Chapter II: Refrigerator

89 4 2
                                    

Noah’s Horror Story

Narrator(Noah): Umuulan kasi ng mga gabing iyon at mag isa akong nanonood ng Horror Movies nang
may marinig akong malakas na pag-ugong na tunog pero hindi ko malaman kung saan nanggagaling yung ingay na iyon, kaya pinatay ko yung sound nang pinapanood ko pero hindi doon nangagaling yung ingay.

“Ahh saan ba yung ingay na un nabubwiset na ako” reklamo ko.

Kaya dahan dahan akong bumaba ng hagdan kasi 2nd floor yung room ko at tulog na rin sila mom and dad ng mga oras na iyon. Nang pakinggan kong mabuti yung ingay, mukhang naggagaling ito sa kusina kaya sinundan ko yung ingay na iyon.

“ Aaahhhhhh “ napahiyaw ako sa gulat nang biglang tumalon yung pusa namin sa harapan ko

“meoww”

“Wwaahhh, Ginulat mo ako , ming-ming!"

*Growll*

Narining ko na naman yung ingay at mukha nanggagaling ito sa refrigerator namin. Kinakabahan akong lumapit.

Narrator(Noah)- Dahan dahan akong lumapit kung saan nang-gagaling yung ingay. Nang makalapit ako sa kinaroroonan ng ingay ay dahan dahan ko itong binuksan at laking gulat ko nang makita ang nasa loob nito at nakaramdam ako na may tao sa likod ko kaya kinabahan ako at hindi mapigilan mapahiyaw nung lumingon ako at may nakitang taong nakatayo sa likuran ko.

“ Ahhhhh!!” Hiyaw ko nang malakas nang magulat ako at nakita kung sino iyon.

“ Mom?” tanong ko 

“ Ano ba ang hinihiyaw mo diyan? gabing-gabi na, kaya nga sinasabi ko sayo na huwag kang nanonoud ng horror movies na mag isa sa gabi, akin na nga ang tubig sa ref” sabay batok niya sa akin ng malakas.

“ Ahhhh!! Ano To!” Hiyaw ng mom ko.

“Mom, bakit walang laman ang ref ? nagugutom na ako!” sabi ko at saka ko lng narealize na yung ingay ay galing sa gutom kong tiyan.

“Ano ba yang hiyawan kayo ng hiyawan diyan, may natutulog na eh! Mga beiset!” galit na hiyaw ng aking dad.

"..." tahimik lng kami ni mama

“Kung yung laman ng ref ang pinopoblema niyo, hindi nakabili kaya walang laman!” galit na hiyaw ni dad.

***

“End of the story” proud na sabi ni noah.

“Pfffff hahhahahhahaha” sabay sabay na hagikgik ng lahat.

“Noah, is that suppose to be a horror story?” sabi ni sir pogi at hindi mapigilan ang pagtawa..

“Yes Sir, tutal naman nakakatakot umasa sa wala naman pala na akala mo meron, pero wala!” hugot ni noah..

“Ayy nako huhugot pa ehh” sabi ni clive..

“Ayy nako onyok ano ba ang kinalaman niyan sa salitang horror as in H-O-R-R-O-R” inispell pa ni princess at habang si sophia ay nashock sa story  cguro ay expected niya na iba ang nasa loob ng ref.

“It was scary you know mas lalo na kapag hindi mo alam ang ending, parang pag-ibig lang nakakatakot tumuloy sa ending kung hindi ka sure kung may happy ending hahha” paghugot ni noah muli

“Natakot ka lang magutom at kinalabasan pa walang makakain” pang-aasar ko sa kanya

“Paano mo nalaman? Mind reader ka ba?” pagbibiro ni noah

“Hahahaha” sabay sabay na tawa ng lahat

“Sophia, okay ka lang” bulong ko sa kanya kasi kanina pa niya pinipilit  na huwag ipakita na natatakot siya pero tumango lang siya sa akin.

“Next Clive” sabi ni Sir Pogi.

“Okay po, makinig kayo ah! Mas nakakatakot ito kaysa sa story ni Noah hahaha” pagbibiro ni clive.

Nagsimula namang magkwento si Clive ng story na kanyang niyayabang na mas nakakatakot raw.

Mga Kwentong Kakila-kilabot Sa Ilalim Ng Liwanag Ng KandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon