05

0 0 0
                                    

Nasa kwarto lang akong nakakulong buong araw. Wala kaming pasok ngayon kaya uubusin ko na lang yung oras ko dito sa kwarto habang nakatingin sa kisame, iniisip kung gusto ko pa bang ipagpatuloy yung buhay ko o hindi na.






Syempre itutuloy pa.






Habang nakahiga ako, tumunog ang cellphone ko. Notification galing kay Kuya sa Instagram. Nakita ko yung post nya. Nasa mamahaling restaurant sila at magkakatabi sila ng upuan.






Hindi man lang ako isinama?






Busy pa ko sa kakatitig sa litrato nila nang tumawag si Vincent. Sinagot ko yon kaagad at bumangon sa pagkakahiga.




[Hoy panget, gawa mo?] tanong nya.




"Wala, bakit?" walang gana kong sagot.






[Wala, alis sana tayo. Parang lugmok ka dyan sa bahay nyo.] anya.






"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya dahil parang nagmamaneho sya.







[Saan mo ba gusto?—]






"Alice, let's eat." tawag ni kuya galing sa pinto. Nagulat ako dahil sa bigla nyang pag tawag. Hindi ba sya marunong kumatok?






"Busog pa ko kuya." usal ko.






[Kuya mo? Di mo sinabi may Kuya ka pala, strikto ba yan?]




"Sabay na tayo—"






"Hindi." sagot ko kay Vincent.






"Alice. I'll confiscate your phone—"






"Bye!" paalam ko kay Vincent at tumayo para sumunod kay Kuya. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami ng dining area.







"Sit down." utos nya kaya tumango kaagad ako at umupo. Nakakatakot sya ngayon, kaya wala akong magawa kundi maging sunod-sunuran.






Nakahain na sa mesa yung mga pagkain. Dalawa lang kami ni Kuya na nakaupo rito, wala sila Mom at Dad. Nasanay na rin ako sa ganito, yung palagi silang wala. Buti namamanage pa ni Kuya na asikasuhin ako dito.






"About yesterday—"






"Ayos na Kuya. W-wag kana magsorry." nakangiwi ako habang pilit na tumatawa.





Nakahanda sa harapan ko yung paborito kong almusal. Sunnyside up at corned beef. Pero hindi ko magawang galawin.






"What's wrong?" tanong nya nang mapansing nakatitig lang ako sa mga pagkain at hindi kumukuha.






"Wala naman kuya. B-busog pa kasi ako." humawak ako sa tiyan ko.






"Liar. Hindi ka pa kumakain." seryoso nyang usal, tsaka nya kinuha ang plato ko at pinuno ng pagkain. Naglagay din sya ng pancake sa gilid.






"Ubusin mo yan." aniya kaya pinilit ko na lang yung sarili kong kumain.





Nang maubos, pinunasan ko ng napkin yung bibig ko tsaka lumakad paalis. Hindi sa pagiging ilap kay Kuya pero ayoko lang talaga ng kausap. Deserve ko rin ng me time.






Hindi na ko tinawag ni Kuya kaya bumalik na ko sa kwarto ko. Nakita kong nagtext si Vincent kaya binuksan ko kaagad.






12 unread messages.


ALICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon