"Ma! I got an A+ grade!" I shouted as I went home. Excited akong sabihin kay mama dahil ineexpect kong matutuwa sya pero walang reaksyon ang mukha nya habang pumipirma sa mga papeles. Mas inuuna nila ang pagtatrabaho kaysa icongratulate ako. Ngumiti pa rin ako ng pilit habang hawak ang test paper ko na kabibigay lang kanina.
"Can you repeat? I didn't hear you." She asked.
"I said I got an A+ grade ma. Gusto ko magcelebra—"
"Yeah right. Congratulations, now please leave. I have so many things to do." sambit nya na hindi man lang ako tinitignan. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at hindi namalayan na nagusot na ang papel dahil sa higpit ng hawak ko. Inayos ko ulit nang hindi nagsasalitang lumabas sa office ng mama ko. May opisina sya rito sa bahay, agad akong pumunta para sabihin yung magandang balita pero mukhang wala namang natuwa.
Nagpalit lang ako ng damit sandali sa kwarto, pero lumabas din naman ako kaagad. Kahit naman saan ako pumunta wala silang pakialam kaya sinamantala ko na.
Pumunta ako sa convenient store para bumili ng makakain. Pagkatapos kong mabayaran ay agad akong naglakad lakad. Hapon pa lang at sobrang stress ang naranasan ko ngayong linggo dahil hell week. Ito lang yung paraan ko para kahit papaano makalanghap ng sariwang hangin.
Kumakain ako habang naglalakad, nililingon ko rin yung paligid ko. Puro rin puno kaya sobrang sarap ng hangin. Biglang nagring yung cellphone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ko at sinagot.
[Hindi ka man lang nag aayang kumain.] bungad ni Vincent, best friend ko. Matagal na kaming magkaibigan, may isa't kalahating taon na rin.
"Ha? Sinasabi mo?"
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa, pati paglalakad nya rinig sa linya. Pano nya nalaman na kumakain ako?
Niligid ko yung paningin ko, pero wala akong Vincent na nakita. Tumawa ulit sya pero sa pagkakataon na 'to, naiinis na ko. Bakit ba sya tawa ng tawa?
"Nakakabwiset ka ah. Pinagtitripan mo ba ko?"
[Chill ka lang, lumingon ka kasi dito sa likod.] Agad kong sinunod yung sinabi nya. Pero wala pa rin sya. Tumawa na naman sya, kaya pakiramdam ko uusok na yung ilong ko sa inis.
"Gago ka ba?"
[Medyo lang. Uto uto ka eh.]
Huminga ako ng malalim para kalmahin yung sarili. Agad kong pinatay yung tawag. Pati cellphone ko pinatay ko. Minsan na nga lang makapamasyal mag isa, may epal pang magpapapansin.
Maya-maya may biglang kumuha ng chichiryang kinakain ko. Tinignan ko kaagad yon. Tinulak ko kaagad sya palayo at inagaw yung pagkain ko.
"Hihingi lang eh." Kalmado nyang usal habang nakatingin sa pagkain ko.
"Hindi mo ba gets yung me time? Bakit nandito ka?" Tanong ko sabay irap sa kanya. Nakakainis talaga tong lalake na 'to kahit kailan.
"Malamang alam ko. Hanggang ngayon pikon ka pa rin? Hays." Umiling sya sabay gulo ng buhok ko. Hinampas ko kaagad yung kamay nya.
"Huwag mong mahawak hawakan buhok ko dito, masasapak kita." Banta ko pero ngumiti lang ang loko.
"Bakit ka pala nandito sa labas? Maggagabi na, wala ka ding kasama. Di ka ba hahanapin?"
