15th Love Letter

4 0 0
                                    

Dear Secret Love,




Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa 'kin ni Beszxc kung ano yung plano niya para mapansin mo ako. Pinagtitripan lang niya yata ako :"< Nagtatampo na ako sa kanya. Huhu.


Kanina kasi habang nasa cafeteria kami, kanina ko pa siya tinatanong kung anong balak niya pero parati siyang may kausap sa phone niya. Wala naman siyang iba pang kaibigan kundi ako lang eh. At tsaka ang nakapagtataka lang, puro Doktora ang parati niyang nasasabi. Tinanong ko naman kung sino iyon, ang sagot niya, dermatologist daw niya, magpapa schedule raw siya. Kaya naman pala ang kinis at ang puti niya, may sariling dermatologist. Bakit ba hindi ko naisip na magkaroon rin ng dermatologist? O magpa derma man lang? Hayyss, bibili na lang ako ng maraming stationeries. ^^



By the way, nagsusulat na rin ako ng speech sa notepad ko kung ano ang sasabihin ko sa'yo pag magpapakilala na ako na si Marsh Mallows ako. Gusto ko nang isulat yun ngayon dito pero surprise ko na yun. Hihi. ^^




Forever Yours,



Marsh Mallows



Dear Secret Love (Mga Sulat ni Marsh Mallows)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon