Sixth Love Letter

8 1 0
                                    

Dear Secret Love,



Sorry ha, na late ako ng paglagay nung last letter sa locker mo. Sorry. Kase naman eh, yung kabarkada mo, si Angelo, umaali-aligid sa locker room, parang inaantay niya kung may pupunta roon. Maaga akong sinundo ni kuya nung uwian na yun kasi may pinuntahan raw siya kaya dumiretso na siya rito sa school kasi dala niya yung kotse namin. Kaya no choice ako. Kasi pag hindi ako sumabay, magsusumbong siya kay daddy na may boyfriend na 'ko. Parang black mail lang. Gusto ko pa kasing mag stay sa school nung time na yun para malagay ko yung love letter sa locker mo.


Kina umagahan nun, mas nauna pa ako sa guard na si Kuya Ped na pumasok dahil sa sobrang aga ko. Hinintay ko pa si Kuya Ped para buksan yung gate, syempre wala akong susi ng school.


P.S. Finally! Binuksan mo na rin yung locker mo. Hihi ^^ Labyu :*



Forever Yours,


Marsh Mallows

Dear Secret Love (Mga Sulat ni Marsh Mallows)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon