Seventh Love Letter

3 1 0
                                    

Dear Secret Love,



OmO. Gahd. Natakot ako sa 'yo kahapon. Hinahanap mo ako? Sinigaw mo nga diba kahapon na, 'Makinig kayo sa kin lahat! Sino si Marsh Mallows?! Magpakita ka!' pilit na pilit yung mga kaklase natin na wag tumawa. Ano kayang nakakatawa sa Marsh Mallows? Hindi naman joke yun diba? Nung narinig ko nga yan mula sa 'yo, nagutom ako bigla. Favorite Food ko kasi yan. Hihi.


Nung sinigaw mo yun sa classroom, Nagkunwari lang akong nagsusulat. Nahihirapan kasi akong magsinungaling sa 'yo. Pero talagang nagsulat ako nun, tinake down notes ko kasi yung sinabi mo. ^^ Tapos bigla ka na lang umalis kasi parang napahiya ka pa. :"<


Sorry ha? Hindi ko pa kasi kayang ipakita yung pretty face ko sa 'yo. >_< Maybe malalaman mo pagdating ng tamang panahon. Right Time. Right Place. Kinda romantic. Hihi.


XOXO :*



Forever Yours,


Marsh Mallows

Dear Secret Love (Mga Sulat ni Marsh Mallows)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon