Chapter III: Bathroom

58 3 0
                                    

Clive’s Story

Narinig ko lang ang story na ito sa ibang mag-aaral dito sa ART na meron daw nagpaparamdam na multo sa Girls Restroom at ito nga yung kwento. Nung last year daw kasi may batang babae ang laging binubully ng buong section niya, pangalanan natin  siyang Sarah Dizon or Sarah lang.

One day in the Girls Restroom…. May tatlong babae ang pumasok sa Restroon ang leader ng pambubully na si Xie at ang dalawa niyang alalay. Napahinto sila sa paglakad, nang biglang may narinig silang umiiyak

*Sob**Sob**Sob*

“Ano yun?” tanong ng isa sa kasama ni Xie na si Claire.

“Sarah?” sabi ni Xie ng marinig ang pamilyar na boses.

“Shhh”  pagpapatahimik ng isa pa kanila.

“May nasip ako.” dagdag nito.

“Ano?” interesadong tanong ni xie at nang isa pa niyang kasama.

“Lock natin yung pinto gamit yung mop na kahit anong pihit ang gawin niya sa doorknob hindi niya ito mabubuksan”

Sumangayon ang dalawa at hinarangan nga nila ng mop ang doorknob para hindi ito makalabas saka sila umalis, uwian na rin kasi nang mga oras na iyon.

*Giggle* *Giggle*

Tahimik na nagtawanan sila palabas ng restroom.

Sinubukang buksan ito ni Sarah pero nasawi siya. Hindi niya ito mabukasan, naiwan siyang magisa roon na kahit anong tawag niya walang makakarinig sa kanya. Kaya namn naisipan niyang umakyat sa pinto, para makalabas siya. Kaya naman naisipan niyang tumuntong sa kubeta pero sa hindi ina-asahang pangyayari ay nadulas siya, tumama ang kanyang ulo sa pader at nawalan ng malay.

Kinabukasan...

“Balikan natin si Sarah sa Restroom! Baka mimiya hindi siya nakalabas at doon siya natulog.  Nakakatawa iyon panigurado hahaha” Sabi ng nagsuggest ng plano na kanilang kasama.

“Paano kapag nakauwi na iyon o kaya kung ano na nagyari dun?” sabi ng isa na kasama nila kahapon na si claire.

“Nakalabas na iyon” siguradong sabi ni xie.

“Paano?” sabi ng nagsuggest ng plano

“Paano pa ba? edi umakyat sa pinto! Kahit sino naman kaya yun.” iritang sagot ni xie.

Pero pumunta pa rin sila para icheck si sarah.

“Sarahhh!”

*giggle giggle*

Natatawang tawag nila ng makita na nandoon pa rin yung maffler at yung kita na paa ni sarah. Kaya dahan dahang lumapit yung magkakaibigan habang nag tatawanan at dahan dahan din nilang binuksan ang pinto ng CR

“Saraaa-------” nagulat at napahiyaw sila sa nakita

“Ahhhhhhh!!!”

Sigaw nila at tumakbo palabas nang makita ang walang malay at duguan mula sa ulo na katawan ni Sarah.

At simulang makaramdam ng kakaiba ang mga studyane tulad ng pagb
bagsak ng mop, pagbukas at sara ng pinto ng CR, hugis ng mukha sa salamin, Pagbukas ng gripo o pagflush ng kubeta at iba pa. Hinihinalang si sarah ang nagpaparamdam sa CR ng girls restroom. Kaya nga walang pumupunta doon ng magisa at lagi silang may kasama…

***

*BANG!!*

Biglang malakas na tunog ang kanilang narinig na kanilang ikinagulat.

“Ahhhhhh!!” sabay sabay naming hiyaw maliban kay Sir pogi pero si sophia ang may pinakamalakas na hiyaw.

“Hahaha!!” rinig ang malakas na tawa ni clive

“Nice one clive!” sabi ni Sir pogi

“Yung vase yung nagdala! Hindi kami natakot, nagulat  lang kami, okay?” pagbiro ni princess

Yung nabasag na vase kasi nang galing ang ingay, dahil sa lakas ng hangin ay bumagsak ito.

“Tama ka nga diyan princess. Hahaha!” natatawa kong pagsang ayon at habang si sophia ay nanginginig na taban ang kanyang cellphone.

“Then its my turn” sabi ni princess at sinimulan magkwento ng makitang tapos nang tumawa ang lahat.


Mga Kwentong Kakila-kilabot Sa Ilalim Ng Liwanag Ng KandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon