Mutual Understanding

469 13 1
                                    

Vienne:

Ito naba yung sinasabi nilang MU?

Yung Mutual Understanding at hindi Mag-isang Umiibig?

Yung moment at feeling na gusto ka din ng taong gusto mo...

Yung pinoprotektahan ka din ng taong pinoprotektahan mo..

At higit sa lahat yung pinapasaya ka din ng taong pinapasaya mo..

This is it Pansit?

Ang saya pala sa pakiramdam, parang ayoko ng magising, parang panaginip na lamang ang lahat at ayoko ng magising.

Basta ang saya-saya ko!!

"Baby, kain na nangangayayat kana oh..." sabi ni Andrei kasi di pa ako kumakain simula kagabi. Feeling ko kasi sobrang busog pa ako

"Ayoko muna baby!! Busog pa ako promise.. pleaseee I need to sleep ulit inaantok pa kasi ako" Inaantok talaga ako kasi parang kulang ako sa tulog

"Sige na nga baby para lumakas ka pa para pag malakas kana mag gagala tayo" ganyan po siya ka sweet ngayon inaantik na po ako hahaha

*After 1 hour ng pagtulog*

Ayyy!! tulo laway pa ako siguro wala na ai Andrei kasi baka nainip na yun dito napagdesisyunan ko ng bumaba para makakain kaso may nagsalita sa may pinto

"Hep hep baby.. saan ka pupunta?? Diba sabi ko wag mo pipilitin yang katawan mo na bumangon. Sadyang makulit ka rin eh no??"
sermon niya sa akin wahhhhh!!! galit na siya niyan!!

"Sorry na :3 hindi ko naman sinasadya eh :3" Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin kaya ganyan siya

"Hayss okay lang baby basta makinig ka sa akin ha? wag matigas ang ulo.. Hmmm ito oh dinalhan kita ng pagkain!! Lunch in Bed kasi po nagising kana ng 12:30 pm hayss napahimbing tulog mo"
Wala na akong masabe akala mo talaga boyfriend ko siya dahil sa mga pag-aalagang ginagawa niya sa akin

"Baby, subuan mo naman si Baby Andrei mo.. ako nagluto niyan.. masakit sa kamay tignan mo oh.. puro band-aid kaya please subo" para pong bata si Andrei haysss such a cutie one talaga to!!

"Sige na nga say "ahhhhh" hahahahahahahahahaha cute mo naman" at ayun kumain lang kami ng kumain hanggang sa maubos pero itong si Andrei kanina pa nakangiti at parang sayang-saya

"Andrei, bakit kanina ka pa nakangiti? Gusto mo pa bang kumain?" baka kasi mamaya nasisiraan na ito ng bait, mahirap na at baka kung ano pa gawin sakin nito

"Huwag kang mag-alala baby di ako baliw, ay baliw ako, baliw na baliw na baliw sayo. At gusto mo talagang malaman kung bakit ako nakangiti kanina pa?? Simple lang kasi iisang kutsara lang ang ginamit natin sa pagkain.. hahahaha kinikilig ako baby tapos sinusubuan mo pa ako tapos ikaw naman ang susubo hayss iisang kutsara lang talaga ginamit natin, kinilig talaga ako baby!!" at parang baliw siya na tumawa. Kaya pala ngiting-ngiti ang butihin kong nurse kasi iisang kutsara lang hayss nakuu ang babaw nito ni Andrei pero ang cute! so I suddenly pinch his cheeks until it turned into red!!! such a cutie patotie!!

"Ouch!!! Baby naman!!! ang sakit ikaw talaga!!" At ayun niyakap nalang ako ng niyakap hanggang sa makahiga ulit kami nilagay niya muna sa gilid ng table ang pinagkainan namin at tumabi sa akin grabe talaga at bukas ay may pasok na hala!!!!!

"Andrei!!! Hala.. hala anong gagawin ko hala... pano to!! Andrei di ko pa nagagawa yung assignment natin sa math at hindi ko alam kung papaano sasagutan.. di ko alam ang gagawin ko" malapit na akong maiyak kasi ngayon ko lang naalala at higit sa lahat math pa yun! eh ang baba ko doon kaya hinahabol ko ang grades ko doon

"Don't worry baby, nagawan ko na ng paraan kaya rest kana ulit huwag kana mag-alala tulog na ha, I love you" Sweet talaga nito

Kring kring!! kring kring!!

Kinuha ni Andrei ang phone niya at sinagot ang tawag

"What!!? Jandra?? where are you?? Hospital?? What hospital? why?? s-sige p-punta na ako diyan"

But Andrei I need you too..

FRIENDZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon