ni mommy, kahit alam ko namang walang sasagot. Nakasalubong ko si Dad, tinignan nya lang ako pagkatapos ay dumeretso sa pinto ng office.






"Alice." tawag sakin ni Kuya. Tinignan ko lang sya. Lumapit sya sakin at tsaka may binigay.





"Here. Don't tell mom. You can buy anything you want." ngumiti sya habang iniaabot sakin yung bagong atm card. Pero tinabig ko yon.








"Hindi yan yung kailangan ko Kuya, pero salamat. Alis na ko." usal ko at tumalikod na para lumakad paalis pero nagsalita ulit sya.





"Later, I'll wait for you here. May pupuntahan tayo." anya at tsaka umalis.






Tumango lang ako at pumasok na. Nakasalubong ko sila Hailey at Miles sa daan. "Girl, here's the tea. Alam mo ba?"






"Uh, hindi pa." ngumiti ako ng pilit.









"Hays." singhal ni Hailey. "Malamang, sasabihin ko pa lang eh. Ito na nga, si Ford, nagdrop out."










"Ha?" gulat kong sagot sa kanya. Nagdrop out?










"Oo, at usap usapan, na kagagawan ni Vincent. Ang lakas ng bestfriend mo na friend din namin. Anyways, nagbreakfast ka ba? Nagdinner kagabi?"








"Ah, o-oo naman." tumawa ako ng pilit pero biglang tumunog ang tiyan ko. Kinagat ko yung labi ko dahil hindi man lang nakisama.

"Ayan, sinungaling. Tara. Maaga pa naman." hinila nila ako papunta ng canteen. Sila na rin bumili ng kakainin ko. Nakahanap na kami ng upuan at sabay-sabay na kumain, ako na rin ang nagbayad ng kakainin namin. Matagal na nilang ginagawa sakin 'to. Pati si Vincent. Alam kasi nila yung mga kinukwento ko tungkol sa pamilya ko eh.

"Pero, paano nyo nalaman na nagdrop out, tapos si Vincent may gawa?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kalat na kasi dito girl. Mamaya, ikaw na mismo ang magtanong." tumango na lang ako. Nang matapos kaming kumain at palabas na sana ng canteen, nang merong humarang sa dinadaanan namin.

"Oh? Kailangan mo? Wala na dito yung boyfriend mong lakas makabest actor sa aktingan. Bakit nandito ka?" mataray na tanong ni Hailey kay Danna. Pag talaga away, malakas talaga tong si Hailey. Yung lalabas sa bibig nya, tipong madedepress ka.


"Gusto ko lang magsorry. Yung tungkol sa nangyari kahapon, kalimutan mo na lang. Ayos na rin na wala si Ford. Di ko na pipilitin. Sorry ulit." ngumiti si Danna ng pilit.

"Girl, that jerk is not worth it. You can find another man naman." tinapik ni Miles ng mahina si Danna sa balikat.

"Of course. Sorry ulit. Una na ko." yumuko si Danna paalis sa harapan namin.

"Alam mo? Buti na lang, she's nice. Kundi nakalbo ko sya kahapon." sambit ni Hailey habang nakatingin kay Danna na naglalakad palayo.

"Hailey, let's go. Nagsorry na nga yung tao." sermon ni Miles sa kanya habang pabalik kami ng room.

Nang makabalik kami, wala pa yung prof kaya nagkukwentuhan muna kami.

"Gusto kong bilhin yung dress na nakita ko sa mall nung isang araw. Kaso ang mahal. At alam mo ba, nag-iisang design lang yon. Wala nang katulad!" tuwang tuwang sabi ni Hailey with matching action pa.

"Sure ako, mahal yan." ani Miles.

"Girl, isang taong allowance ko na yon. Baka nga two years pa eh."

ALICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon