Truth

372 16 0
                                    

Andrei:

Ang sakit talaga nung nakita sila kanina, di ko napigilan yung sarili ko. Oo nagseselos ako! masama bang magselos?! Mahal ko kasi si Vienne!

*Flashback*

"Anong ginagawa mo ditong hayup ka?!! anong ginagawa mo kay Vienne?!" At sabay na sinuntok siya para makalayo kay Vienne

"Ano ba Andrei yang ginagawa mo?!!" so pinagtatanggol pa niya si Tristan? kesa ipagtanggol ako

"Eh niyakap ka niyan eh! Ayoko ng ibang may gumagawa sayo nun!!" Galit na galit talaga ako kasi parang gustong agawin ni Tristan sa akin si Vienne

"Nagagalit ka kay Tristan huh?!!" at nilayo niya si Tristan mula sa pagkakasapak ko

"Oo! bakit ba kasi siya nandito?!" Hayup na lalaking yan nawala lang ako nandito na agad ang bilis ha!

"Una, bakit ka magagalit kay Tristan kung kino-comfort niya lang ako, siya yung crying shoulder ko pag sinasaktan mo ako, yung taong nandiyan palagi para aluin ako, patahanin mula sa pagkakaiyak, yung taong andiyan nung mga oras na wala ka, yung taong handa akong saluhin kapag hindi ko na talaga kaya, Eh ikaw Andrei?!! Anong klaseng tao kaba?!" Iyak ng iyak si Vienne, sa lahat ng sinabi niya nasasaktan ako, parang gusto kong pumatay, pero parang gusto kong patayin yung sarili ko, kasi lahat ng sinabi niya ay totoo parang ako yung taong andiyan lang para saktan, paiyakin at pahirapan si Vienne, alam niyo yun? Ang sakit kasi nasasaktan ko yung taong mahal ko. Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, parang nadudurog sa maliliit na piraso ang puso ko

"Kaya wag ka magalit sa akin Andrei ha, andito lang naman ako para maging kaibigan ni Vienne, tiyaka di ko hanap ang babae, kasi katulad din ako ni Vienne na hanap ay lalaki" What??! ano daw? naguguluhan ako

"Bakla ka Tristan?" tanong ni Vienne at simpleng tango lang ang ginawa ni Tristan

"OMG!!! Tristan!! totoo?! wag ka magbibiro" sabi ni Vienne

Hindi ako makapagsalita kasi parang hindi totoo... si Tristan na mas malaki pa sa akin ay isang bakla lang?

" Oo nga Viennyyy!! Why don't you make tiwala me" malanding pahayag ni Tristan

"And by the way call me Tristina, okay?" Ang landi niya.. kalalaking ay mali bakla nga pala siya kaya malandi

"Ta*gina mo Tristan!! nagseselos lang ako sa isang bakla?! hayup ka!!" at natawa nalang ako

"So ano ng ganap sa inyo fafa Andrei and Vienny?? make kwento na" tangina di ako sanay makita si Tristan na ganyan

"Naku Bess, epal yan si Andrei diba, iniiyakan ko kasi feeling ko iniiwan ako sa ere" At niyakap ni Vienne si Tristan

"Hoy Vienne!! Kahit bakla yan wag mo yayakapin yan! Nagseselos ako! tyaka wag kana magselos kay Jandra may boyfriend na iyon! Yung Jake daw ang pangalan, uwi kana babe, di na ako galit love you"
Ayaw ko ngang niyayakap-yakap ni Vienne si Tristan kahit na bakla yan nagseselos parin ako

"Ikaw nalang yakapin ko Fafa Andrei" sabi ni Tristan at biglang tumayo si Vienne at pumunta sa akin para yakapin ako

"Huwag mong yayakapin si Andrei!! Baka mayakap mo ang kamao ko Tristan!! kahit bessy kita papatulan kita!!" At tawa lang kami ng tawa kasi ba naman kaya pala nilalapitan ni Tristan si Vienne kasi nga para may kaibigan itong babae at para makahingi ng tips o para may kabonding siya na babae

"Goodnight na Tristan umuwi kana gabi na oh" sabi ko kay Tristan dahil gabi na at walang maghahatid sa kanya

"Concern ka sa akin fafa Andrei?"

"Gag*! Naalibadbaran kasi ako pag nandito ka hahahahahahahaha"

"Ang hard mo fafa Andrei sigr byeeeeeiiii"

at lumabas na siya ng bahay

hayssss grabeee

nakakatawa nalang

*End of flashback*

tawa nalang kami ng tawa ni Vienne kasi ang landi talaga magsalita ni Tristan hahahahahaha

And guys pumayag na si Vienne na ligawan ko siya weeeeeeeeeehhhhh
^.^

FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon