03

2 0 0
                                    

Naghintay ako dito sa park kung saan sinabi ni Vincent. Dito kami umupo kahapon sa bench na to habang nagpapalipas ng oras.







Binuksan ko ang cellphone ko at chinat sya. Sinabi ko na nandito na ko. Sineen naman nya kaagad, pero ilang minuto walang reply. Maya-maya offline na sya.








"Ang bilis magseen, hindi man lang nagreply? Aba." sabi ko sa sarili ko. Di man lang nagsabi ng 'Okay?' apat na letra lang naman ang itatype nya sa keyboard.








"Tara, san mo ba gusto—"








"Susmaryosep! Jusko." humawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Bigla biglang sumusulpot itong tukmol.







"Bakit? Sorry." tumawa sya.







"Bat ang bilis mo? Kamag-anak mo ba si The Flash?" umirap ako sa kanya. Nakahoodie lang sya na black, pants at sneakers.








"Actually kanina pa ko nandito. Kaso nagikot ikot muna ako. Kanina ko pa inaantay chat mo kaya nagpunta kaagad ako dito." ngumiti sya.








"Bat hindi mo sinabi?! Naghintay ka pa tuloy ng matagal." umiling ako.








"Ayos lang naman. Alam ko kasi strikto parents mo kaya hindi kita sinusundo kahit gusto ko." tumawa sya ng mahina. "Ano? Tara na?"








"Sige. Pero yung magagastos, hati na lang tayo? May dala akong per—"








"Hindi. Ako nagsabi na itetreat kita. Sagot ko lahat, sabihin mo lang gusto mo." ngumiti sya.







"Hindi, mag-aambag ako."








"Wag na."








"Mag-aambag nga eh."








"Wag na nga."








"Bakit ang kulit mo?"








"Ikaw ang makulit."







"Mag-aambag na ko. Final na, wala nang bawian—"








"Ako magbabayad. Kung gusto mo mag-ambag, panggas na lang ng kotse ko." Tumaas baba ang kilay nya at inilahad sakin yung palad.







"Aba? Sagot ko? Y-yung panggas mo? Pumunta punta ka dito, wala kang panggas? Magkano ba?"








"Limang libo."








"Anak ka ng nanay mo. Bakit limang libo?" gulat kong tanong. Pati ba gulong kasama?








"Mahal gas ngayon, tsaka ihahatid naman kita sa mansion nyo. Ayos ba?"







Huminga ako ng malalim. Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng limang libo. Inihampas ko yun sa kamay nya ng may sama ng loob.







"Teka, mukhang galit naman ata. Bawal sumakay sa baby ko yung ganyan. Nagdadala ka ng malas."








Tinignan ko sya. "Anong malas? Ito na nga eh." nagpilit ako ng ngiti sabay irap sa kanya.







Nakakainis yung pagmumukha nya. Pasalamat sya, sya yung manlilibre.













Nagpunta muna kami ng mall, dala nya ang kotse nya. Pinarking nya muna sandali tsaka kami pumasok sa loob.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon