*Ding Dong Ding Dong*
Tunog ng bell na nagsasabing uwian na subalit hindi kami makakauwi ng walang kasamang Guardian dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan as in Bagyo na may Signal #3, ang sabi kasi ng Weather Forecasts ay signal #2 daw kaya may pasok kami kaya lang hindi expected ang biglaang pagtaas nito. Kaya pinapauwi kami ng maaga.
Wenesday kasi ngayon, Whole Day kami at lumakas ang bagyo nung bandang 12:00 pm. ART (Academy of Research and Technology) ang pangalan ng school na pinapasukan ko. Marami daw na klase ng kababalaghan ang nagyayari dito sa school pero hindi ako naniniwala sa mga ghost.
By the way ako nga pala si Rainne De Guzman, I’m Pretty, Cheerful and kind... I think.
Susunduin ako nila papa at mama kaya lang baka malate sila kasi magtatas pa sila ng gamit baka kasi bumaha, 3:00 ng tanghali ng magsiuwian ang mga kaklase at kaibigan ko dahil may mga sundo a sila at hanggang kami ni Sophia ang naiwan sa aming mga magkakaibigan.
Friend 1: “Bye Bye Rainne”
Rainne: “Ok bye, ingat kayo sa paguwi”
Friend 2: “Uwi na ako Rainne, Bye”
Rainne: “Sige Bye”
Friend 3: “Wala pa ba yung sundo mo rainne? Uwi na kasi ako ehh”
“Mimiya pa siguro, mauna ka na, Bye, kita kits na lang bukas” sabi ko sabay wave ng hands.
Pagkayari magpaalam ni friend 3, sakto namang dumating ang aming guro.
“Okay guys, ilan na lang ba kayo?”
Sabi ng pogi naming teacher sabay clap ng kanyang kamay, siya si Steven Drew ang professor namin sa Science.
“1,2,3,4,5... bali anim kasama ako” bilang niya
Si Sir Steven ay pogi, matalino at mahilig sa mga horror stories.
Si Sophia Rafael naman ay kaibigan ko, hindi siya kagandahan kasi Cute siya, mabait at pinaka matalino sa school namin.
Si Princess Violago ang Ultimate Ice Queen sa Section namin, She is beautiful but sobrang arte at isa din siyang sikat na model sa isang magazine.
Si Clive Mateo ang President ng Student Council sa aming School at Captain ng Volleyball team ng School at may kapogian din siya.
Si Noah Lacson ang Ace ng Volleyball team, Pangalawa sa matalino dahil si Sophia ang First at malakas siyang kumain or timawa sa pagkain ang tamang words pero kahit anong lamon ang gawin niya hindi siya tumataba.
Saka ako, kaming anim na lang kasi ang natira sa section namin at nasa classroom kami ngayon. At kung mapapansin niyo ako lang ang Normal dito, Abnormal kasi sila hahah joke lang, hindi man ako katalinuhan pero yung ganda ko pamatay naman hahah--.
Nakakadepressed naman kasi, nasaan na ba sila mama?
“Okay, dahil tayo nalang yung natira bakit hindi tayo mag kwentuhan ng mga katatakutan na alam niyo, narinig o kaya naman naexperience o True Stories” sabi ni sir habang nakangiti at biglang kumulog ng malakas na sinundan ng kidlat na matalim.
“Ehhhh… No way, si Sir naman ehh” reklamo ni Sophia at princess, hindi kasi nila kaya ang katatakutan.
“Yeyy. Sige sir sino first?” excited na sabi ni Noah
“Dahil mukhang Masaya ka , ikaw na ang mauna.” sarcastic kong sabi ko.
“ Okay!” pagsang ayon ni Noah na hindi ko inexpect, kasi akala ko magrereklamo siya.
“Okay guys si Noah daw ang mauuna, bali yung ikot natin ay pakanan, next si clive kay noah, Princess, Sophia, Raine and ako yung last. Nakahanap ako ng kandila kanila at sisindihan ko ito sa gitna at pwepwesto tayo paikot sa kandila. Patayin na rin natin yung ilaw para may thrill” paliwanag ni sir
4:00 pm pa lang kasi pero sobrang dilim na ng paligid.
“Simulan mo na Noah” sabi ni sir pogi (sir steven).
“ Okayyy~~~<3” masayang sabi ni Noah
“True Story po to, sarili kong experience” dagdag pa niya
“Di nga” di makapaniwalang sagot ni Clive
“Talaga ba?” Kahit si princess ay di naniniwala
“Oo nga! Makinig na lang kayo.” sabi ni Noah
Madilim ang paligid at maririning ang patak ng malakas ng ulan. Ang source lng namin ay ang ilaw ng kandilang nakasindi sa gitna namin habang nakapaikot kami.
Kita sa mukha ng aking mga kaklase ang kaba at sabik sa storyang ikwekwento ni Noah.
Di ko mapigilang mapalunok kasi ang creepy ng atmosphere namin. Halos lahat ay tahimik habang hinihintay ang nakakatakot na real experience ni Noah.
Nagsimulang magkwento si Noah nung mapansin niya na ready na ang lahat upang makining sa kanyang kwento.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Kakila-kilabot Sa Ilalim Ng Liwanag Ng Kandila
HorrorNastranded si Raine Deguzman sa kanilang school kasama ang kaniyang apat na kaklase at guro, dahil sa biglaang paglakas ng bagyo. Bilang pampalipas ng oras, naisipan nilang magkwentuhan ng mga kakatatakutan. Patay ang ilaw at isang kandila ang nakas...