Maaga akong nagising, ni hindi nga ako nakatulog kakaisip dahil kinakabahan ako para kay Vincent.
Tignan ko ang orasan ko, alas sais pa lang ng umaga, hindi pa sumisikat ang araw. Nagdesisyon akong lumabas ng kwarto ko para kumuha ng pagkain. Alam kong tulog pa sila kaya malaya pa kong makukuha yung mga gusto kong kainin.
"Good morning, Miss Alice." bati sakin nung maid. Nginitian ko lang sya at saka tuluyang bumaba. Nakapaa lang ako habang naglalakad kaya walang makakarinig ng paghakbang ko.
Dumeretso ako sa ref at sa mga cabinet para kumuha ng makakain, dahil dun ko na lang kakainin sa kwarto.
"Ya?" tawag ko, habang tumitingin ng makakain sa ref. Pero may nakita akong gatas kaya magcecereals na lang siguro ako.
"Yes, Miss?" lapit nung maid.
"May cereals ba tayo?" tanong ko habang nagkakalikot sa mga cabinet dahil wala akong makitang cereals.
"Wala po miss. Biscuit po?" suhestiyon nya. Pero hindi naman ako mabubusog sa biscuit kaya tumanggi ako tsaka sya umalis. Kumuha na lang ako ng isang basong gatas at natirang ulam kagabi dahil merong tira sa ref. Nang makuha ko lahat ng kailangan ko, unakyat na ako.
Pero hindi pa ko nakakahakbang sa hagdan nang may tumawag sakin. Dahan dahan akong lumingon dahil alam na alam ko kung kaninong boses yon.
"Alice?"
"K-kuya, haha." pilit akong tumawa habang nililingon yung paligid ko. Wag nyang sabihing magsasabay na naman kaming-
"Sit here."
Malas naman!
"Wait? Bakit wala kang slippers? Ya! Get her some slippers." tawag ni Kuya sa maid. Sinunod naman sya kaagad. Umupo na rin ako at nilapag yung pagkain ko.
"Kakainin mo pa yan? Natira na yan kagabi. Tsaka bakit may naglalagay ng tira sa fridge?"
"Chill kuya, p-pwede pa naman 'tong kainin." turo ko sa pagkain ko pero inutusan kaagad ni kuya yung maid na kumuha ng slippers ko na itapon yung pagkain na kinuha ko.
"Kumain ka, pero yung nakahain lang dito." ani kuya. Mas lalo tuloy akong natakot. Bakit ngayong araw pa sila naging masungit?
Tumango na lang ako dahil wala naman akong magagawa. Busy sya sa paghigop ng kape habang nakatingin sa cellphone.
"How's your school." pambabasag ni Kuya sa katahimikan. Tumigil ako sa pagnguya at tinignan sya, nagpilit ako ng ngiti.
"A-ayos lang kuya."
"Good. Why are you stuttering? You seem so nervous. And, you look pale." tinaas nya yung isa nyang kilay habang seryosong nakatingin sa akin. Kung alam mo lang kuya!
"Is there any problem-"
"Wala!" sigaw ko kaya natigilan sya. Nagulat din ako sa bigla kong pagsigaw pero nakita ko si Kuya na mas lalong naging seryoso. "A-ahm, wala kuya, ayos lang ako. Aakyat na ko." huminga ako ng malalim habang unti-unting inaatras yung upuan ko.
"Nope. Finish your food."
"Sabi ko nga." binalik ko ang upuan ko pabalik sa mesa at pinilit ubusin yung pagkain ko kahit sa totoo lang nasusuka na ko.
May narinig akong maingay mula sa hagdan, nakatalikod ako ron pero alam kong si mommy yon.
"Good morning mom." bati ni Kuya.
