Chapter Eleven: The Dinner

712 27 71
                                    

➴➵➶➴➵➶➴➵➶SCOUT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT

I WAS STANDING IN FRONT of the Petness Overload store, waiting for Mackenna to reply to the text message that I had sent, but to my disappointment, she just hid her phone away after reading it.

Gano'n ba kahirap magreply sa'kin? Gano'n ba kahirap sagutin ang tawag ko? Akala ko ba siya ang ite-text ko kapag naliligaw ako? Anong sense nang pagbigay niya sa'kin ng number niya kung hindi rin pala niya sasagutin ang tawag ko? Paano kung naliligaw na pala ako dito tapos deadma lang niya 'yung text at tawag ko.

I sighed heavily before taking another glimpse of her while she was smiling widely at Ryder and holding the cute little puppy before I finally started walking away.

Alam ko namang galit siya sa'kin kahit na sabihin niyang hindi. Halata naman kasi sa mga kinikilos niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagagalit si Mackenna sa'kin. Kung tutuusin hindi naman talaga ako nagsinungaling sakaniya dahil hindi ko naman talaga syota si Stella. Hindi ko pa lang kasi nakakausap si Stella, kaya hindi ko pa magawang magpaliwanag kay Mackenna. Lalo pa't ang sinabi ni Stella sa pinsan niyang Blue Eyes ay boyfriend niya ako.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumili nalang ng bulaklak pang-sorpresa kay Stella mamaya. Hindi ko naman alam kung anong paborito niyang bulaklak kaya kung ano-anong bulaklak nalang ang tinuro ko kanina sa flower shop para gawing flower bouquet.

Pagkatapos kong mamili ay bumalik ako kung saan kami nakatambay ni Mackenna kanina habang kumakain ng hotdog. Ang sabi kasi nila dito nalang daw kami ulit magkita-kita bago kami pumunta sa restaurant—kung saan man nagpa-reserve si Ryder.

Okay na sana, e. Maayos naman kami ni Mackenna kanina, kung hindi lang sumulpot at umentra bigla si Blue Eyes. Nakakainis.

Nag-send ulit ako ng message kay Mackenna at sinabing hinihintay ko na sila rito, pero nakakailang minuto na at wala pa rin siyang reply. Napabuntong-hininga nalang ako at saka binalik 'yung cellphone sa bulsa ng pantalon ko.

Bahala na nga silang dalawa diyan. Nakakainis. E'di sila na ang masaya at nakikipaglaro sa mga tuta. Ni hindi man lang ako niyaya, mahilig din naman ako sa aso.

Maya-maya pa at biglang tumunog 'yung cellphone ko at halos mabitawan ko 'yung bouquet na hawak ko dahil sa pagmamadali ko.

"Anubayan." bulong ko nang makita kong si Captain Mendez pala 'yung tumatawag. Akala ko si Mackenna na.

"Hello, Cap? Balita?" bati ko pagkatapos kong sagutin 'yung tawag niya.

"Kanina ko pa hinihintay 'yung tawag mo. Akala ko ba tutulong ako sa pag-surprise mo kay Stella?"

"Change of plans, Cap."

"Pambihira ka talagang bata ka. Hindi pa naman ako natulog ngayong hapon dahil hinahantay kita." sagot ni Cap sa kabilang linya. Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya.

One Drunken Night in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon