17th Love Letter

7 1 0
                                    

Dear Secret Love,




Buti na lang at hindi kita classmate sa Physics class. Sasabihin ko sa 'yo pero wag mo sanang kwestyonin kung sino ako at wag mo sanang sabihin kay Nichole.



Kanina kasi, classmate ko si Nichole, sa likod ko siya naka-upo. Ang sabi niya sa 'kin, 'Alam kong sinusundan nyo kami ng boyfriend ko sa mall kahapon. But the thing is, wag kang mag balak na sabihin yon kay Auden or else..' inayos ko ang reading glasses ko at tsaka tinignan ko siya, 'Hindi ka namin sinusundan.' matamlay kong sabi habang tinititigan siya. Hindi ko classmate ngayon si Beszxc kaya wala akong protector. Huhu, somebody help me!



'So you're telling me that i'm wrong?! Huh!?' nakoo, galit na ang tono ng boses niya. Hindi na lang ako sumagot pero habang nakatingin ako kay ma'am na nagsusulat sa white board ay may biglang bumato sa kanya ng crumpled paper na nanggaling sa likuran ko. I'm sure na si Nichole ang bumato no'n.



Kaya kanina pa masakit ang mga palad ko kasi pinag-mop ako ni ma'am sa computer lab. Ang lawak pa naman no'n. Pinagbintangan kasi ako ni Nichole na ako ang bumato non kay ma'am. Wala witness sa nangyari kaya pinalabas ako ng klase. HUHUHUHUHU :""""<



P.S. Hindi naman sa sinisiraan ko sa'yo si Nichole. Pero totoo talaga na nagyari yang lahat. Hindi ko kasi kayang magtago ng secret sa'yo. :) At tsaka strong kaya ako. Aja! Kaya wag ka nang magtanong sa kanya about sa'kin, pretty please? :)) Lab naman kita eh. :*




Forever Yours,



Marsh Mallows



Dear Secret Love (Mga Sulat ni Marsh Mallows)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon