Dear Secret Love,
Auden, sorry kung hindi ako nakapagreply kagabi. Nakatulog kasi ako bigla. So, naniniwala ka na sa'kin ngayon? Hehe, sabi ko naman sa'yo eh. By the way, napansin ko nung nakaraang araw na lumalapit sa'yo yung grupo ng babae sa nursing department. Grabe sila, parang sila yung mga nawawala mong buntot dahil alupihan ka talaga simula pa lang. Hohoho >O< Sorry po. hahahaha. Dyuk lang yun ha?
And by the way again, buwis-buhay kong kinuha ang cellphone number mo para lang maka-usap kita kahit sa text man lang. Yung classmate natin na si Angela, class officer siya diba? Siya yung in-charge sa pagkumpiska ng cellphone sa mga estudyanteng gumagamit habang nagkaklase. Tinanong ko sa kanya kung may nakuha ba siya na cellphone sa inyong magbabarkada. Ang sabi naman niya, nakumpiska raw niya yung cellphone ni Joe. Napa- 'Ahh, okay' na lang ako at hindi ko pinaalam sa kanya kung ano man ang maitim na binabalak ko. Buwahahaha. :DD
And then, Pinasok ko nang palihim yung Student Council's Office. Binigay sa'kin ni Kuya Ped ang susi kasi nagpaalam ako na inatasan ng President na maglinis. Kaya ayun, buti na lang at 'slide to unlock' lang ang security ng cellphone ni Joe kaya hindi na ako nahirapan. :)
Sorry sa ginawa ko ha? Hindi ko na kasi kaya na hanggang love letter lang ako sa'yo. :)
P.S. So, can we be textmates? Hihi. :* XOXO
Forever Yours,
Marsh Mallows
BINABASA MO ANG
Dear Secret Love (Mga Sulat ni Marsh Mallows)
Dla nastolatkówMga Love Letter ni Marsh Mallows sa Secret Love niya. The 'Gahd' Queen.