First HeartBroken

517 18 5
                                    

Vienne:

Tumakbo nalamg ako papuntang bahay..

Yung feeling na nag reready ka na para sabihin yung nararamdaman mo sa kanya, pero itong si Tadhana pinaglalaruan ka.. Ang sakit!! Napaka!!

Pagkadating ko sa bahay tinanong agad ako ni mama

"Oh anak anong nangyari sayo umiiyak kaba?!"

"Hindi ma napuwing lang ako.. Ng dalawang taong sobrang sweet na nakita ko sa Coffee shop kaya ganito naiiyak ako dahil sa sobrang sakit.. Sobrang sakit ng pagkapuwing ko" Mama anong gagawin ko?? please Help me.. Mothers knows best diba..

"Maniniwala na sana ako kaso ang pangit ng rason mo.. Dapat ang rason mo ay "Ma, hindi ko inaasahan na maiinlove ako sa bestfriend kong may mahal ng iba" kung yan ang nirason mo anak maniniwala ako.. Sa pagmamahal anak, hindi mawawala ang sakit.. Lahat ng tao nararamdaman yan.. Kasi nga sobra mong mahal.. Pero anak para sa akin.. Ang solusyon diyan sa mga katanungan mo... You just need to accept,sacrifice, and move on..accept dahil hindi ka niya mahal gaya ng pagmamahal mo sa kanya.. Pranka na kung pranka si Mommy mo pero ayun ang totoo ehh.. Hindi niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay mo.. Then you need to sacrifice.. Sacrifies for your love.. Kung iba ang mahal niya.. Then sacrifice, Let him go..Let him be Free.. Hindi mo siya hawak sa leeg anak.. At higit sa lahat hindi mo siya pagmamay-ari.. Kung sa iba siya sasaya pakawalan mo.. Wag ka maging selfish anak.. At ang pinaka importante sa lahat.. Ay ang mag move-on.. Move on kana para hindi ka masaktan.. Move on lang.. Kaya mo yan.. Move on and find a new one that can replace him to your heart.. Anak hindi madaling mag move on.. Pero kung gusto mo..siyempre magagawa mo.. Hintayin mo nalang ang karapat-dapat na lalaki para sa iyo.. Sa ngayon wag muna yan.. Intindihin mo ang studies mo.. Tyaka na iyan.. Inspiration mo nalang yan... Pero anak pag nasaktan ka.. Andito lang si mommy ha.. Wag ka mahihiya na mag share ng feelings mo sa akin.. Mother Knows best diba.. So lika na kain na tayo" Tama si Mama.. Just accept, sacrifice and then move on.. Pero mahihirapan ako.. Bahala na.. Basta i'll keep my moms advice..

At ngayon kumain na kami ng agahan.. Si daddy kasi lumipad papuntang America for our business naaawa na nga ako sa kanya ehh.. Pagod na sa sobrang work....

Nagpaalam ako kay mommy na papanik na..

Pagkapanik ko humiga ako sa kama.. At pagkalingon ko sa Study table ko.. Nakita ko yung Picture namin ni Bestfriend na magka-akbay.. Ang saya-saya namin.. Kailan pa kaya mauulit yan.. Miss ko na siya.. Miss na miss

Siguro pag nagkita kami.. Mag pretend na lang akong okay kahit sa loob-loob ko.. Sobra akong nasasaktan

Naalala ko pa dati

*Flashback*

"Hoy babaeng matangkad!! Anong pangalan mo bakit ka nandito?? Di ka bagay dito ang pangit mo!!" aba itong chanak/ dwende/ pandak na ito kung makapagsalita kala mo katangkaran.. Kaliit-liit naman

"Parang ang pogi mo ha.. Makapag sabi ka ng pangit.. Eh kung ako pangit ano pa kaya yang pagmumukha mo?? Edi sagad-sagarang pangit!! Kaasar.. Kala mo naman kagwapuhan.. Kapangitan naman.." buti lang sa kanya yan.. Bago ko palang dito mapapaaway na agad ako..

*end of flashback*

Natatawa ako sa una naming pagkikita.. Pero ito din pala mauuwi sa pagiging magbestfriend

*beep*
1 message received from Drei

"Bestfriend di talaga ako makapaniwala na kami na.. Mahal na mahal ko talaga siya.. Thank you sa pagpapakilala mo sa akin.. I owe you everything.. Thanks !!"

Oo pasalamat ka talaga sakin.. Pasalamat ka talaga..

Pero sana huwag mo na ipangalandakan na mahal mo siya damang-dama ko na kasi ang
First HeartBroken ko..


~~~~~~~
Authors Note:
Condolence sa puso mo Vienne

Vote
Comment
Share
Read

-Vie

FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon